CHAPTER SIXTEEN
WELCOME TO SHOUXCLAVE: SCHOOL OF ELEMENTALISTS
∞
DEAN
Gaya ng mga sinabi ni Guardian Gideon kanina ay sumunod lang kaming lahat ng walang umiimik. Pagpasok namin sa Arch ni Harrieth, isang madilim at basang path ang sumalubong sa amin. Maputik din ang daanan habang tinatabunan kami ng makapal na hamog.
Sa gilid ng path, pinagigitnaan kami ng mga nakahilera, magkakadikit, nakakatakot, matataas, at matatandang puno. Na-imagine ko tuloy 'yong hitsura kong naglalakad mag-isa sa lugar na 'to. Para akong nasa horror film.
Nang makita ng Guardian na kumpleto na ang lahat, nagsalita na siya. "Turbid Track. 'Yan ang tawag sa daanang tinutungtungan natin ngayon. Ito ang daang tatahakin natin patungong Shouxclave. Gaya rin ng mga nakikita niyo sa aking likuran, hindi sapat ang liwanag na ibinibigay ng nabibilang na lamposts upang tulungan tayong makita ang napakahamog na daan. Kaya naman ang lahat ay binibigyan ko ng Karapatan upang ilabas ang kani-kanilang Luminous Lamp para tayo'y makapagsimula na."
Tumalikod ang Guardian at tahimik kaming nagsikilusan. Puro galaw lang namin sa putik at tunog ng nagkikiskisang bakal ang siyang maririnig.
Hindi ko alam kung saan ba sa mga hawak ko ngayon makikita ang Luminous Lamp. Kung 'di naman ako nagkakamali, nabili namin 'yon kanina ni Harrieth sa Alley, kaya imposibleng mawala 'yon rito. Dinouble check ko na lang hanggang maalala ko si Chris. Nako naman... Nasa kaniya pala ang kalahati ng mga gamit ko. Nasaan na ba kasi 'yon?
"First years, follow me," dikta sa 'min ng Guardian. "Dean, ayos ka lang ba? Nasaan 'yong lamp mo?" tanong ng katabi ko habang ino-on ang cube lamp na kita kong nagkasya sa loob ng sling bag niya.
"Dala kasi ni Chis." nag-aalangan kong sagot. Naman. Kung minamalas ka nga naman ano?
"We can use this. Ito na lang ang gamitin natin." Ibinigay niya ang puting lamp sa akin na hindi ko na tinanggihan. Kinuha niya rin ang ilan sa mga magagaan kong dala para mahawakan ko ng maayos ang lamp. "Humanda talaga sa akin 'yang lalaking 'yan kapag nakita ko siya." singhal pa ni Harrieth.
Sa sobrang kapal ng hamog na sumasakop sa amin, tahimik lang kaming naglalakad. Bungi-bungi na rin ang lahat at kami ni Harrieth ang nahuhuli. Paano ba naman kaming hindi mahuhuli:
"Argh! Bakit ba kasi walang nakasulat sa requirements na magdala ng bota?" patuloy niya lang reklamo habang nakikipag-patintero sa putik na sinusuong ng lahat. Siguro kung nandito si Chris, sasabihan niya 'yan ng napakaarte.
Pati ako, nararamdaman ko na ang putik na pumapasok sa sapatos ko. Pagtingin ko, puno na rin ng talsik ang ibaba ng pantalong nakalkal ko lang sa attic noon. Nako naman...
Gaya ng sinabi ko, nasa pinakadulo kami ni Harrieth kaya kita namin ang paghinto ng lahat. Humarap sa amin ang Guardian kasama ng tatlong parang apprentice niya.
"We are here." Inilagay niya sa likuran ang dalawang kamay at mataman kaming inobserbahan. Hindi ko alam kung ang school ba ang tinutukoy niya o kung anong lugar, kaya tumahimik lang ako. "Before we continue, I want you all to listen. Sa sagradong tulay na daraanan natin, mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa ng anomang tunog o ingay maging sa mga yabag na gagawin ninyo. Ito'y magsisilbi nating paggalang sa mga tagapagbantay ng tulay na ito.
"And if the stated warnings are all clear to you, we may now move forward to our next destination." Saka siya ulit tumalikod.
Sagradong tulay? Parang wala naman akong nakikitang tulay?

BINABASA MO ANG
Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)
FantasyDean David Bailey Foster. Isang labing anim na taong gulang na kinupkop ng kaniyang natitirang kamag-anak sa Earth. Isang taong pinagkaitan ng katotohanan patungkol sa kaniyang totoong pagkatao, pinagmulan, at totoong mga magulang. Sa buong buh...