Dean Foster | Thirty

17 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY:

LINKING STRINGS

DEAN

"Stop watching the flag! Hades' hell! I said concentrate!"

Magda-dalawang oras. Ganiyan katagal na kaming nakatayo rito sa napakalawak at nakakalapnos sa balat na field. Nakapabilog kami na may sobrang luwang ng espasyong pagitan sa isa't isa habang ginagawa ang pangalawang activity namin sa psychic ability training.

Matapos ang thirty minutes niyang paliwanag at pagturo kung paano mailalabas ang telekinesis mentus namin, halos isang oras naman niya kaming sunod na pinapanood, sinisigawan isa-isa banggit ang apelyido, at minu-minutong tinataga ng mga pangaral niya. Gaya na lang ngayon.

Sa nineteen kong kaklase, bawat isa sa amin ay may flag sa harapang nakatayo, na may layong 15 feet ang agwat. Dalawang oras na ata kaming nakatayo rito, nangangalay, nahihirapan, bagot na bagot, at bwisit na dinagdagan pa ng bawal mag-water break dahil masisira kuno ang momentum.

Kapalit ng badge, kailangan lang naming hugutin sa gano'n kalayo ang flag at palutangin 'yon saka ilagay sa flag basket na pinapagitnaan ng lahat. Hindi pa diyan nagtatapos dahil ang basket ay nakalutang ng pagkataas-taas. Gusto ko na lang sumuko at umalis na rito sa training dome of illusion.

"Connect and communicate yourself into the flag! Clear your minds, Acumentals and feel its presence! Play with it! Just imagine that your hands are both holding the flag! Then slowly release the command of your brain through your hands, for your mentus to be interconnected to the flag and achieve whatever you told them to perform! This is crazy! Mukha na akong sirang plaka sa kauulit ng mga sinasabi ko kanina!"

Ilang ulit pa akong nag-focus at sinunod ang sinasabi niya pero wala talaga. Para na akong lantang gulay na nakatanim rito sa berdeng lupain. Nakatutok pa man din sa akin ang araw at kaunti na lang talaga, magbubunga na ako ng mga talong sa pagkaburyong dito.

"The training is done! Gather here!"

Napakarami naming nasiyahan dahil sa wakas ay tapos na rin ang pagkakatayo namin ng ilang daang taon doon. Naglakad-takbo kami sa harapan ni Professor Psyche at sinabi na ang lahat ng gusto niyang sabihin.

"I just want to ask you some questions before we go." Nakalagay sa likod ang dalawa nitong kamay. Umaliwalas na ang pagkakasabi niya hindi gaya ng kanina na parang nangangain ng tao. "Dissatisfaction. Was that really your objective, Acumentals? Think about it. Do you think you wielded fully your capabilities? How about your mentus? Have you really exerted entirely your capacity? Who are you, by the way? Do you think you know yourself? How about your potential? If yes, then it's not enough. If no, then find yourself. And I don't want to say this. But you failed. Again."

Wowch. Ang corny pero napabilib ako sa sinabi niya kahit masakit. Para siyang 'yong philosophy teacher namin noon na sinasabi sa akin kung sino nga ba talaga ako? Anong bumubuo sa akin? Mga ganiyang tanungan. Pero ngayon, unti-unti ko nang naiintindihan na kailangang alamin kung ano pa nga ba ang mga kaya kong gawin.

"Don't get me wrong, Acumentals. I know you're pissed off dahil sinisigawan ko kayo. But that's my plan. I am a psychic elementalist and I can read your mind and sense your emotion with my mentus emphaty. I can read everybody's mind in the class except him. You know who you are." natigil kami sa pakikinig at nagtingan kung sino 'yong tinutukoy niya. Hindi kasi nakatingin si Professor nang sabihin niyang 'him' at nakatingin ng diretso sa babaeng katapat niya. Bakit hindi niya sabihin?

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon