CHAPTER FORTY SEVEN:
TRAVIUS THE TRAVELLER'S THIRTEENTH TALE
∞
DEAN
Ipinasara kaagad ang Pentwinton's Alley kinabukasan nang sabihin ko ang mga pangitain ko kay Professor Zedd. Napakabilis kumalat ng balita at sa katunayan, hawak ngayon ni Harrieth ang isang dyaryong tinatalakay ang pagpapasara ng buong Alley.
"ABILITY MINISTRY to Close Ishodale City's Economy for A Week to Fortify Its Walls and Gates. The Ministry of Elemental Defences and Offences' Thousands of Sentinels Began to Secure The Grounds." Ito ang mababasa sa front page ng Elemental Tidings, isang newspaper company operated by the Ability Ministry. "Nakakapangilabot." dugtong pa ni Harrieth at saka tinignan ang pahina kung saan mahahanap ang balita.
Nasa Top-House kami ngayon at habang kumakain kaming tatlong lalaki, silang tatlo nama'y hinihintay kami para pumasok dahil Lunes ngayon. Hindi ko inakala na buong Ishodale pala ang ipapasara nang malaman nila 'yon.
Wala naman akong magagawa sa pasya ng Abilty Ministry at kung iyon ang nakikita nilang mabuting paraan, kailangan naming sumunod. Ang mabuti pang balita ay wala nang nabagong rules sa Shouxclave. Mas dumami lang ang mga Henchmen na ipinakalat nila sa Shouxclave at mga Masters.
"Nabasa ko na rin 'yan kanina." saad ni Tye na itinuturo ang dyaryong hawak ni Harrieth gamit ang tinidor. "Mabuti at hindi nila nabanggit na naggaling kay Dean ang balitang 'yan." Sabay lunok ng kinakain niyang pancake na may maple syrup at sari-saring prutas.
Dahil sa wala na ngang sikreto, naikuwento ko kaagad sa kanila pagkauwi 'yong mga nalaman kong pangitain. Nasabi ko rin na napanaginipan ko na naman ang Dark One at hinahanap niya sa akin ang seeds. Pero bigo akong sabihin na kasama doon ang pagkamatay ng tatlo kong kaibigan—nilang tatlo nila Al at O.
"Sinabi na rin naman nila na hindi mangyayari 'yon dahil puwede akong mapahamak pati na rin... kayo." pagpunto ko sa kanila.
"But still it bothers me. Bakit pagkatapos lang ulit ng napakahabang araw umatake ang mga Deviaders? Why are they so inconsistent if they really hankering a second elemental war?" May laman pa sa bibig, sinabi na ni Chris ang saloobin niya.
"Maybe because it was already planned by the Dark One at umaatake lang talaga sila kapag nagpapakita sa panaginip ni Dean." saloobin naman ni Al, hindi tinatanggal ang tingin sa literal na madahong libro.
"Pero kung nabuhay na nga ulit ang Dark One, bakit hindi pa siya umaatake? Nasaan siya? Is there any proof na buhay na nga talaga siya? This is a confirmation though, but it's still not enough. At ang ipinagtataka ko, bakit kay Dean lang siya nagpapakita?" Ibinaba ni Harrieth ang malaking dyaryo. Parang ngayon lang ulit kami nagkaroon ng ganitong mga debate. Nako naman...
"Pero ang Dark One lang naman ang may kayang magpakawala ng mga Deviaders. Baka nagtatago lang siya dahil sobrang hina pa niya at maibabalik lang ang lakas niya kapag nakuha na niya ang mga bagay na ipinapahanap niya sa akin."
Alam na nila kung ano'ng tinutukoy ko. Ang Elemental Seeds of Eternity na alam kong sasabihin nila na isa lamang iyong malaking kahibangan. Hindi ko sila masisisi ro'n.
∞
Nalagas ng gano'n kabilis ang dalawang gabi at patuloy pa rin akong naghahanap ng sagot tungkol sa Elemental Seeds of Eternity. At sa sobrang kahibangan ko o sabihin na nating kasabikang malaman ang totoo, napadpad ako rito sa History class subject namin. Sa tingin ko, makakakuha ako ng sagot kay Mrs. Flage na nakadilaw na naman ngayon.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantezieDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...