Dean Foster | Fifty Two

6 1 0
                                    

CHAPTER FIFTY TWO:

THE LEAPING PUB

DEAN

Curiosity kills the cat, ika nila. Pero wala na akong pakialam sa kasabihan na 'yon dahil kung alam kong kaya nitong masagot ang matagal nang katanungan sa utak ko, gagawin ko kahit ikapahamak pa ng buhay ko.

"Dean! Hindi ka pa ba bababa?" pagulit ni Octavia na mukhang kanina pa hinihintay ang presenya ko sa ibaba. Pero imbes na sumagot, tinalon ko ang itim na dimensyong bumabalot sa portal ring.

Hinigop ako ng malakas na puwersa at, "Aww!"

Napasapo ako sa ulo nang una iyong tumama sa pulidong kahoy na sahig na kinahulugan ko. Nako naman! Ininda ko ang sakit no'n habang nakahiga rito sa isang lugar na may apat na sulok at medyo limitado ang espasyo.

Pagtingin sa portal ring, nawala ng parang bula ang itim nitong laman at nang bumalik na sa pagiging singsing, nahulog iyon sa sahig na agad kong binulsa pagkapulot.

Gamit ang lakas ng dalawang paa, tumayo ako ng may iniindang sakit ang bunbunan. Pero agad din 'yong naglaho nang mapuna kung nasaan ako. Shit.

Sa masapot na lugar na singsukat ng walk-in wardrobe ko sa kuwarto, makikita ang mga istanteng punung-puno ng mga aparato, potion phials, mga boteng may nakapaloob na panangkap, mga makalumang wands, at kung anu-ano pang nakapangilabot na libro. Napakabigat sa pakiramdam ang mapabilang sa lugar na 'to. Parang maraming negatibong enerhiyang lumilimita sa galaw ko.

Klaro naman ang ibinibigay na liwanag ng maliit na aranyang nakasabit sa gitna ng apat na pader—linggit na lang ay mahuhulog na kapag ginalaw. Isa pang napansin ko, ang antigong salaming parang nakita ko na noon. Hindi nga ako nagkamali. Tama ang sinasabi ng singsing at hindi ito isang patibong. Nandito na ako sa loob ng kubo! What the...

May nakita rin akong sirang kahoy na nakapaskil sa bintana ng kubo. Nakasulat dito ang salitang 'The Potion Pub.'

Hindi ko mapigilang kabahan sa reyalisasyong 'yon. Nakadagdag pa sa pangambang nararamdaman ko ang maling ideya na mag-isa lang ako ngayong naghahanap ng puwede kong ikadisgrasya. Haayst.

Pero ang mas lalong nagpabigat sa kutob na dinadala ko, ang naaamoy kong usok na pumapasok sa naka-awang na pinto. Shit, mukhang hindi lang ako ang narito.

Gamit ang mentus, nagpakawala ako ng isang lingking string palabas ng kubo. Hindi nga ako nagkamali. May nararamdaman akong presensya ng mga elemental na nasa labas at nasa apat ang bilang nila.

Hindi ko pinagisipang ibalik ang string at pinakiramdaman lalo ang paligid dahil may kutob akong kilala ko kung sino ang nasa labas. Kailangan ko lang ng kumpirmasyong sila nga ang apat na 'yon. Anong ginagawa nila rito?

Sa sobrang pagkamausisa kong tao, dala na rin ng kuryosidad, naglakad ako papunta sa nakaawang na pinto. Dahan-dahan akong lumuhod para hindi nila mapansin ang anino ko.

Nang nasa harapan na ako ng makalumang pinto, doon ko nakumpirma ang lahat. Unti-unting bumilis ang tibok ng pulso ko sa katawan at sunod-sunod sumiksik sa utak ko ang kade-kadenang rason kung anong ginagawa nila.

Nakita ko si Professor Woodfist na may hawak na libro. Hindi ko madinig ang pinaguusapan nila dahil parang may invisible dome ang hinaharangan sila. Nasa harapan ni Professor ang isang malaking cauldron na may biyoletang apoy, na siyang nagbibigay ng liwanag sa labas. 'Di ko mawari kung anong laman ng kawa, pero sigurado akong malagkit iyon na bumubula dahil sa pagkakakulo.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon