CHAPTER FORTY THREE:
THE TRUTH BEHIND THE TRAGEDY
∞
DEAN
Kinabukasan ng alas kuwatro, suot ang komportableng kasuotan na pinili ng wardrobe, lumabas na ako sa kuwarto. Pagkasara, agad kong ipinasok ang magarang susi ni Professor Zedd sa doorknob. Dumating na ang oras para makausap siya at makahingi ako ng tawad sa mga pagkakamali ko no'ng gabing 'yon. Alam kong napakalaking kamalian ang mga naging kilos ko at hindi 'yon tumutugma sa posisyong kinatatayuan ko.
Kumatok ako sa pinto ng kuwarto ko. Nagbabakasakaling may sumagot mula sa loob. Hindi na lang ako nabigla nang may nagsabing, "Come in."
Huminga ako ng pulido at humugot ng lakas ng loob. Parang gusto ko nang umatras sa sobrang kahiyaang nagawa ko noon. Haayst.
Nang makapasok sa opisina ni Sir Zedd, natanaw ko siyang nakatayo sa harapan ng isang salamin. Pero imbes na makita ko ang repleksyon niya, nakadungaw roon ang mukha ng isang babaeng nakatali paitaas ang buhok. Kulay asul ang mga mata ng babaeng makikitang tumatagos sa suot nitong salamin. Para hindi makabastos sa usapan, tumayo na lang muna ako sa harapan ng desk ni Professor.
"Will be there soon Ms. Arvantine. The records and files of their features and whereabouts are on my table."
"Copy that. Anything else, Sir?"
"Just do your duties, thank you."
Parang bula, naglaho ang babae sa makalumang salamin at bumalik na sa dati ang lahat.
"Oh, good morning, Dean. Have yourself a seat." Ngumiti lang ako sa kaniya ng kaunti at pinilit umupo ng kumportable pero hindi ko magawa. Hindi ako mapakali at hindi ko na naman alam kung paano ito uumpisahan.
"Uhm, Sir. G-gusto niyo raw po akong makausap?" Iniba ko na lang tuloy ang usapan. Hindi ko maituloy ang plano kong paghingi ng tawad sa kaniya.
Umupo siya sa malambot na slumpuwit at kagalang-galang na itinuwid ang katawan. "It is, at last, pleasant to feel your presence here again, Dean. And indeed, I need to talk to you, privately. I also want you to know that I am thoroughly sorry for the squabbles and misunderstandings that was happened last week. At kaya nais kitang makausap upang ipabatid sa iyo ang lahat ng mga paliwanag na hindi mo narinig."
May sasabihin pa sana siya pero ako na ang gumambala para pigilan siya. "Sir, humihingi rin po ako ng tawad patungkol sa mga inasta ko sa inyo no'ng araw na 'yon. Hindi ko lang po talaga mapigilan 'yong galit ko dahil sa mga nangyari. Gusto ko rin po sanang magpasalamat sa pagdamay niyo kay Alcyone magmula sa mga araw na mawala ang mga magulang niya. Maraming maraming salamat po."
"Para sabihin sa 'yo, ginagawa ko lamang ang trabaho ko at ang lahat ng makakaya ko lalo na sa mga estudyante ng paaralang nasasakupan ko. Gayunpaman, walang anoman Dean. At batid ko ang kalagayan at nararamdaman mo noong araw na sumbatan mo ako. I cannot blame you for what you've enunciated." paliwanag niya sa napakamalumanay na tono kaya napangiti ako dahil parang napaplantsa na ang kusot na 'to.
"Thank you, Sir."
"So... first of all, I want to personally commend you, Dean for showing dauntless effort during the Pidmenton Tragedy and saving the lives of defenceless elementalists out there. Ngunit sa kabila nito, gusto ko lamang ipagbigay alam na mayroon ka paring nalabag na batas ng Shouxclave. One of the university laws states that, all Shouxclave students, conscious or not, are prohibited to teleport inside the campus grounds without written and verbal permissions of the five Shouxclave Heads. Performing so shall terminate the student to attend his academic subjects, extract at least five hundred points from the student's renowned points as a minimum charge, then the Heads shall impound the student's Identification Pin, including forty to fifty hours of campus service and a mentus ban for no less than seven consecutive days. Do you know that, Dean?"
BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasiaDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...