Chapter 20 // Clinic [ Arvin's POV ]

2.7K 101 11
                                    

Chapter 20 : Clinic

- Arvin's POV -

"Loko ka ah!" sigaw ko sa pinsan kong si Tristan dahil sumosobra na talaga siya. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko kaya muntik ko na siyang maupakan. Pasalamat na lang siya dahil nagsalita si Betty para pigilan ako.

"Tama na." mahinahon niyang sabi pero nagiigting pa rin ang mga braso ko. Nakahawak siya sa mga braso ko kaya pinilit kong huminahon. Alam kong alam niyang nagpipigil na lang ako. Konting konti na lang ay baka dumapo na sa mukha ni Tristan ang kamao ko.

Lilingunin ko pa lang si Betty pero bigla na lang siyang natumba sa mga braso ko. Medyo napasigaw si Monique sa gulat at si Tristan naman ay lumiban pa sa may lamesa para madaluhan agad si Betty. Buti na lang, katabi ko siya. Buti na lang, nakahawak siya sa braso ko. Buti na lang, sa akin siya natumba. Buti na lang, ako ang may hawak at nakaalalay sa kanya ngayon.

"Anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Tristan at kukuhanin pa niya sa akin si Betty. 

"Wag mo siyang hawakan." pagbabanta ko. Nagulat siya sa sinabi ko. "Ako na ang magdadala sa kanya sa clinic." Agad kong inilagay ang braso ni Betty sa may batok ko at binuhat ko na siya. Dumiretso na ako sa pagalis at hindi na nagpaalam sa dalawang ito na parehong walang kibo.

Naglalakad na ako papuntang clinic at napatingin ako kay Betty na parang ang himbing himbing ng tulog. Napangisi na lang ako dahil parang wala akong binubuhat. Akala ko, kahit pumayat na ng ganito si Betty ay mabigat pa rin siya. Nagkamali ako. Napakagaan niya. Para akong nagbubuhat ng hangin. Tahimik at masarap sa pakiramdam.

Matagal ang titig ko sa mukha niya hanggang sa bumaba ito sa kanyang mga labi. Naginit ang mukha ko at biglang bumilis ang kabog sa may dibdib ko. Nagiwas agad ako ng tingin. Gusto ko siyang halikan pero hindi sa ganitong sitwasyon.

Nang makarating kami sa clinic, naabutan ko si Ate Tin na nakaupo sa may desk niya. Nagulat pa siya nung makita si Betty na walang malay. Agad niyang ipinalagay si Betty sa kama bago ako pinaulanan ng mga tanong. Nagtanong siya kung anong nangyari at kung anu ano pa. Pinaghinalaan pa nga niya ako na ako daw ang may gawa kung bakit nawalan siya ng malay. Badtrip! Ako na nga ang nagdala sa kanya dito sa clinic tapos ako pa ang napagbintangan. Walang hiya.

Nakaupo lang ako sa harap ng desk ni ate at patuloy sa pagiikot ng pencil sa mga daliri ko. Palagi kong binabalik ang tingin ko sa may pinto kung saan ko iniwan si Betty. Gusto ko siyang puntahan pero pinagbabawalan naman ako ni Ate.

"Ate, hindi ba talaga pwede?" tanong ko ulit. Siguro kada minuto ay itinatanong ko iyon. 

"Hindi nga! Alam mo namang girl's room yun! Di ka pwede doon!" sagot ni Ate. Humalumbaba ako at nagkunot ng noo.

"Grabe! Parang hindi tayo magkapatid! At parang wala kang tiwala sa akin. Wala naman akong masamang gagawin kay Betty!!"

"Shh! Wag ka ngang sumigaw! Pwede ka naman kasing magintay dito. Magigising din naman siya! Kung naiinip ka, edi umalis ka na lang. Di ba may klase kayo? Bakit hindi ka pumapasok? Ay naku, Arvin. Hindi kita ipaggagawa ng excuse letter. Bahala ka diyan!"

"Edi wag. Hindi ko naman kailangan nun." Bahagyang nagtaas ng isang kilay si Ate Tin dahi lsa sinabi ko. 

"Mukhang wala na ako ng magagawa. Sya, bumili ka ng pagkain para pagkagising ni Louise ay makakain na siya. Para magkasilbe ka na rin." 

Ayoko sanang umalis pero mukhang may punto naman si Ate Tin. Tumango na lang ako bago dahan dahan tumayo at naglakad palabas ng clinic para bumalik sa canteen. 

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon