Chapter 39 // Blood [ Cassy's POV ] + [ Arvin's POV ]

2K 79 15
                                    

 Chapter 39 : Blood

- Cassy's POV -

Hindi ako mapalagay sa katayuan ko habang inaantay ang anunsyo ng doktor na ayos na ang kalagayan ng anak kong si Louise. Sana nga ay ayos na siya ngayon. Nasa loob pa rin siya ng emergency room dahil sa nangyari sa kanya kanina. Mabilis ang kabog ng puso ko na para bang ilang oras na lang ay sasabog na ito sa loob ng dibdib ko.

Tinawagan ko na ang mga kapatid ko, iilang kamaganak namin at pati na rin ang mga malalapit na kaibigan ni Louise para malaman nila ang nangyari sa kanya ngayon. Hindi ko ata kakayaning sarilinin ang problemang ito. Masyado akong nagiging mahina pagdating sa anak ko.

"Cassandra, anong nangyari?" tanong sa akin ng nakatatanda kong kapatid. 

"At-e, si Loui-se kas-i.." pinilit kong makapagsalita kahit nanginginig na ang boses ko. "Nagsuka siya ng maraming dugo doon sa bahay.." Hindi ko na kinaya. Nanghina ang tuhod ko at muntik na akong bumigay sa sahig kung hindi pa hahawakan ni Ate ang braso ko. "Ate, ang anak ko-" Pumiyok ang boses ko. Doon na rin bumuhos ang mga luha ko dahil sa takot.

Niyakap naman agad ako ng ate ko ng mahigpit. "Huwag kang magalala, magiging maayos din siya, Cassy. Hindi siya pababayaan ng Diyos."

Tumango lang ako sa sinabi niya.

Naupo kami ng ate ko at ilang saglit ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Louise na sina Arvin, AJ, Tristan at Monique.

"Tita, kumusta na po si Louise?" tanong ni Monique pero umiling lang ako. Hindi ko na kayang magbitaw pa ng kahit anong salita. Nanghihina pa rin ako.

Nakatulala lang ako sa may pinto at naghihintay ng paglabas ng doktor. Kanina pa kami rito. Mga tatlongpung minuto o halos magiisang oras na rin ang nakalipas bago lumabas ang hinihintay naming doktor.

"Okay na po ang pasyente." ani ng doktor. "Kung pwede po sana ay makausap ko kaya dito sa loob ng konting oras." dagdag pa niya

Sumunod agad kami ng ate ko sa loob ng emergency room para marinig ang sasabihin ng doktor.

"Kung naaalala niyo pa po ako Mrs. Silva, ako po si Dr. Porter, yung doktor na nakausap niyo noong nakaraan tungkol sa kalagayan ng anak niyo." paninimula ng doktor. Tumango naman agad ako. "Mrs. Silva, sinabi ko po na okay na ang anak niyo kanina.. pero sa ngayon lang po." aniya kaya natigil kaming dalawa ng ate ko.

"Anong ibig niyong sabihin dok?" tanong ni Ate dahil hindi na ako makapagsalita sa sobrang pagaalala. Nakatitig lang ako sa kaawa awa kong anak na nakahiga sa isang kama dito sa may emergency room. May nakalagay na swero sa kanyang kamay at abala pa rin ang isang med tech sa pagkuha ng kanyang dugo.

"She's fine for now.. but her condition is getting worse." pagliliwanag ni Dr. Porter. 

"Teka, dok, di ba sabi niyo na kapag uminom ng gamot si Louise ay maaari siyang gumaling? Bakit po lumalala ngayon?" nagtataka kong tanong.

"That's true Mrs. Silva. Sinabi ko ngang maaari siyang gumaling dahil sa nagiging epekto ng gamot." Binuksan niya ang isang folder na hawak niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Last time I check, the treatment was giving a positive feedback. She's doing good.. but now, the treatment doesn't give the same effect anymore." brinowse pa niya isa isa ang mga papel sa loob ng folder. "Don't get me wrong, Mrs. Silva, but are you sure that she's taking her meds on time? Hindi po magandang nalilimutan. O baka naman hindi niya niya talaga naiinom? Gusto ko lang pong makasiguro. Kasi ayon dito sa latest exam result, bumibilis ulit ang pagkalat ng cancer cells sa kanyang katawan. Katulad po noong hindi pa siya umiinom ng niriseta kong gamot. Pero hindi tulad noon, sa ngayon po ay nadodoble pa ang pagkalat nito."

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon