Chapter 16 // Lola [ Arvin's POV ]

3K 122 19
                                    

Chapter 16 : Lola

- Arvin's POV -

Umalis ako sa court at dumiretso ako sa locker room para magpalit ng damit. 

"T*ng*n* talaga!" napamura na lang ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya hinampas ko na ang isa sa mga locker. "Lintek na Leo yun! Gago!"

Bukod sa naiinis ako dahil mukhang matatalo kami, naiinis din ako dahil ang yayabang ng kabilang team. Ang yayabang ng team ni Tristan. Oo, magagaling sila siguro dahil mga varsity sila. Pero kung magvarsity din kami, siguradong mas magagaling kami sa kanila. Ang gusto lang naman nila ay ang magpasikat dito sa school. Hindi naman namin kailangan iyon. Tsk!

Nakapagpalit na ako ng school uniform nung dumating sina AJ.

"Uy, Yago, anong nangyari sayo? Tara na. Baka matalo pa tayo." ani AJ.

"Oo nga. Wag mo ng pansinin si Leo. Ungas talaga ang isang yun." Dagdag naman ni Michael.

Hindi ko sila pinansin at naglakad na palabas ng locker room. Alam kong nainsulto sila sa ginawa ko kaya pinigilan at itinulak na ako ni AJ.

"Ano bang problema mo?! Ano to? Magpapatalo na lang tayo? Sira ka ba! Sa totoo naman, ikaw ang nagsimula nito. Hindi naman tayo mapapasabak dito kung hindi sa katigasan ng ulo mo."

"Tama na yan, AJ." saway ni Michael pero hindi iyon pinansin ni AJ.

Wala ako sa mood makipagtalo sa kanila kaya mas magandang hindi ko na lang sila pansinin at lampasan na lang sila. Baka kung ano pang magawa ko.

"Ano, Yago? Isang talunan ka na ba ngayon? Susuko ka na lang basta basta? Asan na yung Yagong nakilala namin dati? Yung palaban at matapang. Bakit nandito ang isang duwag at takot lumaban-"

Nainsulto ako sa sinabi ni AJ kaya sinuntok ko na siya. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Hindi ako isang duwag. At lalong hindi ako natatakot sa kung sino man. 

Agad akong pinigilan ni Michael dahil sa ginawa ko. Hindi ko sinasadyang suntukin si AJ. Pero talagang sumosobra na siya. Nakita kong hinawakan ni AJ ang kanyang labi na ngayon ay dumudugo na dahil sa suntok ko.

"Ganito ba?" Tanong niya. "Para saan to? Tsk. Hindi na kita kilala. Bahala ka nga diyan!" aniya sabay alis na. Nahirapan pa si Michael kung kanino siya papanig. Sinenyasan ko na lang siya na sundan si AJ dahil gusto kong mapagisa. Tumakbo siya para habulin si AJ kaya naiwan na lang ako doon.

Napapikit ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. Ganito nga ba? Pati kami ng mga kaibigan ko ay nagkakawatak watak na. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Arvin.." ang narinig kong malamig na tawag ng isang babae. Lumingon ako at niyakap niya kaagad ako. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko nagawa. Mas humigpit ang mga yakap niya. "Wag kang magalala. Andito lang ako para sa iyo. Hinding hindi kita iiwan." aniya. 

Ito ang gusto ko. Ito ang kailangan ko. Ang taong magsasabing andito lang siya para sa akin. Na hindi niya ako iiwan. Nadala ako sa nararamdaman ko kaya niyakap ko siya pabalik. 

"Maraming salamat.. Monique."

Ilang minuto kaming magkayakap doon at hindi ko napansin na niyakap ko na pala siya pabalik. Agad ko itong tinanggal at naguluhan sa ginawa ko. "Nabigla lang ako." sabi ko ng hindi makatingin sa kanyang mga mata. Nakakahiya ang ginawa mo, Yago! sabi ko sa sarili ko.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon