CHAPTER FIFTY:
THE VANISHING ELEMENTAL PAST
∞
DEAN
Padabog na ibinaba ni Harrieth ang mga kubyertos sa babasagin nitong plato. "Can we just accept the fact na mamamatay tayong lahat?! God! Ayoko na no'ng ganito. Para na akong tangang walang kasama rito sa Top House ng tatlong araw."
Tatlong araw. Tatlong araw makalipas ng pagmamarka, ganito na ang nangyari sa aming anim. Para na kaming nawalan ng buhay at ganang magsalita. Hindi na sila nagkikibuan dahil sa markang nakuha nila. At majority sa kanila, kahit hindi nila sabihin, alam kong sinisisi nila ako sa mga nangyari.
Sinubukan ko namang humingi ng tawad pero ayaw na raw nilang pag-usapan pa. Nakikipag-komunika ako, pero ang titipid nilang sumagot. Si Harrieth lang ang matino kong nakakausap. At heto, nasa harapan kami ng hapag, pero parang wala rin akong kasama. Nahawa na lang ako sa mga inaasta nila.
"Tatlong araw na akong walang makausap ng matino at napapanis na ang laway ko. Bakit? Hindi niyo ba matanggap na mamamatay kayo? We are all going to die! And it's an inevitable and the only certain fact in this world. Ang pa-pride ninyo." Hinawakan ni Chris ang kanang kamay ng hinihingal na si Harrieth.
"It's not our fault Harrieth." saad ni Tye na kahit katabi ko, alam ko na ako na naman ang sinisisi niya.
"Then whose fault it is, Tye? Si Dean? Kung ikaw ba ang nasa posisyon niya, sa tingin mo, sinadya niya 'yon? Ang Dark One ang nagkokontrol sa kaniya. Kaya malinaw na wala siyang kasalanan sa mga nangyari." Gustuhin ko mang pasalamatan si Harrieth pero hindi ko na nagugustuhan 'tong idea dahil nakakabastos na sa gitna ng umagahan.
"Walang kontrol? Hindi ba isa siyang level three elementalist at isang Superial ng sikat na W.H.I.T.E. Hall? Hindi ba itinuturo sa kaniya kung paano kontrahin ang pagkontrol sa kaniya ng Dark One?" Hindi talaga ito nauubusan ng salita.
Napakuyom ako ng palad at halos maibaon na ang hawak na tinidor at kutsara sa babasaging mesa. "Ano na naman bang gusto mong iparating, Tye? Bakit parang ako na lang palagi ang nakikita mo at banas na banas kang makita ang pagmumukha ko sa bahay na 'to?"
"Those are your words."
"Alam mo naman pala na level three na siya, eh. Dapat aware ka rin na hindi pa niya kontrolado ang mentus niya at puwedeng mangyari ang mga ganito. Tye, tapos na tayo rito. Akala ko ba—ewan ko sa 'yo!"
"O bakit parang ako na naman ang may kasalanan dito? Why can't you blame Chris? Si O? Si Al? Tatahi-tahimik lang ang mga 'yan pero sinisisi rin naman nila si Dean. So don't shout at me na parang ako lang ang mali rito. Your being subjective."
"Tye, stop." malakas na sita ni Chris.
"I'm not being subjective! And hindi mo ba napansin? At least sila, tinatago nila 'yong galit nila dahil alam nilang makakalala lang kung makikisabay sila sa pagiging short-tempered mo at hindi pagiisip. They're doing their best para tanggapin 'yong kapalaran nila! At sana—"
"Which is not right, Harrieth!" Umurong ang upuang kinauupuan ni Tye nang tumayo siya. "Pinaglalaban ko lang 'yong saloobin ko dahil—"
"I said stop!" nagulat kami sa ginawang pagtayo ni Chris sa mesa habang umaapoy ang dalawang nakasara niyang kamao. Kasabay no'n, ang pag-alab ng mga fireplace sa buong bahay, pag-siga ng mga lampara, at pag-ningas ng mga kalan.
Bago pa sila magkasakitan, ginamit ko sa kanila ang mga natutunan ko kay Professor McScotch. Ayokong gawin ito sa kanila pero ayoko rin na lumala pa ang galit namin sa isa't isa. Ginagawa ko ito para sa aming lahat.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasíaDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...