CHAPTER THIRTY FOUR:
THE FOUR FOUNDERS OF SHOUXCLAVE
∞
DEAN
Halos hindi ako makatulog sa kaiisip kung bakit niya pinayagan 'yong lalaking 'yon na maging escort niya. Ano bang pinakain no'n kung bakit gano'n na lang niyang kabilis payagan? Hindi ba niya ako ini-expect na lalapit rin ako sa kaniya at yayayain siya? Wala ba ako sa listahan niya? Saka, kilala ba niya 'yong Axelle na 'yon? Eh, tarantao 'yon eh. Hindi muna niya kinikilatis kung sinong papayagan niya. Basta-basta na lang siyang sumasama sa kung sinu-sinong lalaki.
"Ah, ikaw ba Al? May escort ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Napakaaga kong nagising ngayon at naunahan ko si Al. Nagtitimpla siya ngayon ng dalawang tasa ng mainit na tsaa habang ako naman, nagluluto ng tipikal na umagahan: bacon, itlog, at inihahanda ko na rin ang mac and cheese na paboritong-paborito ko.
"Yup." 'Yon lang ang sagot niya, sapat para maintindihan ko. 'Yong tungkol sa nangyari kagabi, alam na 'yon ng lahat. In-open ng gagong Tye na 'yon habang kumakain kami ng dinner. Siyempre sinabi ko 'yong totoo at heto ako ngayon, walang maisip kung sinong puwedeng yayain sa mga kaklase ko. Kung bakit kasi ngayon ko lang niyaya si Al. Sana lahat may partner.
6:30 na at bumaba na rin si Harrieth. Naggi-grate ako ng apat na klase ng cheese para ihalo sa macaroni mamaya. Nagtimpla siya ng gatas pagkasabi ng 'Good morning' sa amin at maya-maya pa, may nag-door bell.
Si Al na ang lumabas para makapunta sa main door ng Top House at nagbukas ng pinto. Ilang minuto lang siyang nawala at bumalik na siya dala ang mga puting bagay. Paglapit niya sa mesa, ibinaba niya 'yon sa tapat ko. Mga puting envelope 'yon na may iba't ibang seals. Marami-rami 'yon na sa tansya ko't anim hanggang walo.
"Board's Post Office delivered that and they are apologizing because of the delay." medyo plain niyang sabi.
"Thank you." sabi ko na lang sa kaniya at pagkatapos malusaw ang napakaraming keso, hinalo ko na ang pinakuluang macaroni na nasa strainer. Nilisan ko ang pagluto no'n pagkatapos mahalo at tinignan isa-isa ang mga liham na natanggap ko.
"Sa akin ba ang lahat 'to? Bakit parang ang rami naman yata?" nagtataka kong tanong habang sinusuri ang mga sulat. Walang nakasaad kung kanino galing 'yon ngunit ang pansin ko sa sulat, magkakaiba sila ng font. Magkakaibang tao 'to.
Pagkasubo ni Harrieth ng kinakaing toasted bread na nauna ko nang naluto kanina, kinuha niya ang isang envelope at saka pinagmasdan. "OH. I think, you have admirers, Dean. I can't imagine na mga babae na ang humabol sa 'yo just for you to be their esort." Pinaningkitan ko na lang siya ng mata dahil hindi naman ako gano'n kasikat para bigyan ng mga ganiyan.
"Ano bang sinasabi mo, Harrieth?" Bumalik na lang ako sa paghalo at tinantanan ang mga envelope.
"It''s obvious, Dean. Hindi mo man alam, pero may mga babae pa ring gustong isayaw ang kaisa-isang Foster sa buong Elementus."
Natawa na lang ako sa mga pinapahayag niya at sinabing, "Ewan ko sa 'yo. Puro ka kalokohan." Sino namang gagawa no'n?
Nang maluto na lahat ng kailangan kong lutuin, umakyat na ako sa kuwarto para ilagay ang mga sulat na 'yon. Inilapag ko lang ang pitong envelope sa isang mesa at mamaya ko na siguro 'yon babasahin isa-isa.
Sabay-sabay na kaming kumain ng mga alas siyete y media na. Wala eh, ang tagal nilang gumising dahil walang pasok ngayon. Lalo na si Chris. Tuesday ngayon at tasks lang ang meron. Nagkataong hindi muna raw magbibigay ang mga professors ng quests or activities for Tuesday para makapaghanda sa nalalapit nang Royal Ball.
BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
Viễn tưởngDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...