Chapter 11 // Eraser [Louise's POV]

3.8K 137 21
                                    

Chapter 11 : Eraser  

- Louise's POV - 

May sira talaga sa ulo ang lalaking yun. Ang sarap iuntog. O baka naman, wala na siyang ulo este isip kaya hindi na siya makapagisip ng tama. Baka nababaliw na siya. Baka kailangan ko ng tumawag sa mental hospital. Totoo ba iyun o nananaginip lang ako? 

"Ugh! Ang laki ng problema mo Louise!" ang sabi ko sa isip ko habang nagkakamot ng ulo. 

Naglalakad na ko sa corridor ng biglang magring ang bell. Hindi naman ako nalate ng gising. Sa totoo, hindi ako nakatulog. Ang problema lang, mula pagkatayo ko sa kama hanggang sa panliligo at pagkain ko, lagi akong nakatulala kaya hindi ko napansing mabilis na tumatakbo ang oras. 

"Tabi nga!" sabi ng isang nagmamadaling lalaki kaya nasagi ang balikat ko. Halos maout off balance ako dahil wala ako sa sarili ko.  

Halos lahat ng estudyante ay nagmamadali kaya halos lahat sila ay nakakasagi sakin. Nagkakagulo na sila. Wala naman kasing may gustoong malate. Kahit ayokong malate sa klase, wala akong nagawa kundi ang maglakad ng mabagal dahil lahat ng tao ay sumasalungat sa pupuntahan ko. 

Tumingin ako sa harap ko at napakunot ang noo ko. Ang layo pa pala ng classroom ko at hindi pa ako umuunsad sa paglalakad. Hindi ko kinaya ang sandamakmak na taong ito. 

Nang medyo humupa na ang tao, nagsimula na akong maglakad. 

Sa hindi kalayuan, natanaw ko ang nakapamulsang si Arvin. Parang nabura ang lahat ng tao sa corridor at siya lang ang aking nakita. Agad na bumilis ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. 

Diretso ang tingin niya sakin dahilan kung bakit may kung anong kumiliti sa tiyan ko. Papalapit siya ng papalapit kaya pabilis ng pabilis din ang kabog ng dibdib ko. Feeling ko mahaheart attack na ko ng di oras. Magkatama ang mga mata namin ng bigla siyang umiwas ng tingin at nilampasan ako. 

Nanlamig ang kamay ko at naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi niya ako pinansin. Hindi niya ako.. pinansin. 

Gusto kong matuwa dahil hindi niya ako pinansin. Gusto kong magtatalon dahil hindi niya ako pinansin. Gusto kong magpaparty dahil hindi niya ako pinansin!! Gusto kong magsaya! Pero sa halip na ganun ang mangyari. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko. Parang uminit ang dugo ko. Nagagalit ako dahil hindi niya ako pinansin. Ano bang problema niya?? 

Lumingon ako sa kanya at napansin kong bumalik na ang lahat ng tao. Nagkakagulo pa rin ang lahat pero kitang kita ko si Arvin na naglalakad sa gitna. Walang gustong mapadikit sa kanya. Naginit lalo ang dugo ko. 

Nakita ko ang isa kong kaklaseng nagpapagpag ng eraser ng greenboard. Inagaw ko agad iyon at nung lumingon ako sa naglalakad na si Arvin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at ibinato ko iyon sa kanya. Hindi ko man nasaktohan ang ulo niya, natamaan ko naman ang laylayan ng white polo niya.  

Tumigil siya sa paglalakad pero hindi agad siya lumingon. 

Halos tumahimik ang lahat dahil sa pagpatak ng eraser sa sahig. Lahat sila ay napatingin sakin kaya nanlaki ang mata ko. Hindi ko ninais na mapukaw ko ang atensyon nila. Ang gusto ko lang ay ang atensyon ni Arvin. 

Tumingin siya sa likod ng nakakunot ang noo. Nakasimangot siya habang hinahanap ang kung sinong mapangahas na nagtapon ng eraser sa likod niya. Nagtama ang mata niya sa kaklase kong nagpapagpag ng eraser kanina. May mga chalk dust pa kasi sa kamay niya. 

Nakatingin lang ako kay Arvin. Nakita ko sa may gilid ng mata ko na mabilis na umiiling ang ulo ng kaklase ko. Kinaway kaway pa niya ang kanyang kamay at waring hindi na alam ang gagawin. Tumigil lang siya nung marahas niya akong itinuro. 

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon