Chapter 9 : Notebook
- Louise' POV -
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na inihatid pa ko ni Tristan sa bahay. Parang pinilit ko lang kasi siya. Mas maganda siguro kung siya mismo ang magsabi na siya maghahatid sakin. Pero mukhang malabo. Di ba, girlfriend-boyfriend lang naman ang ganun. Pero malay niyo, malapit na kami doon. Chos lang!
Pumasok na ko sa bahay at hindi na muling sinulyapan si Tristan. Nadatnan ko si Mommy na nagaayos ng mga paper works niya sa dinning area. Lumapit ako sa kanya para ikiss siya.
"Hi, baby! Musta ang school? Kumain ka na ba?" tanong ni mommy. Itinigil pa niya ang pagbabasa ng mga papel para tumingin sakin.
"Ah, okay lang naman po, mommy. Wala kami masyado naging quiz." Yun palagi ang sinasabi ko about sa school. Hindi ko rin sinasabi na marami akong bagsak at Math lang ang naiipasa ko. "Ah, mommy, mamaya na lang po ako kakainin. Magpapahinga lang po ako at tsaka magpapalit muna ng damit." Tumango lang si mommy kaya pumasok na ko ng kwarto. Napagod ako pero wala naman masyadong ginawa. 6:15 palang ng hapon pero parang gusto ko ng matulog.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang mata. Naimagine ko na kami na ni Tristan. Hahaha! Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga kaklase namin? ng buong estudyante sa school? Popular si Tristan hindi lang dahil gwapo at basketball varsity. Matalino din siya! Iniisip ko na baka awayin ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya dahil ang panget panget ko naman.
"Ay! Tsk!" Naalala ko ang notebook.
Tumayo agad ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa side table ng kama ko. Inopen ko ang drawer doon at nakita ko nga ang isang notebook ko. Napahinga ako ng malalim bago ko kinuha iyon. Ipinatong ko muna yun sa kama. Tinanggal ko muna ang ID ko bago ako dumapa para basahin ang notebook.
Sira sira na ang notebook at talagang mukang lumang luma na. Huminga ulit ako ng malalim bago binuksan ang unang pahina. Binasa ko ulit ang mga nakasulat sa notebook ko. Ito na naman. Araw araw ko itong binabasa pero ganun pa rin ang nararamdaman ko. Naiinis ako, nagagalit, at nalulungkot para sa sarili ko. Kinuyom ko ang kamay ko kaya medyo nagusot ang papel. Bumabalik talaga ang lahat. Naalala ko na naman ang mga nangyari dati.
Huminga na naman ako ng malalim habang nakapikit ang mga mata. Dahan dahan kong kinapa ang mga nakasulat sa notebook. Madiin at halos mapunit na ang papel dahil sa pagsusulat ko noon. Tandang tanda ko ito. Ang mga pambubully ni Arvin sakin.
Halos tumulo na ang luha ko pero hindi ko ito pinatuloy. Nangako kasi ako sa sarili kong hindi na muli ako iiyak. Hinding hindi na ko mapapaiyak ng lalaking yun. Gusto kong pagbayaran niya ang mga ginawa niya sakin noon. Alam kong mali ako. Pero mali rin siya. Masakit. Ang mga natatandaan ko lang nung bata ako ay yung mga pagiyak ko. Sa school at dito sa bahay. Hindi ako naging masaya. Gusto kong maghiganti! Oo, tama. Maghihiganti ako.
"Revenge!" Yan ang nakasulat sa bawat pahina ng papel. Halos mapunit na ang papel dahil sa pulang ballpen na parang ginamitan ng cutter.
"Baby!" Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Mommy sa kwarto ko. Hindi ko pala nailock ang pinto. Naisara ko agad ang notebook ko ng hindi oras.
"M-ommy, bakit p-po?" Pumasok siya ng kwarto kaya iupuan ko agad ang notebook ko. Halos pagpawisan ako ng malamig dahil sa paglapit niya. Tinanong ako ni mommy nang makita niya ang ginagawa kong pagupo sa notebook.
"Anong ginagawa mo?"
"Ah eh.. Wala naman po, mommy." ang sagot ko habang umiiling. Halos mapakunot ang noo ni Mommy dahil sa pagsisinungaling ko. Parang gusto niyang malaman kung ano itong hawak ko pero binago ko agad ang pinaguusapan namin para hindi na niya ko tanungin pa. "Ano pong kailangan niyo?"
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".