Dean Foster | Fifty Four

6 1 0
                                    

CHAPTER FIFTY FOUR:

ABILITY AMPLIFICATION

DEAN

Napakaraming estudyante ang nawawala. Hindi lang si Madz ang pinuproblema ko pero nawawala rin si Zach, Sig, Throne, na kapwa ko kaklase sa Ability Training. Nasama rin sa listahan si Vis, Ansel, si Night na mga kasama ko sa History Class. At iba pang nakagrupo ko na sina Titus at William.

Lumipas ang napakahabang oras at heto... narito pa rin ako sa kuwarto ko, nakaupo sa sahig habang sarado ang mga mata, tikom ang sariling kaisipan, at wala nang balak pang gumalaw. Kaninang umaga ko pa hinahanap kung saang lupalop ni Woodfist dinala si Madz pero hindi ko sila mahanap gamit ang linking strings ko. Shit.

"Dean, you need to rest." Naramdaman ko ang paglapat ng dalawang palad ni Al sa braso ko. "Kanina ka pa nandiyan at hindi mo man lang ginagalaw ang pagkain mo."

Hindi ako kumibo. Sinabi ko na sa kanila kaninang hindi nga ako nagugutom pero pilit pa rin nila akong pinapakain. Alam ko ring gabi na pero wala pa rin akong balak tumigil halughugin ang buong lugar na 'to. Nararamdaman ko na nandito lang sila, malapit sa amin.

"Al is right." Nakisang-ayon na rin si Harrieth. "Ginagawa na ng Heads ang lahat para matunton sila at tumutulong na rin ang Ministry sa paghahanap. Kailangan mo nang ipaubaya sa kanila ang trabahong 'yon." Nandito na silang lahat.

"Sino namang mapapalagay kung iaaasa na lang niya sa Heads at Ministry ang paghahanap sa mga kaibigan niya? Kailangan ko ring kumilos dahil ako ang may kasalanan kung bakit sila ngayon kinuha ng Woodfist na 'yon. Ako ang kailangan niya at hindi sila."

"Bro, hindi pa tayo sigurado kung si Professor Woodfist nga ang dumakip sa kanila o kay Madz." Salamat na lang sa pagbigay ni Chris ng positibong pananaw pero hindi 'yon nakakatulong para pagaanin ang loob ko.

"Napanaginipan ko kaninang umaga na nakagapos si Madeleine at sumisigaw siya ng tulong dahil pinahihirapan siya ng kung sino man. At wala na akong ibang iniiisip bukod kay Woodfist sa kung sinong gagawa no'n sa kaniya." Nagpatuloy lang ako sa pagpikit at pagpapakawala ng sampo pang mga strings. Halos nakaabot na ako sa dulo ng pitong Alley para lang mahanap sila. Pero ang sarap lang magmura dahil hindi ko pa rin sila mahanap!

Humikab si Octavia at sumabay naman ang relos niyang tumunog. "Potato fries, it's 10:00! I'll make us hot chocolate." narinig kong sabi pa nito na parang bumaba sa pagkakaupo sa kama.

"Sasama na ako." Nadinig kong bumuntot si Al at lumabas na sila sa kuwarto ko.

"Mabuti pa, matulog na lang kayo dahil maaga pa ang pasok bukas." suhestyon ko na mukhang ayaw paboran ng apat na naiwan.

"When pigs fly."

Tumahimik bigla ang paligid na siyang ikinagising ng diwa ko. Ni isang tunog ay wala akong marinig. Para akong nabinging bigla. Kaya mas lalo akong naging alerto dahil ramdam kong may susunod na mangyayari.

Hanggang bigla na lang akong nakarinig ng isang walang-hanggang tooooooo...t sa tainga ko. Unti-unti nitong sinisira ang eardrums ko.

"ARHHHHHH!!!"

Halos lumampaso ako sa sahig nang lalo iyong tumitinis sa pandinig. Sinubukan kong takpan ang tenga pero hindi ko pa rin kayang maigalaw ang kumikirot kong kanang braso. Naramdaman ko na lang ang apat na mga kamay na umaalalay sa akin.

"Tulong!!! Help me!! Please! Pakawalan niyo na ako rito. Please!" Nadinig ko ulit ang pagsusumamo ng babae sa isang madilim na lugar. Maya maya lamang ay parang may nagsindi ng ilaw at nakatutok ito sa nakakadenang... Madz? Tama nga ang hinala ko. Nakagapos siya sa loob ng isang malaking kulunga. Anong ginagawa niya do'n? "Dean! Please, t-tulungan mo ako."

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon