Dean Foster | Twenty Four

37 3 2
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR:

A TREMENDOUS TRAINING FOR ASPIRING ACUMENTALS

DEAN

"Dean, huwag! P-please, huwag mong ibibigay kahit na anong mangyari. Ano bang ginagawa mo?! Dean!" Napatingin ako sa babaeng may dugo na ang leeg dahil sa kutsilyong nakatutok dito. Halos humahagulgol na siya at nagmamaka-awa sa aking huwag ibigay kung anoman ang sinasabi niyang bagay na nasa akin.

"Dean she's right, mas mahalaga ang bagay na 'yan kaysa buhay namin. Tayo ang may-ari niyan at tayo ang nagpakahirap para diyan, hindi sila! So please, just don't do it! Dean, please." Pagsusumamo naman sa akin ng lalaking nakatali sa puno bago tumama sa katawan ang tipak ng mga bato. Nagulat ako dahil pinagalaw 'yon ng isa sa mga lalaki. Papaanong—?

Sa mga sinasabi nila, parang napakahalaga talaga ng kung anomang bagay ang hawak ko. Na pati buhay nila, handa nilang isakripisyo para lang sa bagay na 'yon.

Pero sino ba silang lahat? Bakit nila ako kilala? Ano 'to, may kapangyarihan sila? Saka ano ba'ng bagay ang tinutukoy nila? Saka nasaan ako? Putik, wala akong maintindihan!

Nakita ko ang sarili kong patuloy lang sa paglakad papunta sa direksyon no'ng babae. Hindi ko sila pinapakinggan kahit ano pa ang sinasabi nila. Hanggang sa ibinigay ko na ang mga blurred na bagay na parang umiilaw ng iba't iba sa mga palad ko. Ano ang mga 'yon?

Sa sobrang kahinaan ng katawan, bigla akong napaluhod sa harapan niya at napa-ubo ng dugo. Sinipa niya ang ulo ko dahilan para mapahiga ako sa sahig. Tumawa siya. "Napakabobo mo talaga, Dean. Napakahina mo. Wala kang kuwenta."

Hindi ko alam kung bakit unti-unti na akong nalalagutan ng hininga. Hanggang sa sumakit ang ulo ko na parang tinuturukan ng isang matulis na patalim. Narinig ko na naman ang boses niya.

Bring back the Elemental Seeds of Eternity!

"Bakit ba napakakulit mo?! Wala nga sa akin ang pinapahanap mo!"

They are not just seeds... They are my strength and power...

"Puwes, wala akong pakialam kung ano pang halaga niyan sa buhay mo! Tantanan mo na ako puwede ba?!!"

Do it or you will all die... You have been warned... Dean Foster...

"ARGGGGHHHH!!!!"

Napapitlag ako sa babaeng sumigaw hindi kalayuan kung nasaan ako ngayon. Nilapitan ko siya at paghatak ko sa kamay niya, nagiba ang itsura niya kaya napabitaw ako. Siya na ngayon 'yong lalaking tumulong sa amin sa Alley nina Sid at Lola Aro.

"Tumakbo ka na bata!" sigaw niya sa akin pero hindi ko na sasayangin ang oras na 'to para mailigtas siya. Pero kahit gustuhin ko man siyang tulungan, huli na ang lahat. Nakapasok na sa katawan niya ang Deviader hanggang sa unti-unti na siyang nangingitim at humandusay sa sahig na parang kinitil lang na isang hayop.

"Hindi... Hindi!!!"

"Bring back the Elemental Seeds of Eternity. Bring it back, or another one will die... Still counting on you, Dean Foster..."

Paglingon ko sa kaliwa, nasa ibang lugar na naman ako na hindi ko maintindahan kung paano nangyari. Kaharap ko na ngayon si Professor Zedd. "I know about the Elemental Seeds of Eternity. Pero trust me, wala siyang kinalaman sa Dark One. Because those powerful seeds are just an ancient myth, Dean. It's just a fairytale, a legend, and just a fiction created by someone who gives inspiration and also false hope to people. Dahil para ka lang naghahanap ng perlas sa gitna ng malaking disyerto."

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon