Dean Foster | Five

1.2K 41 0
                                    

CHAPTER FIVE:

THE BEWILDERING THINGS TO KNOW

DEAN

"Nais niyong palayasin si Dean sa kabila ng ikalabing anim niyang kaarawan? Labag naman yata 'yon sa batas ng Elementus?"

Pagkahibang. 'Yan ang unang salitang naisip ko sa mga sinabi niya. Saka sino ba siya at anong mga sinasabi niya? Ako? Kilala niya ako? Sariling bahay... Ko? Bahay ko? Ano bang pinagsasasabi niya?

Nakasuot siya ng black formal suit na may mahabang red and white striped neck tie at uri ng hat sa ulo niya. Masasabi kong bumagay ang mga 'yon sa soot niyang black leather shoes na sobrang kintab. Sa kanan naman niyang kamay, makikita ang pinapatungang itim na tungkod.

Ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko. 'Yong ngiting, parang ang tagal na naming magkakilala kahit ngayon ko pa lang naman siya nakita sa buong buhay ko. Creepy?

"Sino ka?! Ang kapal ng mukha mo! At sinong nagbigay sayo ng permiso na puwede kang pumasok sa loob ng pamamahay ko!" salubong ni auntie sa kaniya na tiyak kong ikinagulat no'ng lalaki dahil sinigawan siya.

"Is that the modernized version on how to treat my kind here? What exactly is your problem people? Naparito ako para kay Dean. Oras na upang bawiin siya sa inyo at mabuhay na ng normal sa mundo kung saan talaga siya nabibilang." Hindi ko naiintindahang paliwanag niya.

Ano bang pinaglalaban niya? Mundong kinabibilangan ko? Nahihibang na ba siya o sadyang baliw lang talaga siya? Sa Earth. Dito ako sa Earth nakatira. Ano bang mundo ang pinagsasasabi niya?

"Takas ka ba ng kulungan o kalalabas mo lang sa mental? Siguro, magnanakaw ka ano?!" sumbat naman ni uncle na hinaharangan ako at parang inilalayo sa kaniyang direksyon. Sino ba kasi siya? At anong ginagawa niya rito't gusto niya akong kuhanin?

"Oh, please. Dean, siya nga pala, bago ang lahat, Happy Birthday! Siyempre, paano ko naman makakalimutan ang birthday mo? Kung ako mismo ang naghatid sa 'yo sa mga kamag-anak mo, sixteen years ago. Join me here, I have a present for you." masigla niyang bati sa akin na parang matagal na talaga niya ako nakita.

Magtatanong sana ako sa kung bakit niya alam ang birthday ko at kung ano ang mga eksaktong paliwanag sa mga sinanabi niya nang harangan pa ako ni Uncle.

"Dean, huwag kang magkakamaling pakinggan siya! Dito ka lang! Masama siyang tao kaya huwag na huwag kang lalapit sa kaniya!

"Veronica, kunin mo 'yong weapon sa kuwarto. Baka makapatay ako ng tao ngayon ng wala sa oras." seryosong utos ni uncle na ikinagulat ko. Seryoso ba siya?

Nanginginig na si auntie sa mga nangyayari ngayon. Halos hindi siya makapagsalita at naka-tigil lang sa puwesto niya. Maya maya, sinunod din niya si uncle at kinuha ang shotgun na tinutukoy niyang weapon.

"Kung sa tingin mo'y makukuha mo siya ng gano'n gano'n na lang, nagkakamali ka."

"Gano'n ba?" Kunot-noong tumingin ang lalaking naka-suit kay uncle na parang may binabalak sa kaniyang masama. 'Yong tingin na parang naghahamon ng isang duel. Pero bago pa man mangyari iyon, mahina niyang ipinukpok ang hawak niyang baston sa tiles. At laking gulat namin ni uncle dahil ang kaninang cane na hawak niya ay naging isang wand. Woah! Paanong?

Pagkababa ni auntie ng hagdan, ibinigay niya agad ang napakalaking shotgun sa asawa niya. Ikinasa niya ito matapos at itinutok doon sa lalaking naka-suit. Pinipigilan ko siya pero hindi siya nagpapatinag.

Bago pa man sila magpatayang dalawa sa harapan ko. Nagtanong na ako sa kawalan. "Sandali nga lang!" Pumagitan ako sa panig nilang dalawa para huminto saglit ang oras. "Ano po bang mga pinagsasasabi ninyo? Naguguluhan na 'ko! Wala man lang akong maintindihan sa mga pinag-uusapan ninyo! At sino po ba talaga kayo at paano kayo nakapasok dito?" nagugulumihanan kong tanong na halos pagalit na. Wala na kasi talaga akong maintindihan.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon