Chapter 24 : Rooftop
- Louise's POV -
Naghihintay ako sa labas ng bahay namin nang biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at binasa ang mensahe na galing sa magaling na si Arvin.
"Di na kita madadaanan. Nasa school na ko." Text niya sakin.
Halos pigain ko ang cellphone ko dahil sa panggigigil. Anong hindi madadaanan? Anong nasa school na?? Lakas din ng topak ng isang to kung minsan! 30 minutes na kaya akong nakatayo dito dahil sa pagiintay sa kanya tapos sasabihin niyang nasa school na siya! Sana ay sinabi agad niya para kanina pa akong nakaalis. Ngayon ay baka malate pa ako. Pisti.
Mag sisimula na sana akong maglakad nang may narinig akong nagsalita.
"Louise." tawag niya sakin kaya lumingon agad ako. Hindi na ako nagulat dahil pamilyar naman ako sa boses niya.
"Oh, Tristan, ikaw pala." Bati ko. Sinubukan kong ngumiti kahit sobrang naiirita na ko. Ayoko naman kasing pagbuntungan ng galit itong si Tristan. Wala siyang kasalanan at lalong wala siyang alam sa mga nangyayari.
Tinitigan ko ang mukha niya at saka ko lang napagtanto na may kakaiba sa mukha niya. May bago sa mukha niya at hindi ito maganda. Puno ng pasa at mga gasgas ang mukha niya. Para siyang pinagtulungan bugbugin ng sampung tao. Sorry, masyadong exag. Pero grabe! Sinira nila ang makinis na mukha ni Tristan!
"Anong nangyari sa mukha mo? Napaaway ka ba?" Tanong ko.
Bumaba siya sa kanyang bike at nilapitan ako. Nagsimula siyang maglakad kaya sumabay na ko.
"Napaano ka?" Tanong ko dahil hindi niya sinagot ang una kong tanong.
"Ah. Wala ito." aniya habang hinihimas ang kanyang baba. "Bakit di mo kasabay si Arvin? Kanina pa siyang umalis ng bahay ah. Nagaway ba kayo?" tanong niya. "Kaya hindi ka niya sinundo?"
"Ay naku hindi! Tinext niya ko kanina, sabi niya dadaan daw siya. Kaso tinanghali ako ng gising kaya sabi ko, wag na siyang dumaan dahil tiyak na malelate ako." Pagsisinungaling ko.
Bahagya siyang tumango at doon na naputol ang usapan namin hanggang sa makarating kami ng school. Nang maghiwalay na kami, agad akong kumaripas ng takbo papunta sa classroom nina Arvin. Gusto ko siyang sermunan dahil sa nangyari ngayon. Dahil sa hindi pagsundo sa akin.
Pagbukas ko ng pinto ng room nila, nagulat pa ang mga kaklase niya sa biglang pagsulpot ko.
"Asan si Arvin?" ang mahinahon kong tanong sa isang babaeng nakaupo malapit sa may pinto.
Lumingon siya sa kanyang mga kaklase bago muling tumingin sa akin.
"Wala pa siya. Di pa siya dumadating." aniya kaya bahagyang kumunot ang noo ko.
Kung wala siya dito, saan naman kaya siya magpupunta? Nagsinungaling siya! Sabi niya, andito na siya sa school pero wala naman.
Bumalik ako sa room namin bago ko siya tinext.
"Asan ka?" tanong ko.
Agad naman siyang nagreply.
"Asa classroom. Wag ka ng pumunta dito. Nagrereview ako." reply niya.
Doon mas kumunot ang noo ko. Gusto kong itapon ang cellphone ko dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin. Kung hindi niya ako madadaanan, dapat sinabi niya na lang ang dahilan. At kung wala siya sa room nila, dapat sinabi niya na wala. May inililihim kaya siya?
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".