Dean Foster | Thirty Six

16 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY SIX:

A HOLD TIGHT IN VINTAGE VOGUE

DEAN

"It's not working, Dean. Which only means three things: first, wala talagang nakasulat sa diary; second, hindi ito ang diary na tinutukoy kong sinusulatan niya or; this whole thing is a fraud."

Ilang araw na ang nakalilipas magmula ng sabihin sa akin 'yan ni Professor Zedd sa opisina niya. At gusto ko lang sabihin na naibuhos at naubos ko na 'yong ink, pero wala talagang nagpakitang sulat. Ni isa. Kaya tinantanan ko na muna ang tungkol sa ink dahil marami pa akong problema.

...Huwag matuling maniwala sa mga elementalist na ngayon mo pa lamang nakikilala. Lalo na sa Woodfist na 'yan. He's a very mysterious person and there is something he hides from us. That's all I can say about him...

Dalawang beses. Dalawang beses ko na siyang nakitang pabalik-balik sa forest. 'Yong unang beses, kasama ng anim na mga estudyante. At pangalawa, 'yong oras na umuulan at nang binalak ko siyang sundan, bigla na lang siyang nawala sa pag-track ko.

Naniniwala rin ako sa kasabihan na kapag unang beses pa lang nangyayari ang sitwasyon, normal lang. Pangalawang beses, umpisahan mo nang maghinala. At kapag umabot na ng tatlo, hindi na 'yon tama. May iba na siyang ginagawang hindi natin alam. Una, baka trabaho niya lang 'yon. Pero, who knows? Ayos, nahahawa na ata ako sa lima, kaka-ingles.

Ilang araw na rin ang lumilipas at bukas na magaganap ang Royal Ball na pinakahihintay ng lahat. Kaya tinigilan ko na ang kuwadernong kanina ko pa tinititigan at nagbihis na. Pupunta kami ngayong siyudad para bumili ng masusuot para sa royal ball na Medieval ang tema.

Suot ang isang astig na puting polo, isang itim na jeans at puting sapatos na pinaresan ng itim na relo't name tag, bumababa ako ngayon papuntang living room kung saan naghihintay na ang iba pa. At humayo na kami para lumabas ng kastilyo. Sayang lang at wala si Harrieth para samahan kami ngayon. Isa rin 'tong Tye na 'to na kasama ngayong pumili ng susuotin ang partner niya sa ball. Kaya apat lang kami.

"So where exactly are we going?" unang tanong ni Chris katabi ni Octavia pagkalagpas namin sa mga nagtataasang Ishodale City Watch Tower.

"Let's try Wardrobean Wear." suhestyon ni Al na katabi ko naman ngayon.

"Oh, c'mon, Al." maarteng kontra ni O na dapat pagdating sa mga ganiyang bagay, siya ang dapat na masunod. "We both know that Wardrobean Wear is just a three-star shop when it comes to fashion industry. And their styles are obviously tacky and not classy. Sorry, but like duh. I got this, sis okay? Count on me. I know something better than best. So let's take a ride and visit the most sophisticated alley in the city. The Flosary Forth. Leggo!" Sumunod na lang kami sa kaniya habang napapailing sa kadaldalan niya.

Habang naglalakad sa gilid ng mga naglalakihang building, huminto kami sa isang bahay na gawa sa kahoy. Actually, hindi siya isang bahay pero mukha lang bahay na gaya sa German town houses. Nakapaskil naman sa itaas ng structure ang mga salitang, 'The Deluxe Explorations'. Isa siguro itong business na nagpo-provide ng serbisyo.

Sa napapansin ko, may mga mangilan-ngilan lang na elementalists ang pumapasok rito. At kita ko sa kanila, parang galing sila ng mararangyang pamilya.

"Welcome to the 'The Deluxe Eplorations'." salubong sa amin ni O na may hand gestures pa. "Let's go!"

Nakakuyot na lang kaming napasunod sa kaniya at mukhang dito ang lugar na sinasabi niyang sasakyan namin. Napakaaliwalas at napakalawak ang loob nitong building. Lahat ng mga nakikita ko, mula sa disenyo ng sahig hanggang sa naglalakihang chandeliers na nakapaligid sa amin, pang mayayaman. Nakasuot rin ng mga magagarbong uniform ang mga trabahador ritong nakangiting inaasikaso ang mga elementlaists na dumarating. Maraming halaman sa paligid, mga puno, bulaklak, mga stalls for inquiries o reservations na rin siguro, isang malaking hologram sa bandang gilid—na bubungad pagpasok pa lang sa loob, at mga bagay na hindi ko kayang isa-isahin pa.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon