CHAPTER TWENTY SEVEN:
DAVID FOSTER'S DIARY
∞
THIRD PERSON
Gamit ang mentus ng nakahiga at basag ang mukhang si Axelle ay pinagsama-sama niya ang mga buhanging nakakalat sa malawak na kalsada.
Pinagtitinginan na sila ng mga dumaraang elementalists ngunit hindi na sila nakialam pa sa mga nangyayari. Sinakal no'n ang leeg ni Dean ng napakahigpit dahilan upang mamula at mamuo ang mga ugat sa kaniyang mukha. Nakatayo na ngayon si Axelle habang pinapanood ang mukha ni Dean na unti-unti nang nalalagutan ng hininga.
Hindi na nakapagpigil si Tye sa pagmamanipula ni Axelle kaya gamit ang pinagsamang tubig mula sa malinis na daluyan, binilog niya ito at ikinulong sa ulo ni Axelle. Siya na ngayon ang hindi makahinga at nawalan ng kontrol sa buhanging nasa leeg ni Dean. Umubo siya ng umubo at hinabol ng mabilis ang paghinga.
Nakita ng natutuwang sina Claudius at Scorfle ang nangyaring pangingialam ni Tye kaya pati silang dalawa ay nakisama na rin. Nangalap ng lakas si Claud gamit ang malaking boltahe ng kuryente sa transformer kaya nagkaroon ng malawigang blackout. Nang sapat na ang nahigop na kuryente, umilaw ng dilaw ang kaniyang mga mata at ibinuhos sa katawan ng nakatayong si Tye. Ngunit hindi ito nagtagumpay dahil nakagawa agad si Dean ng isang invisible mirror shield kahit malayo ang puwesto nito sa kaibigan.
Dahil sa shield, na isang uri ng defense at offense mentus, bumalandra ang napakaraming boltahe ng kuryente kay Claudius na hinigop lang ng kaniyang katawan na parang walang nangyari.
Nagitla ang lahat sa nagawa ni Dean ngunit hindi 'yon naging hadlang upang itigil nila ang laban. Pinagsama-sama ulit ni Axelle ang napakaraming buhangin sa paligid na may kasama na ngayong mga bato. Hinubog niya ang mga 'yon sa matutulis na anyo na kapag natamaan ka ay maaaring bumaon sa katawan.
Sumunod si Scorfle na pangiting-ngiti ngayon sa nangyayari. Gamit ang liwanag ng araw, hinigop niya ang mga 'yon at nakamamanghang nakagawa ng mga malalaki at basag na salaming napakatulis ng dulo. Mga maninipis na salaming gawa sa liwanag ng araw na nakakapaso at nakakahati ng isang bagay.
Si Claudius naman ay ganoon pa rin ang posisyon habang umiilaw ang mga mata't pinalilibutan ng mga kuryente. Sunod-sunod silang tumira at sa abot ng makakaya ni Dean, gumawa siya isang malaking barrier upang maing panangga sa mga mentus na tatama sa kanila. Habang inu-opensahan ni Tye gamit ang mga water ball sa loob ng barrier ang mga tumatamang matutulis na bato, salamin, at kuryente, nakisama na rin si Octavia. Nakuha pa niyang magsalita.
"Why on Adam's apple is this happening? Argh!"
Wala siyang kaalam-alam na makikipaglaban siya ngayong araw na 'to. Lumuhod ito sa lupa habang naglilikom ng init mula sa araw. Agad na nagbaga ang kaniyang mata at nang makalkula na ang posisyon ng tatlong kalaban, ginamit na nito ang mentus na body temperature manipulation. Pahirapan at pawisan niyang pinaiinit ang katawan ng tatlo at pinagbaga ng sobrang init ng halos 50 degrees.
Habang nasa opensa ang dalawa, si Dean naman ang nasa depensa. Naka-focus siya sa paggawa at pagkontrol sa malaking invisible barrier na nagpapaubos ng lakas niya. Nahihilo na rin siya sa paggawa no'n at kaunti na lang ay masusuka na.
Nawala sa pagkontrol ang tatlo dahil sa sobrang init na ng kanilang katawan. Hindi kalayuan, kinontrol ni Axelle ang ulo ng isang rebulto sa itaas ng shop, saka inilakbay sa likuran malapit sa batok ni Octavia at tumama sa likod nito.
Hindi nasangga ni Dean o ni Tye ang nangyari dahil galing sa likod ang pinanggalingan ng rebulto. Isang bagay na hindi naisip ni Dean na importante ang bawat sulok ng isang taga-depensa.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...