CHAPTER FIFTEEN:
CHRIS SAMMUEL CLYNTON
∞
DEAN
Matapos naming pagtulungang buhatin ang mga nahulog na gamit kanina, dumiretso na kami sa train. Mabuti na lang at nagawa ko pa ring makatakbo ng mabilis kahit napakadami ko nang bitbit. Naghanap na rin kami ng kuwarto para do'n magkaliwanagan.
"Here," pangunguna ni Harrieth habang nakasunod lang kaming dalawa sa kaniya. Siya na rin ang nagbukas ng sliding door para sa amin na isinara niya rin pagkapasok.
Inilalapag pa lang namin ang pinamili sa malawak na mesa, isang tanong agad ang pinabulaanan ni Harrieth. Tumabi siya sa kanan ko. "A-anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaking nakadekuwatro sa tapat namin. Habang ako? Pinapanood lang sila dahil wala akong maintindihan.
"Teka, hindi ba't parang mali yata 'yong kondisyon?" natatawa niyang sagot bago umayos ng pagkaka-upo. "Hindi ba dapat ako ang siyang nagtatanong niyan sa 'yo? Anong ginagawa mo rito sa Elemental World at paano mo nagawang makapasok dito?"
"Sandali nga lang." Bago pa makasagot si Harrieth, sumingit na ako sa usapan. Naguguluhan na rin kasi ako dahil parang matagal na silang magkakilala. "Matagal na kayong magkakilala?" kuwestiyon ko na parang hindi patanong ang pagkakalahad.
Tumango si Harrieth. "Unluckily, yes. He's my classmate since lumipat ako ng School four years ago sa pinapasukan niya. At sa kasamaang palad ulit, katabi lang nang bahay namin ang bahay nila."
Kuha ko na. So matagal na pala talaga silang magkakilala. Pero kung magkapit-bahay lang pala sila, bakit gano'n ang attitude na ipinapakita ni Harrieth sa kaniya? Parang ayaw niya siyang makita at buwisit na buwisit sa presensya niya. Hindi ba good news 'yon sa lagay na 'to?
"So it means, magkaibigan na kayong dalawa." nakangiti kong tanong.
Ngumiti ng pilit si Harrieth. "Hmn. So-sort of. Parang gano'n na nga." medyo sarcastic niyang sagot.
"Yep! Matagal na kaming magkaibigan NA LANG." singit naman no'ng lalaki. Magkaibigan na lang? Ahh... okay. Gets ko na.
"Ch—"
Bago pa man makapagsalita ang babaeng katabi ko, naunahan na siya no'ng lalaki. "If I am not mistaken, you're Dean Foster. Right?" Tumango ako. "Sabi ko na nga ba, eh. Finally! Nakabalik ka na rin sa Elementus."
"Salamat. At ikaw naman 'yong sa train kanina, 'di ba?" sagot ko naman nang maalala ko ang mukha niya.
"Right! By the way, I'm Chris. Chris Sammuel Clynton." pormal siyang naglahad ng kanang kamay at nakipag-shake hands. "Fire elemental user, Harrieth's classmate, and proud to be her EX."
Matapos magkamayan, hindi ko maiwasang paningkitan si Harrieth tungkol sa mga sinabi ni Chris. At nababasa ko sa ekspresyon niya, kung gaano siya ngayon nagpipigil ng hinanakit.
"Mahiya ka nga, Chris! Puwede ba?" nanlalaki niyang mata saka siya lumingon sa akin, "Huwag mong pansinin ang bugok na itlog diyan. It's a self-claimed statement."
"Indenial ka pa, e!" sumbat naman ni Chris at tumawa ng kaunti. "Pero bro, seryoso ako. Hindi ako nagsisinungaling. Ayaw niya lang talagang umamin."
Hinarap ni Harrieth si Chris. "Ano naman sa tingin mong aaminin ko? Hindi naman ako manloloko kagaya mo."
"Ouch. Pero ako niloko mo?"
Itatanong ko na sana kung sinong nakipaghiwalay, bakit sila naghiwalay, kelan sila nagkamabutihan, at saan 'yon nag-umpisa—pero naisip ko rin na ayoko nang manghimasok sa nakaraan nila.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...