Dean Foster | Twenty Nine

22 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE:

QUADMENTAL, QUILL, AND QUOTATION

DEAN

Siyempre, nagtanong ako pagkauwing-pagkauwi ko. Hindi ako nagpahalata na may nalalaman ako tungkol sa puwedeng mangyari sa Pidmenton. At nakalikom naman ako ng sagot mula kay Al. Pero ewan ko lang kung makakatulong 'yon para malaman kung saang lugar ang tinutukoy no'ng matanda.

Tumango si Al pagkatanong ko kung doon ba siya nakatira. Nasa labas siya ngayon ng bahay at nagdidilig sa garden na siyang may gawa, kahit palubog na ang araw. Sunod kong kinuwestyon kung iisa lang ba ang lugar na may pangalang Pidmenton sa buong Elementus. Alam kong nakakaloko 'yon pero ito lang ang nakuha ko,

"Well, hindi ako sigurado pero sa Alley and Districts Region, may mga tatlo lang akong alam na lugar. Pidmenton Place, Pidmenton Plateaun, at Pidmenton Palace. Hindi ko lang alam sa buong Elementus." nagaalangang tanong niya. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. "Can I ask, why?"

Nalakihan ko siya ng mata dahil 'di ko inasahang itatanong niya kung bakit. Umiling ako na parang wala lang. "Wala naman. Curious lang dahil sa Pidmenton din kasi nakatira 'yong isa kong kaklase sa Predictology. Bale, hindi ko lang alam kung saan."

Nalusutan ko naman siya at nagpaalam na ako para dumiretso sa loob.

Pagbukas ng pinto, naguusap sina Tye at Octavia sa kusina habang pinagdidiskitahan ang isang malaking kahon ng pizza. Ewan ko, pero natulala akong bigla nang makita ko sila. Para akong napako habang iniisip 'yong mga boses na narinig ko kanina. Hindi pa rin mawala sa akin na pareho silang... Kalokohan. Hindi 'yon totoo.

"Dean, are you alright?" Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si O.

"Want some pizza?" alok naman no'ng isa na ikinailing ko.

"Nasaan 'yong dalawa?" pagliliko ko ng usapan. Ayoko nang madagdagan pa ang mga iniisip ko.

"Shouxclave's Store. Buying something to eat for dinner." sagot ni O habang tinatanggal ang tomato sauce na dumikit sa magkabilang dulo ng labi niya.

"Na kanina pa namin inutusan, so probably are on a romantic spot, having their afternoon tea. Feeling ko, nagdi-date na 'yong dalawa sa kakuparan at katagalan." mahabang saloobin ni Tye na 'di ko na kinontra dahil posible ngang mangyari 'yon.

Nagpaalam na ako at dumiretsong washroom para maligo. Naaalibadbaran na ako. Medyo late na rin kaming kumain dahil ang tagal nga no'ng dalawang dumating. Nagkuwentuhan kaming lahat sa pool at natulog na nang madaling araw.

Namulat akong mata kahit alas sais pa lang ng umaga. Isang bilang pa lang ang araw ko sa kuwartong ito, masasabi kong gumagana na ang body clock ko. Kaya bumangon na ako at nagsuot ng makapal na jacket kapares ng makapal na pajama para bumaba.

Martes ngayon at wala naman akong kailangang gawing activity o quest na naatasan sa amin. Kaya hayahay muna ako ngayon at sisiyesta. Sa sabado ko na lang siguro gagawin 'yong tungkol sa root berry.

Nasa pangalawang palapag na ako at ang mapanghawa't maaliwalas na mukha ni Harrieth ang sumalubong sa akin. Kalalabas lang rin niya sa kuwarto niya. Naka-stripe rin siyang pajama habang naka-tucked in ang harap ng puting t-shirt. "Good morning." ika niya at sinabayan na ako sa pagbaba.

Pagbati ko pabalik, ang matamis na usok ng kape ang agad kong naamoy. Doon ko na lang nakita sa kusina, na nakaupo ang naka-pang-alis na si Octavia habang hinihigop ang gatas kasama ng nakapambahay na si Chris.

Dean Foster and the Elemental Seeds of Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon