this chapter is dedicated to jinshaun
CHAPTER SEVEN:
A BRANCH OF SOME MARVELOUS BUNCHES∞
DEAN
Pag-akyat ko ng train, halos mag-unahan at magsiksikan na kaming lahat makahanap lang ng mauupuan. Paalis na kasi 'tong tren at kagaya ko, marami ring late. Kaya ang ending, wala kaming mahanap na mauupuan. Meron namang mga blangko, kaso nakaka-ilang hakbang pa lang ako, may mga nag-uunahan na sa pagpasok.
Ganito na ba talaga kaliit ang train na 'to para mag-siksikan sila ng ganiyan?
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may nakita akong cubicle na nakasiwang ang pinto at bakante. Pero gaya ng nauna, naunahan ulit ako ng apat na babae. Nako naman...
"Oops... Sorry, mukha atang naunahan ka na ng mga kaibigan ko." sabi noong babaeng nahuli. Hindi ako naunahan. Inunahan ako. Magkaiba 'yon. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Alangan naman na makipag-agawan pa ako eh babae 'yang mga 'yan.
"Oks lang. Maghahanap na lang ako ng ibang puwesto." pagwawalang anu-ano ko at ngumiti sa kaniya.
"Bye, Dean." paalam pa niya.
Imbes na bumati ako pabalik, paano niya nalaman ang pangalan ko? Nagtataka pa lang ako, isinara na niya ang opaque na sliding door ng cubicle. Langya. Napakamot na lang tuloy ako ng ulo habang naglalakad, nagaalangan na baka hindi ko na naman 'yon matulugan. Haaayst! Makahanap na nga lang ng mauupuan.
∞
Kung titignan sa labas, parang maliit lang 'tong train, masikip, at ordinaryo. Pero nagkamali pala ako. Dahil sa loob nitong train, may mga malalawak at magkakatabing room. Gawa naman sa opaque glasses ang mga pader na nagdi-divide sa bawat rooms. Para na rin siguro bigyan ng privacy ang mga tao sa loob. Ganoon din naman ang sliding doors kaya mahirap maaninag kung sino ang nasa loob ng kuwartong gusto mong pasukan.
Naglakad pa ako ng naglakad hanggang may nakita akong kuwarto na sa tingin ko'y walang laman. Nakasara ang pinto no'n kaya ko binuksan. Doon ko rin napansin na parang ako na lang ang estudyanteng walang upuan kaya agad ko na 'yong pinasok.
Sa lamesang nasa pagitan ng dal'wang puting couch, dito sa loob ng malaking compartment, ay ipinatong ko ang sobre. At bago ako umupo, tinanggal ko muna 'yong jacket ko at napasandal. Tinitigan ko lang 'yong katabi naming train sa labas, hanggang sa unti-unti na 'tong umandar.
Kakaiba mang isipin, pero habang umaandar na ang train, biglang nag-iba ang lugar na tinatahak namin. 'Yong tipong nasa loob lang kami ng Elemental XPRESS kanina tapos ngayon, nasa iba na kaming mundo.
"Woahhh..."
Wala akong masabi sa ganda ng tanawing napapanood ko ngayon. Napatayo pa nga ako para lang makita 'yong buong landscape na dinaraanan namin.
Sa kanang bahagi ng train, kung saan nakabukas ang pinto ng kanang cubicle, ay mahabang disyerto lang ang nakikita ko. Samantalang sa kaliwang bahagi naman, kung nasaan ang room ko ngayon, makikita ang isang mahamog at napakamapunong lugar. Bakit parang magkaiba yata ang lupa sa magkabilang parte? Isang napakainit na disyerto sa kanan, pero sa kabila nama'y puro puno.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at tumigil na sa kakaisip kung paano iyon nangyari. Mababaliw lang ako panigurado. Dapat na lang siguro akong masanay sa mga bagay na makikita ko sa mundong 'to. Kaya napabalik na lang ako sa couch.
Pagka-upo, nabaling ang tingin ko sa envelope na nakapatong sa mesa. Tinitigan ko muna 'yon bago sirain ang seal para makuha ang laman. At napanganga na naman ako nang biglang lumutang ang laman no'ng parchment at bumuklat nang mag-isa. Woahh...!

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...