CHAPTER TWELVE:
THE ELEMENTAL PECUNIAS
∞
DEAN
Pagbukas pa lang ni Professor Zedd sa pintuan ng Column Bank ay isang white rectangular hall ang bumungad at sumalubong sa amin. Isa iyong enormous hall na may tahimik na environment at malamig na atmospera. Kalat din ang mga dyamanteng aranya sa taas kaya maliwanag ang buong bulwagan.
Isinara ni Professor ang pintuan at nag-umpisa na kaming maglakad sa mahabang white carpet. Diretso lang nakatingin si Professor habang binabati ang palabas nang elementalists. Tapos ako naman, naglilibot lang ng tingin. Sa magkabilang gilid ng dinadaanan namin, may mga babaeng nakaupo sa kani-kanilang mesang tambak ng paper works. Nakasuot sila ng puting mahahabang roba na pinaresan ng puting witch hat.
"They are the White Witches, Dean." Napansin ata ni Professor na nakatingin ako sa kanila.
May mga babaeng nage-encode sa sarili nilang old-fashioned typewriters. Ang iba sa kanila, nagsusulat sa parchments gamit ang quills, labas-pasok sa mga pintuang nasa likuran nila, at nagti-timbang ng iba-ibang uri ng mamahaling bato. Pansin ko rin na nagbibilang ang ilan sa kanila ng large-sized coins siguro 'yon—na iba't iba ang kulay, habang kinakausap ang elementalists na merong concerns at nakikipag-transaksyon.
"Witches who are assigned to protect and maintain the security of the entire Bank, mightily. Or to keep it simple, they are the one who runs this capacious and colossal Column Bank.
"In Elemental World, Dean, Witches and even Wizards are classified into two. First, the White Witches and Wizards who are preciously good. And the Dark Witches and Wizards who are wicked and always have these bad reputations." Agad ko namang naintindihan ang sinabi ni Sir. "Just beware of the second one."
Pagkatapos no'n, narating din namin ang dulo ng nilalakarang carpet. Nandito na kami ngayon sa harapan ng babaeng nakaupo sa front desk. Para siyang nasa edad 40's na nakasuot din ng white robe, isang witch hat, at puting monocle.
"What a day of opportunity to see you again, Mrs. Hellion!" masayang bati ni Sir sa babaeng nagsusulat gamit ang malaking white feathery quill.
Napatingin kay Professor ang tinawag niyang Mrs. Hellion at ngumiti din naman pagkatapos siguro siyang mamukaan. "Oh, hi! Nice to see you again Headmaster Alvestrall!" tonong parang ang tagal na nilang hindi nagkita. "How may I he—oh, is this real?" Naputol siya sa pagsasalita nang mapansin niya ako. Ibinaba pa niya 'yong suot na salamin tapos kinusot ang mata. Ang awkward tuloy dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
"Oh sorry, I forgot," sabi ni Sir. "Mrs. Hellion, this is Dean Foster. And Dean, I'd like you to meet Mrs. Hilda Hellion, leader of the White Witches Association."
Ngumiti siya sa akin ng malaki na parang gulat na gulat akong makita. Gano'n na ba 'ko ka-famous? "Finally! A pleasure, Mr. Foster." bati niya sa akin at inabot ko naman ang kamay na gustong makipag-kamayan. Ngumiti rin ako sa kaniya at yumuko ng maikli bilang paggalang. Instant celebrity pala ako rito, eh.
"How may I help you two, Professor?" Umupo na si Mrs. Hellion sa puti at malambot niyang upuan.
"Madam, we just wanna ask if we may withdraw some Elemental Pecunias under the account of Mr. Dean David Bailey Foster?" sabi 'yon ni Professor.
"Of course!" ngiti naman ni Mrs. Hellion. "As long as you have his private key, Sir."
"Yeah, we do."

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...