Chapter 10 // Sagutin [Arvin's POV]

3.9K 146 38
                                    

Chapter 10 : Sagutin 

- Arvin's POV -  

"Sabihin mo nga Louise. Special treatment ba?" Tanong ko sa kanya at namula naman agad ang buong mukha niya. Sigurado akong naiinis na siya sakin, ngayon. Dahil doon, napangisi ako ng hindi oras. 

"Anong special treatment ka diyan!" sigaw niya sakin at hinampas pa ako ng libro sa mukha ko. Makapal ang libro kaya talagang nasaktan ako. Tapos tumama pa sa matangos kong ilong. Nabwiset ako dahil feeling ko napango ang ilong ko.  

"Ano baaa?!" reklamo ko dahil hindi na ko nakapagpigil. 

"Sige nga. Sabihin mo, yan bang ginagawa kong yan ang special treatment para sayo? Dahil mukha mo! Hindi ka espesyal kaya bakit naman magiging espesyal ang pagtrato sayo? Hello? Hari ka ba? Sa totoo lang?" Ang dirediretso niyang sabi na parang hindi na ata huminga.

"Grabe! Ang dami mong sinabi! Bakit ba ang daldal mo na? Hindi ka naman ganyan dati ah." Sabi ko dahil totoo naman. Hindi siya ganito dati. Tahimik lang siya tapos kapag inasar ko na ay iiyak na lang. Hindi na siya lalaban sakin dahil alam niyang wala na siyang laban. Pero ngayon, hindi na ganun. Ang daming nagbago.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang likumin ang mga libro niya at inilagay iyon sa bag niya. Tumayo din agad siya kaya nataranta na ko.

"Huy! Teka, san ka pupunta?" tanong ko. 

Humarap naman agad siya pero tinaasan niya muna ako ng kilay.  

"Malamang uuwi na. 10 na kaya!" at inirapan pa ako. Grabe! Napakaarte na talaga ng isang to. Bwiset! Inilikom ko na rin agad ang mga gamit ko at tumayo para sundan siya. Pinilit kong ngumisi kahit hindi ako natutuwa sa pinaggagagawa niya. Hindi ba dapat ako ang nangaasar sa kanya? Bakit parang baliktad na ang nangyayari? 

"Ihahatid na kit-" napatigil ako dahil tinalikuran na agad niya ako bago ko pa matapos ang sinasabi ko. Buti nakapagpigil pa ako, kundi baka may nasapak na ako ng kung sino dito dahil sa init ng ulo ko.

Tahimik lang kaming naglalakad kaya naisip ko na naman ang ginawa ko kanina. Yung pagiintay ko sa gate. Peste talaga! Tinext ko siyang magkita kami sa gate tapos hindi niya ako sinipot! AKO?? AKO HINDI NIYA SINIPOT?! Hindi ba dapat ako ang hindi sumisipot. Gawain ko yun pero bakit sa akin niya ginagawa ngayon?

Pero mas nabwibwiset ako sa sarili ko dahil sa kung anong mga napagiisip ko. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip na kung maging kami ba ni Louise, kami na ang magiging campus couple? Tae! Arvin! Na virus na ata ang utak mo. Dahil sa malaking virus na nasa harap mo ngayon. 

"Ilan ang tuta niyo sa inyo?" biglang singit niyang tanong pero hindi siya lumingon sakin.

"Baliw ka ba?!" tanong ko sa kanya. Obvious bang wala kaming aso? Siguro naman nakapunta na siya samin di ba?

"Nagtatanong lang naman!" sigaw niya at lumingon na siya sakin. Nagulo ang buhok niya dahil sa biglang pagharap sakin. Hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan maigi ang buhok niyang dahan dahang nililipad ng hangin. "Oh! Bakit ka na naman ganyan makatitig?!"

"Anong makatitig? Tsk! Tae ka ba? May kulangot ka sa ilong! Tanggalin mo naman! Nakakahiya sakin!" pagsisinungaling ko.

"Sus! Wala akong paki kung may kulangot ako diyan! At bakit naman ako mahihiya sayo? Crush ba kita? Tsk!" ang sabi niya bago ako inirapan. Kanina pa siyang irap ng irap sakin ah. Nakakabwiset na!

Hinawakan ko siya at iniharap sakin. Kahit madilim na. Nakita ko pa rin ang pagkunot ng noo niya. Iba talaga siya kapag nagagalit. May kung ano akong nararamdaman.

"Ano ba, Arvin! Bitawan mo nga ako!" sigaw niya habang nagpapapalag pero hindi ako natinag. Hindi ko siya binitawan.

"Wag na wag mo kong iirapan! Naiinis ako kapag ginagawa mo yun!" sabi ko. Sumimangot naman siya.

"Eh ano kung irapan kita? Anong gagawin mo? Eh di ba, iniinis mo rin ako palagi? So fair na tayo! Pareho na tayong naiinis sa isa't isa!" Tapos inirapan na naman niya ako. Dahil hawak ko pa ang braso niya. Ginamit ko iyon para iharap ko ulit siya sakin.

"Isa na lang! Talagang hahalikan na kita!"

Natawa lang siya tapos inirapan na naman ako. Hindi na ko nakapag pigil, kaya hinila ko siya palapit sakin tapos inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nanlaki naman ang mata niya at halatang gulat na gulat sa bilis ng mga pangyayari.

"Kapag hindi talaga ako nakapagpigil, makita mo!" ang sabi ko at binitawan ko na siya. Nakangisi naman akong naglakad habang nakikita siyang tulala dahil sa ginawa ko. Tsk! Yun lang pala ang katapat niya eh.

Dumating kami sa bahay nila at nung tingnan ko siya sa likod ko. Nakatungo siyang naglalakad at parang wala sa sarili kaya nauntog ang ulo niya sa balikat ko.

"Aray!" Pagrereklamo niya habang tumutunghay. "Bakit ba, basta basta ka na lang tumitigil?" Aniya at napansin ko na naman ang kaguluhan ng buhok niya. Parang binagyo ang ulo niya. 

"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Paano na lang kung sa poste ka nabunggo? Edi, mas masakit yun?"

"Wala kang pake!" aniya. Natawa na lang ako sa kaartehan ng isang to. Kakaiba talaga. Hindi ko ba alam kung maarte ba talaga o nagpapakaarte lang sakin. Ako na nga ang concern

Paano kaya kung naging kami na? Aartehan pa kaya niya ako? Hahaha.

"Ano? Tititig ka na lang ba? Uwi na! 10:30 na! Alis na!" sigaw niya.

"Ganun na lang yun?"

"Anong ganun na lang yun? Malamang oo! Ano gusto mo? Ihatid rin kita?!"

"Hindi."

"Oh? Ano pang gusto mo? Alis na! Tsupi!" sabi niya habang nakakunot ang noo. Bobo rin talaga ang isang to eh no?

"Oh? Kailan mo ako sasagutin?" tanong ko. Napansin ko na naman na umulwa ang mata niya. Isa na lang at magiging palaka na siya. "Oh ano? Kailan nga?" ulit ko dahil ang tagal niyang sumagot.

"Excuse me, sir? Ako ba ang kinakausap mo?" pagliliwanag niya. Tsk.

"Bakit? May iba pa ba dito na hindi ko nakikita? Siraulo! Syempre ikaw!"

"At ako pa ang siraulot! Ikaw kaya! Anong kailan kita sasagutin? Hellooo?? Nanligaw ka ba?" at humalukipkip pa siya. Kaartehan talaga ano?

"Anong tawag mo dito? Ngayon? Nagdate tayo tapos inihatid kita sa bahay niyo? Hindi pa ba to ligaw? Ay, oo nga pala. Wala ka pang EXPERIENCE." pagdidiin ko.

"Bwiset ka talaga!" sabi niya at hinampas pa ako ng bag niya. Hinawakan ko naman agad yun para mapatigil siya.

"Teka nga. Ano nga? Kailan mo ako sasagutin?"

"Anong sasagutin? Wag ka ng umasa! Wag ka ng manligaw dahil hindi kita sasagutin! Bwiset ka!"

"Teka nga. Kung hindi mo ko panliligawin at hindi mo ako sasagutin, pwes, tayo na! Tapos!"

"Ano?" tanong niya at parang nagbibingi bingihan lang.

"Pakilinis ng tenga mo ah. Sabi ko! Tayo na! Tapos!"

Hindi ko na siya pinagsalita at naglakad na ako palayo. Hindi ko na rin naman siya narinig magreklamo kaya siguro nga ay natuwa siya sa sinabi ko. Tsk! Eh siya pa pala ang natuwa ano? Hahaha. Pero masaya akong kami na. 

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon