Dean Foster | Thirty Three

11 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY THREE:

SHOUXCLAVE'S R.O.Y.A.L.T.I.E.S.

DEAN

"Good morning, Pertians! This is your Headman Cole and speaking again to circulate an official message from the Shouxclave Heads. My co-officers received a letter earlier this morning and the short note states that, and I quote: Mula sa mga elemental na namumuhay sa apat na kastilyo ng kaharian, malugod na inaanyayahan ang lahat ng mahal na Hari at Reyna upang daluhan ang magaganap na pagtitipon sa malawak na bulwagan upang ipahayag ang isang napakahalagang anunsyo. Inaasahan ang lahat na daluhan ang malawakang pagtitipong ito. End of quote.

"The envelope has a royal seal so kung tama ako, maguumpisa ng maghanap ang King and Queen ng hahaligi sa castle. This will be exciting, so Pertians, wake up! This is your Headman, signing off."

Kumakain kami ngayon sa kusina at handa na para pumasok. Wala naman nang nagtanong kung anong ibig sabihin ng mensaheng 'yon at naglakad na kami papuntang great hall. Sa pinakaharap kami naupo at nang magsara ang malaking double door, nag-umpisa na ang meeting.

Nakapagtataka dahil dalawa lang silang nakatayo ngayon sa harapan. Wala si Headmaster Tremblefleckz, Headmaster Wytherin, at Headmistress McScotch. Nasa gitna si Headmistress Maddestrain na nakapang-medieval gown, suot ang isang korona. Sa kaliwa naman nito ay nakatindig si Professor Zedd na himalang hindi dala ang baston at nakasuot rin ng king's attire at isang korona.

Sa likuran nila, nakaupo ang mga propesor ng Shouxclave sa tatlong elevated seats. Kumpleto silang lahat at nakapagtataka na ang lahat ay nakaterno rin ng kasuotang parang a-attend ng isang ball sa isang napakayamang kaharian. Teka, anong meron?

"The hell's happening?" rining kong saad ni Chris.

"Oh my Glorcks! Hindi man lang tayo sinabihan na ganiyan dapat ang attire natin this day." sabat naman ng isa pa na ano naman raw ang ibig sabihin ng glorcks? Alam niyo na kung sino 'yon.

"Ipinatawag namin ang lahat ng mga elemental na sakop ng aming kaharian upang ipabatid sa lahat ang isang napakahalagang anunsyo." taas-noong saad ni Headmaster Maddestrain na halos mapunit na ang labi sa sobrang pagkakangiti. Tunay ngang napakalalim niyang managalog sa araw na ito.

"Siyang tunay, Mahal na Reyna. Ngayong araw, narito ang lahat sa napakalaking bulwagan ng kastilyo upang ipaalam na ito na ang natatanging oras. Natatanging oras upang maghanap ng panibagong mamumuno sa aming kaharian." Teka, wala na akong naiintindihan. Anong pakulo ito?

"Ang kaharian ay mangangailangan ng labing anim na magigiting at karapatdapat na elemental. Sila ang hahaligi at papalit sa aming katungkulan upang pamunuan ang buong elemental at nasasakupan ng buong kaharian." dugtong naman ni Headmistress pagkatapos magsalita si Professor Zedd.

"Kaya nama'y hindi na namin ito patatagalin pa. At mula sa oras na ito, ang lahat ay magbunyi sapagkat opisyal ng binubuksan ang halalan para sa mga susunod na Shouxclave's R.O.Y.A.L.T.I.E.S."

Kaming mga first years, walang maintindihan tungkol sa Royalties na 'yan. Pero ang tatlong higher years, dinadagundong na ang buong hall sa sobrang kasiyahan. Kasabay no'n, mayroon pang mga confetti'ng sumasabog sa itaas at powdered fireworks kasama ng isang musikang tinutugtog ng mga musikero sa gilid. Isang instrumental music na karaniwang tinutugtog kapag may Ball. Wow.

Doon ko pa lang na-gets ang lahat. Na kaya siguro gano'n ang mga suot nila dahil naghahanap sila ng Royalties na mamumuno kuno sa Shouxclave na kaharian nila. May paginito palang event rito.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon