Chapter 33 // Desisyon [ Louise's POV ]

1.9K 66 20
                                    

Chapter 33 : Desisyon

- Louise's POV -

"Louise, andito na tayo sa ospital." ani AJ. Hindi ako nagsalita at tulala pa rin hanggang ngayon. Siguro pangatlong beses na ata niyang nasabi iyon sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Gusto ko lang umupo dito at magmukmok. "Wag mo na masyadong isipin ang nangyar-" pinutol ko agad ang sinasabi niya.

"Alam mo ba kung bakit andoon si Lily?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Hindi.. Louise, wala akong alam diyan. Hindi ko alam na nakikipagkita pa rin pala ang pinsan ko kay Arvin. I swear, pinagsabihan ko na siya. Hindi ko alam na hindi siya makikinig sa akin." sagot niya. Bahagya akong napatawa.

"Wala kang kasalanan, AJ. Actually, ako ang natext kay Lily." napansin kong napalingon siya sa direksyon ko. "Sabi ko, puntahan niya si Arvin. Gusto ko kasing makita silang magkasama para masaktan ako ng todo. Gusto kong makamove on kaming dalawa ni Arvin. Alam kong may gusto si Arvin kay Lily at kung makikita kong masaya silang dalawa. Siguro doon na lang hihinto ang pagmamahal ko. Pero nagkamali ako, AJ."

Tumulo ng mga luha ko at wala akong lakas para pahirin ang mga ito. "Parang mas nadagdagan pa ata ang pagmamahal ko dahil mas nasasaktan ako. Parang dinudurog ng paunti unti ang puso ko nang makita ko sila. Iniisip ko pa lang na iiwan ko siya ay parang hindi ko na kaya. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Gusto kong magkasama kami habang buhay. Pero mukhang malabong manyari iyon. Alam kong hindi mangyayari yun."

"Louise.." naramdaman ko ang kamay ni AJ sa baba ko at dahan dahan niyang iniharap ang mukha ko sa kanya. "Wag kang umiyak. Please." aniya habang unti unting pinapahid ang mga luha ko.

"Masama ba ko, AJ?" tanong ko. Hindi ko pa rin maiwasang hindi maiyak. "Masama ba ang ginawa ko kaya lahat ng masamang karma ay bumabalik sa akin? Kaya dobleng sakit ang nararamdaman ko?"

"Hindi ka masama, Louise. Hindi masama ang ginawa mo. Ginawa mo lang naman ang kung ano sa tingin mo ang tama kaya wag ka ng umiyak."

Ilang araw ang nakalipas, pinayagan ako ng doktor na makauwi ng bahay dahil medyo umokay okay na daw ako. Sinundo ako ni mommy at nakarating kami ng bahay ng medyo pahapon na.

"Anak, magbihis ka na para makakain na tayo." sabi ng mommy ko habang papaakyat ako ng hagdan. Dahan dahan naman akong tumango. "Louise, okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang bumalik tayo sa ospital?" nagaalalang tanong ng mommy ko at hinawakan pa ang noo ko para icheck ang aking temperature.

"Okay lang po ako, mommy. Sige po, akyat na ko."

Sa totoo ay hindi ako okay. Sa totoo, masama talaga ang pakiramdam ko. Wasak ang puso ko at kahit ilang beses akong bumalik sa ospital ay hinding hindi ito maaayos.

Binuksan ko ang pinto ko at naabutang bagong palit na ang kobre kama ko. Napalitan na ata iyon ng kasama namin sa bahay nung nasa ospital pa ako. Noong nakaraan kasi ay nagsuka ako ng dugo kaya dinala nila ako sa ospital. Hindi ko rin alam kung bakit nangyari yun sa akin. Dahil ba lumalala na ang sakit ko? Ayokong isip iyun sa ngayon.

Binuksan ko ang drawer sa tabi ng kama ko at kinuha ang diary ko. Doon nakasipit ang sulat ko para kay Arvin. Muli akong kumuha ng isang malinis na papel para muling sulatan sa hinaharap ang nagiisang lalaking minahal ko, si Arvin.

Nanginginig ang mga kamay ko habang unti unting isinusulat ang mga nais kong sabihin. Tumulo na naman ang luha ko. Sinubukan kong tumingin sa kisame para mapigilan ang luha ko. Ayokong umiyak dahil maya maya ay bababa rin ako para kumain at ayaw ko naman mahalata ng mommy ko ang aking pagiyak.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon