CHAPTER TWENTY TWO:
HIS INEVITABLE MENTUS
∞
DEAN
Eksaktong twelve forty-five, nagpaalam na kaming apat sa isa't isa at sa Top House na lang magkikita-kita mamaya. Apat na lang kami dahil hindi namin alam kung nasaan na 'yong nagpaalam na iihi lang raw saglit na si Chris. Mga forty five minutes ago na niya 'yong sinabi sa amin at hindi na rin kami nagtaka kung nasaan 'yon. Baka nagpahangin lang sa labas sa kagaguhang nagawa niya.
Magkasama kami ngayon ni Alcyone dahil magkaklase kami sa herbology subject. Pababa kami papuntang ground floor at sa likod daw ng right wing mahahanap ang Herbaceum, na siyang magiging kuwarto namin para sa asignatura.
Nang mahanap na namin ang lugar, hindi na ako nagtaka sa mga nakita ko. Gawa sa sobrang laking glass dome ang room kaya sumisilid sa loob ang mangilan-ngilang sinag ng araw. Sa labas naman, pinalilibutan kami ng mga malalaking punong siyang lumililim sa amin at nagbibigay ng malamig na hanging lumulusot sa bintana. Samantala, sa loob naman ay wala kang makikitang kahit na anong upuan o kahit pisara man lang. Ang makikita mo lang sa malawak na dome ay ang iba't ibang uri ng halaman, herbs, prutas, gulay, at ang pinaka-ayoko sa lahat—mga bulaklak. Nakita ko pa lang ang mayabong at nakatingin sa aking sunflower, gusto ko nang lumabas. Kaya agad akong nagtakip ng ilong gamit ang panyo.
Nang nasa loob na'ng lahat, ang propesor na lang namin ang hinihintay. Nagulat na lang kami nang malamang kanina pa pala siya nasa harapan namin. Hindi lang namin siya nahubugan dahil natatakpan ito ng isang halamang kasing laki ng tao ang mga dahon. Woah...
May edad na ang babae at masasabi ko ring nasa forties na siya. Mahaba ang kasuotan niyang binagayan ng mahaba ring sleeves na pang-hardinero. May apron rin itong suot at isang telang ikinukubli ang itim niyang mga buhok.
"Oh! Pasensya na kayo at hindi ko kayo napansin. Nariyan na pala kayong lahat." natatawa at nabigla niyang sabi nang makita na handa na ang klase. Sa gitna ng lahat, may malawak na mesang gawa sa kahoy. May laman 'yong tools at mga bonsai na gumagalaw ang mga dahon at kung anu-ano pa. Ipinatong niya roon ang hawak na basket na may lamang dilaw at malalaking maihahalintulad sa berries. Pinitas niya mula sa halamang may malalaking dahon kanina.
"Isang maaliwalas na hapon sa inyong lahat." nakangiti nitong panimula na hindi na namin nasingitan ng pagbati pabalik. "Ako si Ginang Herraldine Paisely, mas kilala sa tawag na Madam H. Maligayang pagdating sa aking munting mundo." malamyos at respetado niyang pagtangkilik sa aming lahat na parang ina namin.
"Ang isa sa mga mapag-aaralan natin sa buong simestre ngayong taong ito ay ang makabuluhang taglay ng ating kalikasan. Sa asignaturang ito, inyong mababatid kung ano nga ba ang tunay na layuning ginagampanan ng bawat halaman, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking uri gaya ng aking nasa likuran." sabay turo sa halamang pinitasan niya ng bunga. "Dito ay tinitiyak kong magagawaran ng lahat ng importansya ang mga mumunting bagay na pinipitas o tinatapakan lang natin. Sinisiguro ko ring mabibigyang pansin ng lahat ang bawat galaw ng mga akala nating walang layunin, ngunit kung pagsusumamuhin ay may napakalaki palang gampanin sa mundong ating ginagamlayan." Tila napakalalim ng bawat salitang kaniyang binibigkas.
"Dito niyo rin mapagtatanto na kung wala nang ibang aasahan, paano nga ba kayo makikisama at magiging matalino sa pagpili ng mga sangkap, mabuhay lamang? Nakahanda ba kayo sa maaring mangyari kung ang gubat na lamang ang maaarin ni niyong pagkatiwalaan? Ilan lamang ang mga ito sa aking ipapamahaging dunong kaya nama'y positibo kong kailangan ang inyong pakikiisa sapagkat hindi lamang ako ang siyang makikinabang sa bagay na ito."

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasíaDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...