this chapter is dedicated to Sweetbrokenhearted22
CHAPTER SIX:
A TRIP INTO THE UNKNOWN∞
DEAN
Isa ako sa mga taong humahanga at napapanganga na lang sa mga fantasy movies na naapanood ko sa tv especially sa mga nababasa kong libro at mga komiks. At ngayong kaarawan ko, humiling ako sa kawalan na sana makawala ako sa hawlang kinasusuklaman ko. At ngayon, heto na. Nangyari na. Sinong magaakalang may nakalaan at naghihintay palang mundo para sa akin?
Napadpad kami sa isang lugar na puno ng maraming tao matapos mag-teleport. Isa 'tong kakaibang Train Station na ngayon ko pa lang makikita. Train Station ba talaga ang isang ito?
Masasabi kong hindi 'to pangkaraniwan lang na estasyon. Dahil hindi nage-exist ang kagaya nito sa mundong minulatan ko. Napapanganga na nga lang ako dahil sa sobrang ganda ng view, eh.
"Dean, welcome to Elemental XPRESS. Elemental aXess in Private, Reliable, and Engaging Secret Stations."
Habang nagpapaliwanag si Sir, kusang lumibot ang buo kong paningin sa atmosphere na kinabibilangan. Hindi ko na narinig kung ano pang salitang sinasabi niya dahil panay ikot lang ako ng ulo.
Marami akong nakikitang tao na parang galing din sa Earth. Sa namamanghang hitsura nila, parang ngayon lang din sila nakatapak sa ganitong estasyon. Hindi pala ako nag-iisa.
Naglakad na kami ng Headmaster papunta kung saan. At halos lahat ng nadadaanan namin, binabati siya. Famous pala si Sir, eh.
"EXPRESS or Elemental XPRESS is a huge 360° building somewhere here in Netherlands. So, it means nasa Earth pa rin tayo.
"This building consists of 5 floors kung saan dito mo makikita ang iba't ibang stations na isa sa pinakakina-kailangan ng Elementalists upang makapunta sa lugar na gugustuhin nila," paliwanag niya habang ako naman ay nakatunganga lang sa paligid.
Sa napapansin ko, gawa ang walls, ceilings, at palapag nito sa isang shiny transparent white bricks na halos aninag ko na ang repleksyon ko. Totoo rin ang sinabi ni Sir—parang mas malaki pa nga ito sa isang arena.
Gahol na kami sa oras kaya binibilisan na naming maglakad. Mahirap na at napakaraming tao sa estasyon ngayon. Baka maunahan kami sa kung saan man kami pupunta.
"... Nasa first floor pa lang tayo at gustuhin ko mang ilibot ka but we need to hurry. And it really takes time para malibot pa ang buong building na ito.
"Anyways, this building is hidden in secrecy and is hidden by purpose. It means, tayo lamang ang may kakayahang makakita ng building na ito." patuloy pa rin niyang paliwanag.
Sa paglalakad, may mga kakaibang lampara akong nakita at nakakabit sa nadadaanan naming archways. Pati sa mga dingding at pader na nakikita ko, may mga lampara rin. Walang tigil namang umiikot sa paligid no'n ang mga insektong umiilaw rin.
"Elemental XPRESS is everyone's destination. Firstly because this is the only building, na mayroon ang Elementus, na may mga estasyon para makapasok at makalabas ng ibang mundo. Marami kasi sa bilang natin ang nakatira at nagtatrabaho sa Earth. Kaya naman ginawa natin ang EXPRESS para sa kanila as their transportation." dagdag pa niyang paliwanag. Sayang lang at hindi na niya ako magawang ilibot dahil wala nang oras.
Sa gitna ng buong palapag, mapapansin ang mid-high at matatabang native coconut trees na naka-pattern in reason. Sa ibaba naman ng bawat punong 'yon, nakapalibot ang makukulay at ngayon ko lang nakitang mga halaman't bulaklak. May mga bench din sa punong 'yon na nakapalibot.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...