CHAPTER FIFTY FIVE:
MADELEINE AESSPION QUILSMER
∞
DEAN
Apat na araw. Halos mag-aapat na araw na ang nakakalipas nang mangyari ang duwelo sa pagitan namin ni Professor Woodfist. Napakahabang oras na ang naubos ngunit hanggang ngayon ay nananariwa pa rin sa memorya ko ang mga naganap noong gabing 'yon.
"You are weak. Just like your father."
Kilala niya ang ama ko? I mean, sa tono ng pananalita niya, parang kilalang-kilala niya ito na parang matagal nang panahon silang nagkakilala—naglaban na kaya sila? O sinasabi niya lang ang mga 'yon dahil binase niya ito sa ginawa ng mga magulang kong pagsuko sa Dark One?
"Pero alam mo ba na isa rin siyang adbenturero? Before I started teaching, I am also a traveller and a researcher like your father. In fact, we met once sa isang lugar dito sa Elementus. Sayang lang dahil hindi kami nag-abot dito sa Shouxclave."
Pero isang beses lang silang nagkita.
Noong araw na binaggit niya ang tungkol sa ama ko, nagsasabi kaya siya ng totoo? Bakit hindi ko man lang nabasa sa ekspresyon ng pananalita niya na nagsisinungaling siya? Bakit hindi gumana ang Lie Detection mentus ko sa kaniya?
"Don't get me wrong, Dean. Subalit huwag matuling maniwala sa mga elementalist na ngayon mo pa lamang nakikilala. Lalo na sa Woodfist na 'yan."
Isang ulit nang napatunayan ni Professor Zedd na isang huwad nga si Professor Woodfist. Na may itinatago itong baho sa amin kaya hindi dapat siya pinagkakatiwalaan. At ngayon, naamoy na ng lahat ang masangsang niyang trabaho. Na siya ang may pakana ng lahat ng mga pagatake sa Pidmenton at iba pang lugar sa Ishodale City. Ewan ko na lang kung hindi pa siya sugurin at kamuhian ng mga elemental.
Pero nagsasabi rin kaya siya ng totoo nang sabihin niyang sa ama ko ang diary na 'yon? O isa rin lang ito sa listahan ng mga plano niyang pikutin ang utak ko para hanapin ang mga Seeds at ibigay sa Diyus-diyusan niyang pumatay sa mga magulang ko? Pakana nga lang ba niya ang lahat ng mapang nakasulat sa libro? Hindi. Hindi 'yon maaari. Iginuhit 'yon ng aking ama para mahanap ang mga Seeds at maprutektahan laban sa kanila.
Malakas rin ang kutob ko na siya ang umatake sa mga Augurs para palitan ang mga datos na nakalap sa Pidmenton Place noon. At lumalakas na rin ang pakiramdam ko na may mga bagong putahe na naman siyang ginagataan. Hindi lang ako sigurado kung ano.
"It's getting late. Are you not going to sleep?" Umayos ako ng pagkakatuwid sa katawan at hinayaan ang pressensya ni Chris na umupo sa katabi kong upuan. Nagpapahangin kami rito sa labas, sa may bonfire area ng bahay.
Hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kulay kahel na apoy, walang gana akong umiling. "Hindi ako makatulog."
"In three ceaseless nights." Hindi iyong isang tanong. "You sure you're okay, bruh?" Mukhang hindi talaga ako tatantanan ng isang 'to. At nababasa ko sa utak niya na dadamayan niya ako rito kahit pa magdamagan. Kaya,
"Inaalala ko lang kung ano nang ginagawa no'ng Woodfist na 'yon kay Madeleine at sa iba pang naging kaibigan ko rito sa Shouxclave. Saan niya sila dinala at bakit hanggang ngayon, parang wala namang nangyayari sa ginagawang nilang paghahanap." Napahalukipkip ako ng mga kamay at isiniksik ang sarili sa suot na jacket. Hindi lang talaga matanggal sa utak ko na sa sunod-sunod na tatlong araw, wala pa rin akong natatanggap na balita tungkol sa mga nawawalang estudyante at kay Professor Woodfist.
At nakakapagtaka lang. Twenty nine students. At ni isa, wala pa rin silang natutunton.
"I'm not the one in position to tell you this but bro, I think, the Heads and the Ministry are doing everything just to track them down. And wherever the hell they are now, let us just think positively and assume they are safe."
BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasiDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...