this chapter is dedicated to MjBeliber
CHAPTER ELEVEN:
AN ENORMOUS, INTELLECTUAL-EATING ENVIRONMENT
∞
DEAN
"Welcome to Column Bank, Dean. The only Elemental Bank all over the Elementus."
"Co—Column Bank, Sir? Bangko? S-sigurado po ba kayong bangko ang isang 'yan?" panliliit ko ng mata habang pinagmamasdan ang sukat at laki ng gusaling tinititigan namin.
Kung titignang mabuti, parang may halong salamangka ang bumabalot sa pader ng bangkong ito. Dahil sa tuwing tumatama ang liwanag sa marmol na pader, kusa 'yong kumikisap na parang may glitters sa loob no'n.
"Yup! You heard it right."
"P-pero, hindi ko pa rin po talaga kayo maintindihan? Paano po nangyari 'yon? At s-saan po naggaling ang perang kukuhanin natin kung ngayon pa lang po ako makakapunta sa mundong 'to?"nagugulumihanan ko nang tanong.
Tama naman 'di ba? Paano ako magkakaroon ng pera sa Column Bank, kung ngayon pa lang ako nakaka-tapak dito? Nako naman...
"Well, it's very simple Dean," nakangiti niyang pahayag. At mas lalo pang napuno ng mga tanong ang utak ko no'ng idinugtong niya ang mga salitang, "It's actually from your parents, Dean."
Wait. A-ano? Galing sa mga magulang ko? Mayaman ba sila no'n kaya kailangan nilang magbangko? Saka gaya nga ng mga sinabi niya, binigyan na nila ako ng 600 million. Paano kung 'yon na pala lahat ng perang naipon nila?
"Uhm, Sir!" Hinabol ko si Professor Zedd dahil nauna na siyang umakyat sa ilang marmol na hagdan nitong Column Bank. "Professor?!" hinihingal kong pagpigil ko sa kaniya. "Sir, h-how come na galing nga po 'yon sa mga magulang ko?"
Kung nakukulitan man si Sir, wala na akong kasalanan do'n. Salat lang talaga ako sa kaalamang patungkol sa mga magulang ko at maging sa mga bagay na mayroon sila simula't sapul.
Huminto siya sa paghakbang at tinignan ako. "As what you've heard earlier, all Elemental Pecunias na mayro'n ka ngayon dito sa Elementus ay nanggaling sa mga magulang mo. Yup! I know it's hard to say this na... na wala na sila. But after your parents gone missing, the ministry decided na sa 'yo na ipamana ang halos lahat ng kanilang mga ari-arian dahil ikaw lang naman ang kaisa-isang anak nila." paliwanag niya na agad kong naintindihan.
"Ari-arian, Sir? Ipinamana sa akin lahat? " pag-klaro kong mabuti kay Professor Zedd. Gaano ba sila kayaman noon? At ano kayang mga trabaho nila?
Tumingin siya sa akin. "Why not? And if I said all their personal and private belongings, that only denotes one sure enough thing na mapapasa'yo. At 'yon ay ang elemental pecunias and other elemental properties or even belongings na naiwan after they left the Elemental World." paliwanag pa niya. Ang sarap isipin na kahit wala na sila, hindi pa rin nila ako pinabayaan dahil iniwanan pa rin nila ako ng mga bagay na kaya akong buhayin. Pero mas masarap isipin, kung ang mga taong nagiwan sa akin no'n, ay kasama ko pa ngayon.
"Ngayong malinaw na sa 'yo ang lahat, maaari na ba tayong magpatuloy sa naudlot nating paglalakad?" napakalalim na sabi ni Professor. Humakbang na lang kami paakyat.
"Professor? Ano po palang ibig sabihin ng elemental pe-pekunya po ba 'yon?" curious kong tanong. Sana tama ang pagkakrinig ko.
"Here in Elemental World, Elemental Pecunia is a chantalic word..." narinig ko na kay Harrieth 'yan, ah? "... used to describe the elemental term, money. Indeed, the word itself is originated from the Latin word pecuniarius.
BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...