Chapter 31 : Principal
- Monique's POV -
"Tristan, sabi ni Ma'am Gonzalez, hindi mo daw naperfect ang quiz sa physics. Ano bang nagyayari sayo?" tanong ko kay Tristan habang naglalakad kami papuntang canteen. Lunch break ngayon at kakalabas lang namin ng faculty dahil kinausap kami ng adviser namin sa research.
"Wala lang ako sa mood. Di ako nakapagaral." sagot naman niya sa akin.
Isa lang ang mali niya sa quiz at sa lagay na yun ay hindi pa siya nagaral. Nakakuha ako ng perfect score dahil buong gabi ako nagaral. Ako ang top 1 ng batch namin dahil masipag akong magaral. Paano na lang kaya kung magaral ang isang to? Siguro, magiging top 2 na lang ako.
Urgh! Hindi ko maiwasang ipagcompare ang sarili ko sa kanya. Totoo ba ang sabi ng daddy ko? Na mas matalino daw talaga ang mga lalaki kaysa sa mga babae?
"Monique!" Sigaw sa akin ni Jessa, kaklase ko. "Nagaaway sina AJ at Arvin sa canteen. Di namin maawat. Ayaw nilang makinig." bulaslas niya.
Agad kaming napatakbo papunta sa canteen dahil sa gulong sinimulan ng dalawa. Nagkukumpulan ang mga tao. Walang nagtatakang lumapit sa dalawa dahil natatakot silang madawit sa gulo.
Nakahawak si AJ sa kwelyo ni Arvin at kitang kita ko ang dumudugong labi ni Arvin.
Pumagitna agad ako sa dalawa bago lumingon sa paligid. Nakatitig lang ang lahat sa akin at waring nagaabang ng susunod kong gagawin. Umikot ang mata ko bago huminga ng malalim.
"Tapos na ang palabas, magsibalik na kayo sa mga pagkain niyo." ani ko. Hindi sila nagdalawang isip at agad na sinunod ang aking utos.
Kunot noo akong humarap kina AJ at Arvin. Parang nagpipigil lang itong si AJ at si Arvin naman ay parang walang paki.
"Bakit kayo nagaaway?" Tanong ko sa kanila. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong magalit sa kanilang dalawa. Ayoko na ring magtanong kung sino ang nauna dahil hindi na importante iyon.
"Itanong mo sa kanya. Basta na lang akong binanatan." sagot ni Arvin bago umirap sa kawalan.
"Gago ka kasi! Siraulo!" ani AJ at akmang susuntukin na ulit si Arvin. Buti na lang, pumagit agad si Tristan. Thanks, God! Andito siya. Kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Di ko alam ang sinasabi mo!!" sigaw pabalik ni Arvin.
"Gagong to! Anong ginawa mo kay Louise ha?!" tanong ni AJ kay Arvin habang nanlilisik ang mga mata.
"Teka nga muna. Ano ba talaga ang nangyari?" naguguluhan kong tanong.
"Kagabi, may nakabangga akong babae, pagkita ko, Louise pala yun. UMIIYAK!!" Bahagyang dumilat pa ang mga mata ni AJ. "Hindi ko na siya nahabol dahil parang nagmamadali. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko tapos hindi nagtagal, nakita ko si Arvin na nakatunganga sa may park. Binaliwala ko yun. Tapos ngayong umaga, mababalitaan kong, break na silang dalawa. So, ibig sabihin, pinaiyak niya si Louise. Gago to!" Doon na ako naliwanagan.
Sinubukan ulit ni AJ na lumapit kay Arvin kaya muling pumagit na si Tristan. Hinawakan pa ni Tristan ang balikat ni AJ para mas mapigilan ang nagwawalang si AJ.
"Tama na, AJ." saway ni Tristan. Humarap siya kay Arvin at nagulat na lang ako sa mabilis na pangyayari. Nagbitiw siya ng isang malakas na suntok sa may kaliwang pisngi ni Arvin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".