Chapter 22 : Aaminin ko
- Louise's POV -
Mahigpit akong niyakap ni Arvin. Alam kong sumama ang loob niya dahil sa ginawa ko. Pero hindi na niya ako kailangang yakapin ng ganito. Napatingin ako kay Ate Tin at tulad ko ay nagulat din siya sa ginawa ni Arvin. Nahiya tuloy ko.
"Arvin, hindi ako makahinga." sabi ko at pinilit ko siyang itinulak. Hindi siya natinag. Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sakin. "Arvin.." Wala akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Wala na rin kasi akong lakas para itulak siya.
"Natakot ako." sabi niya na nagpakurot ng puso ko. "Nagpunta ako ng classroom niyo pero wala ka. Hinanap kita sa buong school pero hindi kita nakita. Papunta na sana ako sa bahay niyo para ipagtanong ka. Buti na lang bumalik ako dito para kunin ang pagkain mo. Andito ka lang pala."
"Uuwi na rin naman ako. Bitiwan mo na ko." sabi ko. Bumitiw naman agad siya. Tumingin siya sa mga mata ko kaya nagiwas ako ng tingin. Ayaw kong makita niya ang mapupulang mata ko dahil sa pagiyak ko kanina.
"Umiyak ka ba?" ang tanong niya. Hindi ako sumagot. Tumingin ako kay Ate Tin at nananalangin na wala siyang sabihin na kahit ano kay Arvin. Ayokong ipaalam sa kanya ang lahat ng pinagusapan namin ni Ate Tin.
Umiling lang ako.
"Umiyak ka." siguradong sabi niya. Huminga siya ng malalim bago hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng clinic. Nagmamadali siya kaya hindi na kami nakapagpaalam kay Ate Tin.
Lumabas kami ng school pero nagtaka ako dahil hindi kami sa bahay namin papunta. Bahagya akong huminto sa paglalakad kaya naagaw ko ang pansin niya. Nilingon niya ako at itinaas ang isang kilay niya para magtanong.
"Saan ba tayo pupunta, Arvin? Doon ang bahay namin." sabi ko sa kanya sabay turo sa kabilang kalye.
"May gusto lang akong puntahan at gusto ko kasama kita." aniya. Hindi na ako nagtanong ng kung anu ano at sinundan ko na lang siya.
Hindi katagalan ay nakarating din kami sa balak niyang puntahan. Sa simbahan. Nasa may pinto na kami nung tumigil ako at binalingan siya ng tingin. Nilingon niya ako at nagbigay ng matamis na ngiti. Hindi ako nagpadala.
"Ano bang ginagawa natin dito?" seryoso kong tanong. Kung pantritrip lang ito ay mawawalan lang ako ng gana. Masama ang pakiramdam ko at gusto ko ng magpahinga.
Hindi siya sumagot at hinila na lang ako papasok ng simbahan. Hindi ko man alam kung bakit kami nandito. Masaya na rin ako dahil kasama ko siyang magpunta dito. Isa ito sa mga importanting lugar para sa akin. Ito kasi ang takbuhan ko. Ang panginoon ang sandalan ko.
Umupo kami sa unang hanay ng mga mahabang silya. Ilang minuto rin kaming hindi nagusap. Walang ibang ingay akong narinig sa simbahan kundi ang nga huni ng mga ibon. Sinilip ko siya ng sandali at nakitang nakapikit na ang mga mata niya.
Kinalabit ko agad siya. "Hoy, Arvin. Wag kang matulog dito." Umiling naman agad siya.
"Hindi ako natutulog. Nagiisip ako." aniya pero hindi niya iminumulat ang kanyang mga mata.
"Ano bang iniisip mo?" lumapit ako ng konti sa kanya para marinig ng ayos ang mga sinasabi niya. Para kasing kinakain niya lahat ng mga salita niya. Wala akong maintindihan.
"Maraming bagay."
"Tulad ng?"
Iminulat niya ang mga mata niya at nilingon ako. Paglingon niya ay halos magtama na ang mga mukha namin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Nagiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang paginit ng aking mukha. Mukhang namumula ata ako.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".