Dean Foster | Thirty Five

19 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE:

DEFINITION OF DEVIADER IN FIVE TERMS

DEAN

"Face your quill and remember to point your wand firmly to your quill and say Alterus Paroah. Let us all do it in the count of three: one, two, three."

"Alterus Paroah."

Sabay-sabay kaming bumigkas ng isang salamangka kaharap ang isang feathery quill na nakapatong sa mesa. Matapos ng kaunting discussion kanina, diretso na agad kami sa pagdi-demo. Ito ang kauna-uanahang transfiguration subject na na-attendan ko na klase ni Professor Trixie Dullflees.

Pagbigkas ng spell sa quill, unti-unting nahati ang feather no'n, lengthwise sa dalawang parte. Lumutang ito pagkatapos katapat ng aking ulo at saka pumaga-pagaspas ng dahan-dahan. Bumilis ang paggalaw ng feather at unti-unting naging isang puting paruparo. Kasing laki ng palad ko ang dalawang pakpak no'n. Kung anong kulay ng quill ay siyang kulay ng paruparo. Napansin ko 'yon sa mga kaklase kong nasa harapan.

Hindi nagtagal, lumipad ang akin at nakakabiglang lumabas sa katabi kong bintana. Pinanood ko lang iyong lumipad paalis, hindi iniisip na wala na akong gagamiting quill mamaya sa mga susunod na subjects. Nako naman...

Akala ko ay normal lang ang paglipad no'n paalis na parang normal lamang ring paru-parong may buhay. Pero nagtaka ako dahil 'yong sa akin lang ang lumipad palayo. Hanggang may narinig akong dalawang estudyanteng nagtatawanan sa malayong kanan namin.

Si Axelle ang may gawa no'n. Nagtatawanan sila kasama ng babaeng masasabi kong nagaya na rin sa ugali niya. Aurora yata ang pangalan. Hindi sila nagpapahalata pero para lang silang tanga dahil halata naman na sila ang may gawa no'n.

"Don't thrust it. They're dickholes." pagpigil ng katabi ko pero hindi ko pa rin mapigilang hindi maiyamot sa mukha ng lalaking 'yon. Sarap bangasan ng mukha ng gagong 'yon.

"Humanda sa akin 'yon mamaya." bulong ko na lang sa sarili ko.

"Here," inabot ng katabi kong si Octavia ang isang pulang quill feather. "Just guard it." ika niya baka sakaling lumipad ulit ang gagawan ko ng spell. Kinuha ko na lang iyon at nagpasalamat. Mabuti na lang at kaklase ko siya.

Inulit ko ang spell sa quill at binantayan ko ang pulang paruparo baka sakaling gamitan na naman 'yon ng spell.

"... and to turn the butterflies back to quill, just utter the spell, Reverto. On three. One, two, three."

"Reverto."

Bumalik nga sa pagiging quill ang paro-paro at hinayaan lang ng hanging tangayin ang feather na bumagsak sa mesa ng dahan-dahan.

Nang matapos na ang demonstration, nagkaroon ng kaunting recapitulation tungkol sa mga natutunan namin ngayong araw na 'to. Pauso ng teacher namin para malaman raw kung mayroon nga ba talaga o wala.

"Mr. Riddlaide, can you give me once again the purpose of the Reverto Spell?" tanong ng matandang si Mrs. Dullflees.

Tumayo si Axelle at nagmamayabang dahil aalam niya kung anong isasagot. Ang dali lang naman kasi ng tanong. Oras na para makabawi. Sabi nila, ang pinakamapanganib na tao sa isang kuwarto ay ang taong marunong makinig sa paligid. Kaya habang nagsasalita siya,

"Silentus."

Nawalan siya ng boses na ikinagulat ng lahat pati siya. Pinagtatawanan na siya ng lahat at kunwaring wala akong pakiaalam sa mga nangyayari. Patas na tayo ngayon, hunghang.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon