Hello!
Pakisagot po ang "Question of the Day" sa huling parte ng story. Maraming salamat po.
-------------------------------
Chapter 42 : Buhay
- Louise's POV -
Hindi ko na matandaan kung ilang beses ko ng iminulat ang aking mga mata. Kapag iminumulat ko kasi ito ay panandalian lamang. Parang mabibigat ang mga talukap ng aking mga mata at parang gustong manatiling nakapikit lamang. Ngunit ngayon ay pinilit kong buksan muli ang mga ito. Medyo malabo ang aking paningin dahil wala akong suot na salamin. Pero naaninag ko pa rin ang lalaking nakaupo sa aking tabi.
Gusto ko siyang makita ng mas malinaw. Hindi ko makita ang detalye ng kanyang mukha. Pero sa hugis pa lang ng kanyang mukha ay napaluha na ako.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at niyakap agad ako. Kay tagal tagal kong inintay ang araw na ito. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang daddy ko.
Nanghihina ako pero niyakap ko pa rin siya ng mahigpit. Ayokong palampasin ang oras na maari kong magawa ito. Ayokong pagsisihan sa hinaharap na hindi ko ito ginawa. Sobrang saya ko ngayon dahil nakita ko muli ang aking daddy. Ilang taon ko din siyang hindi nayakap ng ganito. Sobrang namiss ko siya.
Pero panandalian lang pala yun. Natutuwa akong andito na siya pero naalis agad ang mga ngiti sa labi ko ng mabanggit niya ang pagpunta sa Amerika. Gusto niyang lumipad kami sa Amerika sa lalong madaling panahon. Hindi lang para magpagamot ako, kundi doon na daw kami titira.
"Anak, hindi kita gustong pagmadaliin, pero sana pagisipan mo ito ng mabuti. Alam mo namang.." Hindi itinuloy ni daddy ang sinasabi niya pero alam ko na rin naman ang sasabihin niya, na bilang na ang mga oras ko. Na 50-50 na lang ang buhay ko.
Gusto kong maiyak dahil sa mga naiisip ko. Bata pa ko. High school pa lang ako at hindi pa nakakatungtong ng colehiyo tapos ngayon ay may taling na ang buhay ko. Ayoko pang mawala sa mundong ito. Gusto kong itanong kay God kung bakit sa lahat ng tao ay ako pa ang napili niya. 14 years old pa lang ako.
Pinilit kong pigilan ang mga luha ko dahil hindi ito ang tamang oras para sa pagiyak. Kararating lang ni daddy at ayokong ipakita sa kanya na hindi pa ako nagbabago. Na ang iyaking prinsesa niya noon ay isang iyaking prinsesa pa rin hanggang ngayon.
"Dad.." aniko.
Gusto kong sabihing ayokong umalis pero hindi ko alam kung paano. Parang may nagpigil sa akin. Matagal kaming hindi nagkasama ni daddy at parang nahihiya akong tumanggi sa kanya. Siguro gusto lang niya akong gumaling at gusto niya kaming makasama ni mommy. Sigurado akong malulungkot agad siya kapag tumanggi ako
"Ayaw kitang pilitin, anak. Nasasayo ang desisyon pero sana ay pumili ka ng tama."
Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti. Sa masiglang ngiting iyon ay alam kong may nagtatagong lungkot. Tumayo na si daddy ngunit may nagudyok sa aking tawagin muli siya.
"Dad.." huminto siya bago bumaling sa akin.
"Yes, anak?"
Bumilis ang kabog sa dibdib ko at parang napipi ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Napapikit na lamang ako.
"Louise, may nararamdaman ka ba?" tanong naman ni mommy ngunit umiling lang ako.
"Mommy, daddy, opo. Sasama na po ako sa Amerika." ang sagot kong iyon ang nagpangiti sa labi ng daddy ko. Niyakap niya agad ako at pati si mommy ay lumapit para yakapin rin ako. Masayang masaya sila.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".