Dean Foster | Fifty Three

4 1 0
                                    

CHAPTER FIFTY THREE:

THE MISSING ELEMENTALISTS

DEAN

"Tulong!!! Help me!! Please! Pakawalan niyo na ako. Please!"

Narindi ako sa pagtili ng isang babae at ang paghagulgol lang ang tanging narinig ko sa kaniya matapos no'n. Nagmamakaawa siyang pakawalan at sa tingin ko, nakagapos siya dahil sa mga nagkikilansingang bakal na naririnig ko. Mga kadena.

"Dean, please. T-tulungan mo 'ko."

Madz?

"AHHHH!!!!" Paglamon ng dilim sa akin, nakita ko mismo sa harapan ko ang pagpasok ng isang itim na anino sa katawan ni Madz. Hanggang hindi na siya makahinga at nakabulagta lang na nakatitig sa akin ang nangingitim niyang katawan. H-hindi!

"MAAADZZZ!!!!"

Pagdilat ng dalawang lubog na mga mata, nagising ako sa maaliwalas at malambot na higaan. Nakita ko na lang ang sarili kong wala nang saplot pang-itaas habang may kung anong dahon ang nakabenda sa kanang balikat ko. Kumikirot pa 'yon ng kaunti na saka ko lang naramdaman nang malingat sa isip ko na natamaan pala ako ng itim na kutsiyong gawa sa salamin.

"AHH!" daing ko pagupo sa kama.

"Hey, easy." Doon ko lang napansin na nandito pala silang lima sa kuwarto ko, nakapaligid sa akin. Nakakailang lang dahil kanina pa pala nila pinapanood ang pagtulog ko.

Nakaupo sa tabi ko si Tye at Octavia na parehong nakatitig sa mapang sinusuri nila. Nakatayo naman habang naka-krus ang kamay si Chris, samantalang nasa harapan nito si Harrieth na nakaupo sa upuang huli kong nakita ay sa study desk ko. Hawak niya ang mga kumpol ng pahinang may mga alien letters.

Inabutan ako ni Al ng isang puting satisbite at napuno kaagad ang tiyan ko. Sunod naman niyang inabot ang isang basong gatas na tumulak sa tuyo at nabubulunan kong lalamunan. Nang makabawi ako ng lakas, isang mapanuring utos kaagad ang lumamon sa akin.

"Explain." Sa utos ni Harrieth, awtomatikong bumuka ang bibig ko para ipaliwanag sa kanila ang lahat ng mga nangyari kagabi. Inabot niya rin sa akin ang gintong singsing na mukhang nahulog ko rin kagabi. Lumunok ako at humugot ng puwersa para alamin kung paano ba ako maguumpisa. Nako naman...

"Ito ang dahilan ng lahat." garalgal kong paguumpisa na nagnakaw sa interes nila.

"Sa singsing." Hindi iyon isang tanong pero isang sarkastikong dalawang salita galing kay Tye.

"Na napatunayan kong kay Professor Woodfist nga. At hindi lang 'yan basta isang singsing. Isa 'tong portal ring."

Sa mga pinaliwanag ko, patuloy lang nilang inuulit ang sinasabi ko. "Portal Ring." ulit ni Chris.

"Isang singsing na kayang gumawa ng portal papunta sa lugar na nakasulat mismo sa singsing." salaysay ni Harrieth sa lalaking naguguluhan sa likuran niya. Kinuha naman sa akin ni Octavia ang singsing at sinuri 'yon kasama ng katabi niyang lalaki.

"Nang mahawakan ko 'yang singsing, nagkaroon ako ng pangitain na pagmamay-ari nga 'yan ni Professor Woodfist at kung paano niya ito gamitin. Tapos no'ng oras na ihagis ko 'yon, naging portal ang singsing. Pinasok ko 'yon hanggang mapunta ako sa—"

"The Leaping Pub." Boses ni Tye ang tumapos sa sinasabi ko na mukhang nabasa ang nakaukit sa singsing. "What the heck? We are right about that creepy hut, then."

"Teka, pumasok ka ro'n?"

"Bakit ba inuulit niyo lang 'yong mga sinasabi ko?" Hindi na ako makapagpigil sa mga napapansin kong ginagawa nila.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon