Chapter 45 // Time [ Tristan's POV ] + [ Arvin's POV ]

1.8K 53 26
                                    

Chapter 45 : Time

- Tristan's POV -

 A year ago..

"Arvin, oh ano? Bakit hindi ka pa nagbibihis? Nakalimutan mo bang ngayon ang alis ni Louise papunta sa Amerika?" tanong ko kay Arvin ngunit hindi siya sumagot kaya nilapitan ko na siya sa kama niya. "Pambihira ka naman insan. Doon na sila titira. Baka ilang taon na lang ulit bago mo makita si Louise. Tara na!"

"Di ako sasama. Kayo na lang." aniya. Bahagya kong ikinunot ang noo ko. Feeling ko tinamaan na naman ng sapak ang isang to.

"May lagnat ka ba? Ano bang pumasok sa isip mo at hindi mo siya ihahatid sa airport? Noong nakaraan lang ay parang ayaw mong umalis sa ospital tapos ngayon.."

"Tristan, sabing hindi ako sasama. Ayokong ihatid siya sa airport. Wala akong pakialam kung pupunta na siya doon sa Amerika at doon na titira kasama ang pamilya niya. Hindi naman siguradong gagaling siya doon. Malay mo doon na magwakas ang buhay niya. Kailangan kong makamove on ngayon pa lang para hindi ako masaktan pa lalo."

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakaimik. Paano niya nasasabi ang mga salitang ito? "Ano bang sinasabi mo, Arvin? Paano mo yan nasasabi? Magwakas ang buhay?? Ganoon ka na lang ba kadali susuko? Hanggang diyan ka na lang ba? Akala ko ba matapang ka? Asan na ang tapang mo Arvin?" tanong ko.

"Tristan, pwede ba."

"Paalala ko sayo, Arvin. Hindi ikaw ang may sakit." Bahagyang lumakas ang boses ko. "Si Louise ang lumalaban sa sakit na cancer. Wala tayong magagawa kundi ang suportahan na lang siya. Dahil sa ipinapakita mo sa akin ngayon, pinapatunayan mo lang na mas matapang si Louise sayo."

Uminit ang ulo ko ng hindi niya ako pansinin.

"Paano kung gumaling siya? Alam kong gagaling siya." dagdag ko pa.

"Kahit gumaling siya, kailangan pa rin naming magmove on. Maraming taon ang lilipas. Maraming magbabago. Marami pang pwedeng mangyari sa mga buhay namin. Marami siyang makikilala doon at marami din akong makikilala dito."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Arvin. Sa totoo ay medyo naguluhan ako.

"Sana lang ay wag mong pagsisihan ang desisiyon mo, Arvin. Baka ikaw din ang umiyak sa huli." aniko bago lumabas ng kwarto niya.

Sa totoo ay hindi naman tao ang kalaban ni Arvin, hindi kami. Hindi rin naman ang lugar, hindi dahil malayo si Louise. Ang tunay niyang kalaban ay ang oras. Tumatakbo ang oras at sinasayang niya lang ito. Dapat ay mas binibigyan niya ng halaga ang oras. Lalo na ang oras na kasama si Louise. 

Napailing na lang ako.

Bumaba na ako dahil kanina pang naghihintay si Ate Tin.

"Asan si Arvin?" tanong niya nang makita ako.

"Ayaw po sumama, Ate." sagot ko. Nakita ko ang lungkot na dumapo sa mukha ni Ate Tin dahil sa sinabi ko.

"Ahh.. Ganun ba?" aniya. "Sige, hayaan mo na. Baka malate na tayo. Nasa labas na rin sina AJ." Nauna siyang naglakad palabas pero ramdam ko ang pagkadismaya niya. Tulad niya ay ganoon rin ako.

Ilang oras din tumagal ang byahe pero nanatiling tahimik ang lahat sa sasakyan. Si AJ ay nakatitig lang sa may bintana, samantalang sina Michael at Geo ay parehong tulog. Si Monique naman ay nakatingin din sa may bintana habang nakalagay ang earphones sa kanyang tenga. Si Ate Tin ay nakatingin lang sa may daan at sinisiguradong safe ang pagmamaneho ng driver namin, na boyfriend niya.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon