Chapter 44 // Kulang [ Arvin's POV ]

1.6K 55 29
                                    

Inuulit ko po, From Revenge on Mr. Bully, pinalitan ko ng "My Bully and I."

Chapter 44 : Kulang

- Arvin's POV -

Sa ilang araw kong nakatigil dito sa ospital ay parang ang dami nang nagbago. Para bang ang bilis ng mga pangyayari. Parang hindi na ako makahabol sa buhay na naiwan ko mula noong naaksidente ako.

Tulad na lamang na naging sina Monique at Tristan na. Hindi naman sa minamasama kong naging sila. Parang ang bilis lang. Para bang wala akong napansing ligawan. Tapos di ko alam na may plano palang umalis si Lily papuntang Canada. Nalaman ko lang ngayon ng bumalik siya. Siguro ilang araw lamang siya doon.

Huminga ako ng malalim para muling gumaan ang pakiramdam ko. Kahit ilang ulit kong ginawa iyun ay wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko. Talagang nahihirapan akong makacope sa mga pangyayari.

"Kumusta ka na, Arvin?" tanong ni Lily.

Kami na lamang ang naiwan dito sa silid dahil lumabas muna silang lahat. Hindi ko naman alam kung bakit kinakailangan pa nilang lumabas.

"Okay lang naman. Ikaw? Mukhang ang laki ng ipinagbago mo a." sabi ko.

"Well, ganun talaga ang mga tao. Madaling magbago.. I mean, madaling magbago dahil sa mga taong nakapaligid sa akin. Alam mo naman sa foregn countries. Iba talaga ang lifestyle. Minsan kailangan mong baguhin ng konting ang sarili mo para magfit in ka."

"Sabagay." yun na lamang ang nasagot ko dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Sa totoo, ay wala naman akong dapat sabihin.

Hindi ko ba alam kung dapat ba akong maging masaya na nandito siya o hindi. Siguro, may side sa akin na masaya dahil umuwi pa siya ng Pilipinas para lang dalawin ako pero parang mas maganda atang umalis na rin agad siya. Masasayang lang kasi ang oras niya dito sa akin. Mas magandang mas pagtuunan niya ng pansin ang kanyang pagaaral.

"Arvin.." aniya habang dahan dahang hinawakan ang kamay ko. Gusto kong bumitaw agad pero mas hinigpitan niya ang pagkakapit sa akin. "Kung kailangan mo ko, please don't hesitate to call. Pupuntahan kita agad. Alam kong masakit na wala na dito si Louise. Pero andito naman ako, Arvin. I'm here for you. I will always be here for you. Kaibigan mo, hindi ba?"

"Lily, okay lang ako. Hindi mo na dapat inaabala ang sarili mo para sa akin. Oo, magkaibigan tayo pero hindi tayo yung magkaibigan na kailangan mo pang umuwi ng Pilipinas para lang makita ako. Hindi lang naman ako ang kaibigan mo di ba? So alam mo yung ibig kong sabihin tungkol sa 'kaibigan'. Hindi ba?"

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Tama ka." aniya sabay tango. Ilang saglit din kaming natahimik. Kung hindi lang ako nakadextrose ay baka ako pa ang naunang umalis dito sa silid na ito. 

"Ah eh. Hanggang kailang ka pala magstay dito sa Pilipinas? Wala ka bang class sa Canada?" pagbabago ko ng topic.

"Meron kaso nagpaexcuse ako."

"Kailan ang balik mo?" dagdag na tanong ko.

"Hmm. Siguro kapag nakalabas ka na ng ospital." walang pagaalinlangang sagot niya.

"Lily, hindi mo na kailangang intayin pa ang paglabas ko. Okay na ko. Kita mo naman. Siguro, anytime ay pwede na kong umalis dito. Kaya ikaw bumalik ka na sa Canada dahil mas importante ang pagaaral mo kaysa sa akin." walang preno kong sabi sa kanya. Ni hindi na ako nakapagisip pa ng mga tamang sabihin.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon