Chapter 17 : Hindi
- Louise's POV -
"Lola! Kumusta na po kayo?" ang masayang tanong ni Arvin sa harap ng puntod ng lola niya. Kinakausap pa niya ito na parang nasa tabi lang niya. "Alam kong ayos na kayo diyan ni Lolo at alam ko ring mas masaya kayo diyan. Wag na po kayong masyadong magalala sa amin dito dahil alam niyo namang malaki na ang baby boy niyo." ngumisi pa siya habang kinakamot ang kanyang ulo.
Tumingin ako sa may puntod at saka ko lang napansin na dalawang taon pa lang pala ang nakakalipas mula noong iwan siya ng Lola niya.
Hindi ko man masyado maalala ang itsura ng lola niya, pero naalala ko pa kung gaano siya kabait. Palagi niya nga kaming dinadalhan ni mommy ng pagkaing niluto niya. Magbestfriend kasi ang mga mommy namin ni Arvin kaya talagang close sila. Dahil sa bahay nina Arvin siya tumuloy noong mamatay ang asawa niya, palagi siyang nagpupunta sa amin.
Tanda ko pa nga noong maliliit pa kami ni Arvin. Magkalaro kami. Ay, hindi pala kami magkalaro. Naglalaro ako ng manika at siya ay kung ano anong mga insekto ang pinaglalaruon. Hinding hindi ko makakalimutan noong inihagis niya sa akin yung nilalaro niyang gagamba. Umiyak talaga ako habang nagtatatalon para matanggal yung gagamba. Natakot ako dahil baka kagatin ako. Pero hindi ko rin malilimutan kung paano siya pinagalitan ng lola niya dahil sa pagpapaiyak sa akin.
"Ah, La.." ang muli niyang pagtawag. Tumingin pa siya sa akin bago hinila ang kamay ko at hinawakan ang magkabilang balikat para iharap sa puntod ng kanyang lola. "Naalala niyo po ba si Louise?" tanong niya na nagpapula ng pisngi ko. Bakit ba kailangan niyang itanong kung naaalala pa ako ng lola niya. Siguro ay hindi na dahil noong mga bata ko pa siya huling nakita.
"Arvin-"
"Ah, opo, La!" pagsangayon niya na ikinagulat ko. Wala namang tanong pero tumango tango siya. "Siya nga po!" dagdag pa niya. Naguluhan ako dahil parang kinakausap niya talaga ang lola niya. Napatingin ako sa kanya at malaki ang kanyang ngisi. Sigurado akong pinagtritripan na naman niya ako.
"Arvin, ano bang sinasabi mo?"
"Shh! Wag kang maingay. May sinasabi pa si Lola." saway pa niya sakin. "Ano po? Date?"
Napakunot na ang noo ko dahil sa sinasabi niya. Sigurado akong nagkukunwari lang siyang kausap niya ang lola niya. Kaugalian naman kasi nating mga Pilipino na kausapin ang mga mahal natin sa buhay na yumao na na parang andito lang sila sa ating paligid. At alam kong ganoon ang ginagawa ngayon ni Arvin. Pero talagang sumosobra na siya.
"Anong date ang sinasabi mo? Ewan ko sayo, Arvin!" galit kong sabi dahil talagang naiinis na ako. Aalis na sana ako pero hinawakan muli niya ang aking kamay.
"Wait lang naman." aniya. "Ano nga po ulit yun, Lola?" balik na tanong niya sa kanyang lola. Hay.
Wala na akong nagawa kaya humalukipkip na lang ako at inintay siya na matapos kausapin ang lola niya.
"Ay, naku, Lola. Hindi pa po kami nakakapagdate. Hmm. Teka, parang nagdate na ata kami. Sa pagkakatanda ko, iyon ata noong araw na naging kami na." lumingon pa siya sa akin nang medyo nakakunot ang noo na parang may iniisip. "Huh? Opo. Girlfriend ko na po siya." aniya. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nagbara ang lalamunan ko kaya hindi ako nakapagsalita.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa paligid pero ang tenga ko naman ay nakikinig sa mga sinasabi ni Arvin. Matagal pa silang nagusap at kung hindi ako nagkakamali, ako ang ikwinekwento niya sa kanyang lola. Nabanggit kasi niya ang isang matabang babae noon na ngayon ay sexy na. Kahit hindi ko lubos maisip na ako yung sexy na babaeng tinutukoy niya. Nag assume pa rin ako.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".