this chapter is dedicated to jhaaaa_dennnn
CHAPTER EIGHT:
DEAN DAVID THE FAMOUS 'FOSTER'
∞
DEAN
Hindi pa rin ako makapaniwala sa buong nangyayari ngayon. At ilang segundo rin halos ang itinagal bago mag-sink in sa utak ko 'yong gusto niyang iparating. Hindi kasi talaga ako naniniwala.
"Hindi ako si Professor Zedd." 'Di ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niyang 'yan. Pero napaatras na lang ako nang nilamon ng balat niya si Professor Zedd at naging isang babaeng may white-to-brown hair.
"Naniniwala ka na ba?"
Tinitigan ko lang siya, na hindi pa rin talaga makapaniwala, at tumangu-tango na lang. Hanggang namilipit ulit ako sa hapdi at kirot ng parteng tinamaan no'ng Blanes kanina. "Arghhh!"
Nako naman!
Bakit gano'n? Kapag hinahawakan ko ang parteng natamaan sa akin, wala akong maramdamang sakit? Pero pagdating sa loob, doon ko lang 'yon nararamdaman na parang pinipiga ang bawat laman ko?
"Arghhh!!!"
Tumabi siya sa couch na inuupuan ko. Nakikita ko sa kilos niya na kinakabahan at nag-aalala siya dahil sa 'kin. "A-ayos ka lang ba? Saan ang masakit sa 'yo?"
Nakapagtataka lang dahil habang lumilipas ang segundo, unti-unting nawawala 'yong sakit na nararamdaman ko. At nang tuluyan na iyong nawala, nagmamadali kong tinanggal ang basa kong damit. Doon na lang namin nakita ang makapal at namumula kong sugat sa tagiliran.
Hahawakan ko sana 'yong sugat ko nang bigla niya 'yong tabigin. "Anong ginagawa mo! Maling hawakan ang isang internal wound ng water ball. Delikado!" babala niya sa akin.
Internal Wound?
"Delikado dahil habang dinidiinan mo ang paghawak, mas lalong tatagal ang epekto nito sa loob katawan mo." dagdag pa niya kaya hindi na ako umulit.
"Pero... w-wala na akong nararamdamang sakit." pahayag ko sa kaniya habang inaayos ang upo.
"Wala, sa ngayon. Pero babalik din 'yan after 15 seconds." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Ano?!"
"15 minutes ang itatagal ng epekto ng water ball na tumama sa katawan mo. 15 seconds ang gap sa bawat 10 seconds na mararamdaman mo ang sakit. So after 15 seconds of resting, babalik na naman ang sakit. Which is..."
Hindi ko na naintindihan ang ipinapaliwanag niya dahil bumalik na naman ang kirot sa tagiliran ko at mas doble pa ngayon kaysa kanina. "Arghhh!"
"... dumudoble ang sakit." dugtong niya sa naputol na paliwanag.
"Argh!!!!"
"Dean, stay here. Hintayin mo 'ko. Maghahanap lang ako ng kayang magpagaling sa 'yo. Magtiis ka muna diyan. Okay?" Hindi na niya ako hinintay tumango dahil tumakbo na siya palabas.
"Arghhh!"
Fifteen minutes pa ako maghihirap ng ganito? Nako naman... Makahanap sana siya kaagad dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko.
Inabot siya ng ilang minuto bago niya ako balikan. Pagkarating niya, may nakaputing babae na rin siyang kasama at naka-braid ang buhok.
"Arghhh!!"

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantezieDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...