Chapter 25 : Nakakainis
- AJ's POV -
Dumating ako sa bahay ng basang basa talaga. Ginulo ko ang buhok ko para mabawasan ng tubig ang medyo may kahabaan kong buhok. Hindi pa ako nagpapagupit.
"Uy, AJ! Hala! Bakit nagpabasa ka sa ulan? Alay, mapapagalitan ka ng mommy mo! Hindi ba ibinili kita ng payong. Asan na? Hindi mo na naman ginamit." sabi ni Ate Perla na kasama namin sa bahay.
"Wag niyong sasabihin kay mommy. Papagalitan ako." ani ko.
"Abay dapat lang kundi ako na naman ang mapapagalitan. Asan na ba kasi yung payong."
"Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay. Nawala ko ata." pagsisinungaling ko. Ang totoo ay ipinahiram ko kay Betty.
"Ay naku pong bata ka. Lagi mo na lang iwinawala. Ay sya, magbihis ka na. Baka magkasipon ka pa. Alam mo naman ang mommy mo. Masyadong paranoid."
Tumango ako sa kanya bago tumakbo patungo sa kwarto ko. Kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso agad sa banyo para makapagligo.
Nang matapos akong manligo, hindi pa natutuyo ang buhok ko ay humiga na agad ako sa kama. Nakakapagod ang araw na ito. Nagtraining kasi ako ngayon. Sabi ni coach kapag inayos ko daw ang pagaaral ko, pwede akong bumalik sa pagvavarsity.
"Nakakainis talaga kayo.. Nakakainis talaga kayo.. Nakakainis talaga kayo.." Ops, may tumatawag.
[: A/N: Boses po iyon ni Louise. Iyon ang call alert tone ni AJ. :]
Hinalikwat ko ang bag ko at nung hindi ko makita ang cellphone ko ay hinuho ko na lahat ng laman sa kama ko. Sa wakas, nakita ko na. Dinampot ko iyon at pinindot agad ang answer.
"Hello?"
"Hello, AJ.."
Nangilabot ako sa malamig na boses na yun. Kay Betty Parang may bumara sa lalamunan ko kaya nahirapan akong magsalita.
"Hello?.. AJ? Andyan ka pa ba?"
Shet! Hindi ako makahinga. Hindi ako maka- hi- nga.. Tu- long.. Mama- matay na ata ak- o. Heart at- tack.. Joke!
"Ah. Oo, bakit?" seryoso kong tanong.
"May gagamitin ka bang payong bukas? Malakas daw ang ulan."
Humarap ako sa may gilid ng pinto at nakita ang sandamakmak na payong ko. Oo, marami kaming payong at karamihan doon ay bago pa dahil hindi nga ako madalas gumamit ng payong.
"Ah sige, sa school ko na lang isasauli. By-"
"Ay teka teka! Meron akong payong kaso mga butas na. Kailangan ko ng payong ko. Paano yan, nasayo ang payong ko. Dalhin mo dito yan."
"Ang yaman yaman niyo tapos butas ang mga payong mo. Grabe ka! Sige na, idaan ko na lang diyan bukas ng umaga. Sige na, bye."
Ibinaba na niya ang tawag pero hindi ko pa rin tinatanggal ang aking cellphone sa may tenga ko. Napangiti ako dahil sa mga nangyari.
1. Nagkadikit kami ni Betty dahil sa paghawak ko sa kanyang balikat.
2. Nasa kanya ang payong ko.
3. Tumawag siya sa cellphone ko.
4. Pupunta siya dito sa bahay bukas.
5 pa lang ng umaga ay mulat na mulat na ang mga mata. Hindi ko matandaan kung nakatulong nga ba ako ng maayos. Naligo ako para makapagayos ng aking sarili. Napabaling ako sa sulok ng cabinet ko at may napansing pabango. Matagal na ito dito pero hindi ko ginagamit. Siguro, ngayon ang tamang oras para gamitin ko yun.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".