CHAPTER FORTY:
LOST LANDS OF ELEMENTUS?
∞
DEAN
Kasama sina Harrieth at Chris, pagkatapos ng Potions subject, dumiretso na kami ng kuwarto para sa Spells na susunod na asignatura sa Lunes na 'to. Naghanap kami ng bakanteng upuan at nasa likurang bahagi 'yon.
Halos pagbaba ko pa lang ng bag na nakasabit sa kanang balikat, pumasok si Blanes kasama ng dalawa niyang barkada sa room. Umupo sila sa harapan at nakapagtataka lang dahil may benda ang buong kanang kamay niya. Napa'no kaya ang isang 'yon?
"Hmn? Nakapagtataka yatang wala si Scorfle ngayong araw na 'to?" nagtatakang tanong ni Chris sa kanan ko dahil kadalasan, magkasabay silang pumasok ni Blanes sa subject na 'to.
"Who cares?" nagtataray namang komento ni Harrieth habang nagbabasa ng libro. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siya dahil pumasok na ang mentor namin. Nag-open na rin siya ng topic at nagturo na naman ng panibagong spell.
"... But I am going to demonstrate it first."
Lumuhod siya sa gitna namin. Napapaligiran namin siya habang nakatayo dahil nasa itaas na naman ang lahat ng mga mesa gaya ng dati. Pagkaluhod, ipinagtama niya ang wand at ang batong-sahig na tinutungtungan namin. Saka niya sinabi ang spell sa isang napakalamyos at pabulong na pamamaraan.
"Lumineo Misterae."
Lahat ng klase ni Professor Stingraye ay namamahang nakatitig lang sa palapag ng classroom dahil unti-unting lumalabas ang mga usok sa kung saan-saan. Kumapal pa ito ng kumapal hanggang matabunan na kaming lahat at hindi na nagkaaninagan pa. Woah!
Ilang linggo na akong nakatira sa lugar na ito pero sasabihin kong hindi pa talaga ako sanay sa mga nakikita ko. Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa lahat ng panibagong natutunghayan ng mga mata ko. Dalawang salita lang ang masasabi ko, ibang klase...
Natapos ang klase namin sa Spells and Incantations subject ay patungo na kami ngayong tatlo sa dating tambayan sa Refectory para magtanghalian. Pagkatapos ng mahabang usapan at masarap na kainan, mag-isa ko na lang naglalakad ngayon papuntang Herbology subject. Nakakapanibago lang na mag-isa ako ngayon. Nakaka-miss rin 'yong presensya ni Al.
Hindi pa rin dumarating si Al kung 'yon ang tinatanong niyo. Magi-isang linggo na at sana lang, kapag bumalik na siya rito, at nakita na namin siya, sobrang ginahawa na ang pakiramdam niya. At sana lang, matanggap niya ang paghingi ko sa kaniya ng tawad dahil wala akong nagawa para iligtas ang mga magulang niya. Na tama na upang matuto ako sa mga salitang ibinara sa akin ni Tye.
Isa rin pala 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami naguusap. Sinusubukan kong makipag-usap pero, ewan. Parang naiilang ako dahil hindi ako sanay na humihingi ng tawad dahil una sa lahat, ngayon pa lang ako nagkakaroon ng ganitong mga kaibigan. At sa totoo lang, hindi ko alam kung ano sunod na gagawin.
Matapos ng napakahabang pag-aaral, dumiretso muna ako sa Living Library dahil napakarami kong kailangang gawin. At sa totoo lang, napakahirap pala ng ganito? 'Yong walang internet, walang kompyuter, walang Google na isahang pindot mo lang ay lalabas na ang hinahanap mo.
Sa sobrang dami ko pang kailangan hanaping terms sa Predictology na kailangan ring imemorya para sa Special Debriefing bukas, hiniram ko na lang ang dalawang librong medyo magaan lang naman. Natapos ko na kasi 'yong dalawa pang libro at nahanap ko roon 'yong mga wala sa librong ito. Sunod akong dumiretso sa Refectory para bumili ng makakain at doon na rin naghapunan dahil alas siyete y media na ng gabi. Hindi ko man lang namalayan. Nag-take out na rin ako ng bottled water at milk drink na may halong parang barakong kape.

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantastikDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...