Chapter 7 : Lunch
- Louise's POV -
"Louise!" Napalingon ako sa taong tumawag sakin at ang nakita ko ay si Arvin. Dali dali kong kinuha ang tray ko para makalayo na sa kanya. "Teka, Louise!" ang ulit niya tapos naramdaman ko na lang na hawak na niya ang braso ko.
"Ano bang problema mo, Arvin? Wala ka naman atang ipapagawa sakin. Una na ko." ang sabi ko naman habang tinatanggal ang kamay niya. May kakaiba ata. Hindi Betty ang tawag niya sakin.
"Teka lang, Louise!" sabi pa niya pero kinunot ko lang ang noo ko. "I mean, Betty pala." Napatungo naman siya nung sabihin niya yun.
"Ano ba talagang problema mo?" ang ulit ko sa kanya. Napansin ko namang huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang magsalita.
"Iniiwasan mo ba ko?" Oo! Iniiwasan kita! Yan sana ang gusto kong isagot sa kanya pero nagdalawang isip ako. Ayoko kasing bigyan ng kahulugan ang muntik niyang paghalik sakin, kahapon. Well, hindi ko naman sure kung muntik nga talaga niya akong halikan. Baka nagaasume lang ako. Pero ewan ko. Gusto ko munang lumayo sa kanya.
"Hindi kita iniiwasan. May gagawin pa kasi kami sa library ng mga group mates ko kaya una na ko." ang palusot ko tapos naglakad na palayo. Napansin kong hindi na muli niya akong sinundan.
"Hindi ako naniniwala." Napatigil ang paglalakad ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Iniiwasan mo ko dahil sa nangyari kahapon. Kung iniisip mo na gusto kita, mali ang iniisip mo, hindi kita gusto. At kahit kailan, hindi kita magugustuhan. Gusto ko walang magbago satin. Hindi kasi ako sanay." Natuwa naman ako sa narinig kong iyon. Humarap ako sa kanya bago muling nagsalita.
"Oo naman! Walang magbabago. Sige una na ko." tapos nagpaalam na rin ako para pumunta sa quadrangle. Hindi naman talaga kami gagawa ng mga group mates ko. Gusto ko lang sabihin yun kay Arvin.
Napaubob na lang ako sa may table dito sa quadrangle at parang nawalan ng ganang kumain. Hay. Ano ba tong nangyayari sakin? Parang kinakabahan ako ng walang dahilan.
"Hi!" bigla na lang akong nagulat dahil may biglang sumulpot.
"Oh? Monique. Ikaw pala."
"Pwedeng makishare?" tanong niya. Lumingon lingon ako sa paligid. Marami pa namang tables dito sa quadrangle ah. Wala nga masyadong tao dito. Bakit gusto niya dito? Dito pa talaga sa harap ko? Hindi naman kami masyado close. Ngayon nga lang niya ko kinausap. "Pwede ba?" ulit niya. Tumango na lang ako. Mukhang wala na naman ata akong magagawa.
Inilapag niya yung lunch box niya sa table. Tiningnan ko lang siya hanggang magsimula na siyang kumain. Ang ganda talaga niya. Sana naging kasing ganda na lang din niya ko para hindi ko na prinoproblema ang mukha ko.
Naalibarbaran siguro siya kaya siya tumigil ng pagkain at tumingin din sakin.
"May problema ba?" tanong niya. Umiling naman agad ako at tumingin sa ibang lugar. Ano ba yan. Bakit kasi ang ganda niya. Noong una akala ko nagkagusto lang si Arvin sa kanya dahil matalino at mayaman siya. Sabi nila, maganda daw sabi ko naman, maputi lang. Ngayon ko lang talaga napagtanto na maganda nga talaga siya. Maputi at makinis ang kanyang balat. Walang bahid ng tagihawat.
"Ah, bakit ka nga pala dito kumakain? Nasaan ang mga friends mo?" tanong ko para maalis ang katahimikan. Sa totoo, marami talaga siyang friends. Halos lahat nga ata friend niya dahil lahat gustong makipagkaibigan sa kanya. Napansin ko nga dati nung dumaan siya ng corridor halos lahat ay binati at nginitian siya.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".