CHAPTER FORTY SIX:
ELEMENTAL SEEDS OF ETERNITY
∞
DEAN
Isang nakakapangilabot na kadiliman ang bumalot sa kapaligirang kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nasaan na naman ako o kung anong ginagawa ko rito. Napakalamig sa pakiramdam ng alangaang at parang inuubos ng dilim ang kakayahan kong huminga.
"Dean!"
Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako nang makitang si Harrieth 'yon kasama ng apat ko pang kasama sa bahay. Nandito kami sa isang dalampasigan kung saan walang ibang elementalists na makikita. Pinaliligiran kami ng matataas na bundok at mga pantropikong puno.
Hinila ako ni Harrieth papunta sa dagat at sabay kaming anim na nagtampisaw. Hanggang maitulak ako nito sa malalim na parte at pag-ahon ko sa tubig, hinihigop na ng tatlong Deviader ang katawan nila Tye, Octavia, at Al. Kulay biyoleta na ang kanilang mga mata at pinaliligiran ng itim na usok ang mga katawan. Habang kaming tatlo naman nila Chris at Harrieth ay nagkukumpulan sa isang tabi't hindi na alam ang gagawin.
Maya maya, bigla na namang dumilim ang kapaligiran at nadinig ko ang nakakatindig-balahibong boses ng Dark One na ngayon ko lang ulit narinig. Napaupo ako sa sobrang sakit ng mga ugat sa ulo nang pasukin niya ang utak ko.
"AHHH!!!"
"Find the Elemental Seeds of Eternity. NOW!!!"
"AHHHHHHHH!!!" Halos mapahiga ako sa sobrang lakas ng boses niya na halos mawawasak na ang laman ng utak ko. Nawalan ako ng ganang magsalita dahil sa kirot na siya rin ang may gawa.
"Find it and you will be rewarded. If you don't, an anniliation will happen."
Tumawa siya ng napakalakas na siyang pumuputol sa mga ugat ng aking ulo. Para akong binabalatan ng buhay sa sobrang hapdi ng ginagawa niya. Nakahiga ako ngayon sa sahig at nang tatayo na sana ako, biglang napuno ng tubig ang paligid. Lumalim ito ng lumalim hanggang hindi ko na maabot ang ibabaw ng tubig. Pinilit kong lumangoy pero parang wala pa ring nangyayari. Hanggang nauubusan na ako ng hininga at pagdilat ng mga mata, nasa loob na ako ng kuwarto ko.
Wala sa oras, napahawak ako sa leeg at hinabol ang mahabang paghinga habang mahigpit na nakakapit sa kumot. Hindi pa man ako nakakabawi ng hangin, tumunog ang alarm clock kong lalong nakapagpakaba sa akin. Shit.
Alas sais na ng umaga. Napanaginipan ko na naman ang Dark One. Hindi pa rin talaga niya ako tinatantanan. Patuloy lang niyang hinahanap sa akin ang Elemental Seeds of Eternity kahit wala naman akong alam tungkol doon. Saka ano namang paandar ang sinasabi niya sa akin ngayon? Hanapin ko ang Seeds at gagantimpalaan niya ako? Kung hindi ko siya sinunod, isang paglipol ang magaganap. Psh.
Bakit ba parating ako na lang ang pinapahanap niya? Bakit hindi niya subukang ipahanap na lang sa ibang elemental at hindi 'yong patuloy lang niya akong ginagambala. Haaayst.
Saka sinabi na rin ni Professor Zedd na isang kuwentong barbero lang Elemental Seeds of Eternity at walang saysay itong hanapin dahil hindi nga ito nabubuhay. Talagang napakakulit din ng Dark One na 'to. Totoo siyang manakot at oo, natatakot ako ro'n pero paano ko mahahanap ang seeds kung hindi ito totoo? Nako naman...
Namatay ang tunog ng alarm na hindi ko man lang namamalayang isang minuto na akong nagiisip. Nakatanaw lang ako sa glass wall na sinisilayan ng araw ang berdeng kakahuyan. Pinagmamasdan ko lang kung paano kainin ng liwanag ang kadilimang nasa kalupaang gawa ng mga nagtatayugang bundok.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...