Dean Foster | Nine

975 36 1
                                    

this chapter is dedicated to stitchgadutsloverss

CHAPTER NINE:

A MYSTERIOUS QUEST OF ADVENTURES

DEAN

Maraming nagtakbuhang elementalists sa loob ng train matapos kaming paalalahanan na mag-ayos na raw ng mga gamit. Kaya nagpa-alam na muna si Harrieth at babalik din daw kaagad pagkatapos.

Pagkalabas niya sa cubicle, nanatili lang akong nakaupo sa couch at nag-inat-inat. Lumipas pa'ng ilang segundo, bumalik na kaagad si Harrieth na ipinagtaka ko. "Teka, ang bilis mo naman yatang mag-impake?"

Ngumiti lang siya sa akin at ipinatong ang dala niyang brown sling bag sa puting mesa. "Medyo magkalapit lang naman tayo ng room. At 'yan lang din ang dala ko." sagot ni Harrieth sabay turo sa ancient-leather bag niya. Doon ko nabasa ang kumpulan ng mga hindi pamilyar na libro gaya ng: Travius The Traveller's Thirteen Tales; A Beginner's Guide to Wandology; Elemetal Ethnologies: A Professional's Point-of-view; The Alpha's Omega; at Millisian Mythologies. Do'n ko lang din na-realize na kaya pala ang dami niyang alam pagdating sa mga bagay-bagay dahil isa siyang bookworm. Sabi ko na nga ba eh.

Nang mapansin niyang nakatitig at nakangiti ako sa mga libro, bigla niya 'yong tinakpan at nilagay sa tabi niya. "Ahem."

"Uhm, s-sorry," umiwas ako ng tingin at nagkunwaring walang nangyari. Mahirap nang mapagalitan. Parang bossy pa man din siya at seryoso sa lahat ng mga bagay.

"It's okay. Sanay na ako sa mga reaksyong ganiyan." aniya. So, hindi lang pala ako ang unang nakapansin? "I just can't help myself dahil mahilig talaga akong magbasa ng mga libro. Siguro... sa isa hanggang dalawang oras, nakaka-isang dosena akong libro. And lahat ng mga nababasa at nakikita kong words or even images sa mga librong 'yon, naiiwan lang ng kusa sa utak ko kaya madali kong nabibigyan ng kahulugan ang lahat ng mga bagay." dagdag pa niya na ikinamangha ko.

"What do you mean na naiiwan lang ng kusa sa utak mo?"

"Uhm... 'Yong parang babasahin ko lang ng dalawang beses 'yong ilang line sa isang paragraph, tapos memorize ko na kaagad kung anong nakasulat doon. At base naman sa nabasa kong explanation dito sa librong ito..." tumigil siya sa pagsasalita dahil may hinahalungkat siyang libro sa loob ng sling bag niya. Sigurado akong napakaliit lang ng bag na 'yon, pero nagulat ako nang maipasok niya ro'n ang buong kanang kamay niya. Papaanong?

"...na ability raw naming extraordinary normal type elementalists na makapag-memorya ng kahit ilang libro without any limitations. Isang ability na nasa katawan na namin since birth." pagpapatuloy niya habang ipinapakita sa akin ang librong nakuha.

Ability of Being Normal by: Palleus Prahadda

Inabot ko 'yon para tignan ng maigi. At namangha na naman ako dahil biglang gumalaw ang mga imahe sa loob no'ng book cover. Wow!

"Ako lang ba o sadyang gumagalaw talaga 'tong book cover ng libro?" naguguluhan kong tanong bago mapagtanto na nage-exist nga pala rito ang mga bagay na may kinalaman sa mahika.

"By means of magics." sagot niya habang binubuklat ko ang mga pahina. Kitams? "And makikita mo naman sa page thirty six," na agad kong binuklat, "na napaka-imposibleng makapag-memorya ang isang elementalist ng ilang dosenang libro sa loob lang ng isang araw. Kaya at kung may kakayahan kang gano'n, isa iyon sa extraordinary mentus naming mga normal type elementalists."

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon