Dean Foster | Thirty One

28 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY ONE:

THE TREE

DEAN

Naglalakad ako ngayon papunta sa napagusapang tagpuan. Nasa hallway ako at tanaw ang forest kung saan muntinkan na akong malapa ng ahas. Dalawa na lang ang tao rito dahil wala nang klase.

Nang makalagpas sa dulo ng hallway, nakita kong papunta sa forest ang pamilyar na mukha kasama ng nakapagtatakang anim na estudyante. Apat doon si Scorfle, Axelle, Hanes, at kung 'di ako nagkamali sa pandinig, si Claud na kuryente boy kasama ng 'di ko na kilalang dalawa pa. Kasama nila si Professor Woodfist.

Nagmamatyag sila kung may nakakakita ba sa kanila at panay ang lingon sa likuran kung may sumusunod ba. Kaya bago pa ako lingunin ni Scorfle, nagtago na ako sa isang pader, sa pagitan ng dalawang window frame. Pagsilip ko sa kanila, tuluyan na silang pumasok ng forest at bigla na lang nawala. Hindi ko tuloy mapigilang magisip.

Anong ginagawa nila sa Fantasy Forest? Bakit kasama ni Professor ang anim na 'yon? Hindi kaya... pinaparusahan sila dahil may nagawa na naman silang gulo? Pero ang late na masyado para pumasok sa forest.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagtungo na ako sa garden.

"There they are!"

Matapos ang minutong paghihintay sa harap ng malawak na hardin, dumating na rin sina O at Al. Wala na kaming sinayang na minuto at pumasok na sa bulaklaking arkong may nakasulat na, Glittering Garden.

Sa pagpasok, halos mahatsing ako sa sobrang daming bulaklak na nakapaligid sa buong hardin. Napatakip agad ako ng ilong sa nakakasulasok no'ng amoy na pumapasok sa ilong ko. Papalubog na rin ang araw kaya kakaunti na lang ang estudyanteng nakakalat at nakatambay rito. Ang ilan sa kanila ay nagpapaligsahan ng mentus, nagtatawanan, nakikipagtakbuhan, habang ang iba ay nag-aaral.

Makikita naman sa paligid ang mga kakaibang punong kalat bilang pagsilungan nila. Sa ibaba no'n ang mga ligaw na benches sa lupaing punung-puno ng bermuda grass. Kumikinang ang bawat polen ng bulaklak na kaya siguro binansagang glittering garden ay dahil sa mga 'yon. 'Hmn? May sense din pala akong manghula minsan, eh,' pagiisip ko,

"This place' so serene, peaceful, and so flower-ful. Maybe we should start meeting in this place for lunch or things like that." si Octavia ang unang nagsalita habang namamanghang tinitignan ang malawak na garden. Napapitas pa siya ng isang bulaklak na nasa gilid niya.

"Ngayon ko lang rin nalaman na may ganito palang lugar dito sa Shouxclave." komento naman ni Chris na agad sinang-ayunan ni Tye.

"Same."

Pinalilibutan ang kuwadradong hardin na ito ng makapal na kagubatan. Nasa left side kasi ito ng Shouxclave na parang isiningit lang sa gubat kaya ito napapaligiran ng matatayog na puno.

"Glittering Garden is the only garden here in Shouxclave. Weekdays, napakaraming estudyante rito ang tumatambay." paunang salita ni Harrieth.

"Cool. But this garden looks like a park to me." komento ni Chris habang patuloy pa rin kami sa pagbagtas ng daanang may mga kahoy na lampposts sa gilid.

"Actually, hindi lang naman ito ang lugar na puwedeng tambayan dito sa Shouxclave. We have also the Inn to the Wooden Huts na makikita sa right side of Shouxclave but we need an entrance access there." salaysay pa ng dalagang patuloy na nagsasalita na parang tourguide namin sa isang field trip. Napakalawak pala talaga nitong Shouxclave.

May sobrang laking puno rito sa gitna ng hardin na siyang ikinatigil namin para titigan. Sa tingin ko, naglalaro sa five feet ang lapad ng katawan no'n. Wow.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon