Chapter 34 : School
- Cassandra's POV -
"Louise, ready ka na ba?" mahinahong sigaw ko kay Louise na nagaayos pa sa taas. Andito na ko sa sala at siya na lang ang inaantay ko.
"Opo, saglit lang." sigaw niya pabalik.
Kinuha ko ang susi ng kotse at maya maya ay bumaba na rin ang anak ko.
Pupunta kami ngayon sa school niya para kuhanin ang letter at ayusin grades niya. Sa loob ng isang linggo ay lilipad na kami papuntang America kaya gusto kong maayos na lahat ng mga papel sa tatlong araw.
Nang makababa siya ay napansin kong hawak hawak pa niya ang isang notebook na kulay pink. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung diary na nakita ko nung makaraan.
"Bakit dala dala mo yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Sa totoo ay wala naman talaga akong problema sa mga dadalhin niya pero talagang nacurious lang ako.
"May gusto lang po akong alalahanin, Ma." aniya. Bahagya akong tumango at dumiretso na kami sa kotse.
Nang makarating kami sa school, pinark ko agad ang sasakyan sa pinakamalapit na parking space. Tinanggal ko ang susi sa sasakyan bago binaling ang aking tingin kay Louise. Nakita kong binabasa niya pala ang kanyang diary.
"Louise, andito na tayo." ani ko.
"Opo." sagot niya bago suminghot na para bang galing sa pagiyak.
"Anak.." sabi ko sabay hawak sa kanyang balikat. Kung hindi niya gustong umalis ay okay lang naman sa akin. Ayoko namang mahirap at masaktan lang siya sa huli. Kung saan siya masaya ay doon ako. Maiintindihan ko siya. "Kung ayaw mo-"
"Ma, ito po ang gusto ko." pinahid niya ang luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mata. Hinawakan niya ang kamay ko bago muling nagsalita. "Ma, tara na po. Baka nagiintay na tayo ni Mrs. Corpus." Si Mrs. Corpus, ang principal na makakausap namin ngayon.
"Mrs. Silva, kapag po lumipat si Louise ng school, hindi lahat ng subjects dito ay macrecredit niya doon. So, may chance na magulit pa rin po siya ng 4th year." magalang na sabi ng principal sa akin.
"Okay lang naman po yun, Ma'am. Kung pwede lang, makuha namin ang records niya sa loob ng isang linggo. Kaya po kaya yun?" tanong ko naman.
"Pwede naman po, Mrs. Silva. Tutal sabi niyo na sa isang linggo na kayo aalis, ipraprioritize po namin ang mga records ng anak niyong si Louise. Ako mismo ang magaayos ng mga kailangan niya para ako na rin mismo ang makapagbigay sa inyo." nakangiting sabi ng medyo may edad na principal.
Ngumiti ako pabalik bago bumaling kay Louise. Naabutan ko naman siyang may binabasa sa kanyang cellphone. Dahan dahan siyang tumingin sa akin bago nagpaalam na lumabas. Tumango lang ako at medyo naguluhan sa biglang pagbabago ng ikinikilos ni Louise. Makikipag kita kaya siya kay Monique o sa iba niyang kaibigan?
"Mrs. Silva, pafill up na lang po nito. Sasabihin ko sa secretary ko na ipasign na yang form sa chairman para mabilis nating maprocess ang mga kailangan niyo." sabi sa akin ng principal at bahagya akong tumango.
- Louise's POV -
Lumabas ako ng principal's office at paglabas na paglabas ko ay tumambad agad sa harap ko si Lily. Tama, siya nga ang tumatawag sa cellphone ko kanina. Nagtext din siya na gusto niya raw makipagkita sa akin.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".