Chapter 15 : Game
- Louise's POV -
Nag ring ang bell, senyas na lunch break na. Nagkagulo na naman ang mga kaklase ko dahil siguradong maguunahan na naman ang lahat ng estudyante papuntang canteen. Paniguradong mahaba na naman ang mga pila. Wala ng nagbago. Bakit kasi hindi na lang nila palakihin ang canteen? Hindi na kasi ito sapat dahil sa sobrang dami ng nagaaral dito.
Tumuyo na rin agad ako dahil naisip kong makisabay sa kaguluhan nila. Para kaming nagkakarera papuntang canteen. Pumila ako sa bilihan ng pasta at tulad nga ng inaasahan ko, mahaba na ito.
Mga limang minuto pa lang akong nakatayo at nakapila pero napansin kong nauubos na ang mga tao sa paligid. Hindi na masyadong masikip. Nagpasalamat ako dahil pati sa pinipilaan ko ay nababawasan din.
"May laban daw sa court. Yung magpisan." ani Anna na kaklase sa kanyang mga kaibigan na kaklase ko rin.
Hindi ko sila pinansin. Natuwa na lang ako dahil pati sila ay umalis sa pila. Dumating ang oras na ako na ang bibili. Sinabi kong isang carbonara at blue lemon float. Agad namang ginawa ni ate ang order ko kaya inabot ko ang bayad.
Humanap ako ng table at wala na talaga masyadong tao dito sa canteen.
"Tara, dali!" sigaw ng isang babae sa kaibigan niya na kasalukuyang kumakain. Hinila pa niya ito kaya napilitan na ang kaibigan niyang tumayo. Napasimangot ito. "Si Yago at Tristan daw nasa court." dagdag pa niya.
Napansin kong nanlaki ang mata noong kaibigan niya at siya pa mismo ang humila sa kanya para makatakbo na agad sila papunta sa nasabing lugar.
"Di mo naman agad sinabi." reklamo pa niya.
Kaya pala wala masyadong tao dito dahil andun ang lahat sa court. Hawak hawak ko ang aking pagkain at sa halip umupo sa table ay dumiretso din ako sa court. Gusto ko rin silang mapanuod.
Nang makarating na ako sa court, doon ko lang napagtanto na andito nga pala ang lahat ng tao. Nahirapan pa akong sumiksik para makita sina Arvin at Tristan. Dahil pumayat na ako, madali ko iyong nagawa. Nakarating ako sa harap ng sandamakmak na tao at nakita na magkaibang grupo ang dalawa.
Hindi pa nagsisimula ang game.
Bumaling ako kina Tristan na puro mga kaibigan na varsity ng bastketball ang mga kateam at kina Arvin na mga kabarkada naman niya at kasama si Russel. Si Russel? Isa siya sa mga binubully ni Arvin araw araw.
Malapit ako sa grupo nina Arvin kaya narinig ko ang mga paguusap nila.
"Kapag natalo kami, humanda ka samin." Ani Arvin.
Kinulong naman ni AJ ang leeg ni Russel gamit ang kanyang mga braso.
"Wag kang lalampa lampa." Utos niya.
Kinabahan ako bigla. Natatakot ako sa kalagayan ni Russel. Mga varsity sina Tristan at nakapanood na ako minsan ng game nila. Talagang magagaling sila. Baka sila ang manalo. Matutuwa ako kung mangyayari iyon dahil boto naman ako kay Tristan pero kapag iniisip kong may mapapahamak kapag matatalo sina Arvin. Talagang bumabaliktad ang sikmura ko.
"Hindi mo makakain yan dito." sabi ng isang babaeng katabi ko. Lumingon ako sa kanya at napag alamang si Monique iyon. Hindi ko inaasahang andito rin siya. Nakatingin siya sa bagay na hawak ko. Tiningnan ko iyon at naalalang may dala nga pala akong carbonara dito.
"Ah eh.." hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Wag kang magalala. Madaling matatapos ito. May oras ka pa para kainin iyan mamaya." ngumiti siya. Talagang napakaganda niya. "Hmm. Kanino ang gusto mong team?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".