Chapter 1 // Meet the Bully

9.7K 326 44
                                    

*Kaway kaway* Hello! Maraming salamat at napapad kayo dito sa second story ko. Sana po ay mabasa niyo hanggang dulo. Pipilitin ko pong gawin ang aking lahat ng makakaya para magustuhan niyo ang bawat kabanata.

Don't judge the book by its first chapter. Okay?

Please magvote kayo kung nagustuhan niyo. Comment nalang din ng inyong mga saloobin. Hindi ko kailangang ifan niyo ko. Mabasa niyo lang to masaya na ko. 

Enjoy! :D

PS. Itong first chapter lang ang gagamit ng Third person's POV. Ang mga susunod pa ay POV na ng mga karakter.

 -------------------------------------------------------------------

Chapter 1 : Meet the Bully

Ang mga nagkakagulong estudyante ay naguunahang pumasok sa may canteen dahil gusto nilang mauna sa pila. Lunch time na kasi at sa dami ng estudyante ng pumapasok sa Southville Academy, talagang aabutin ka ng ilang oras para makabili ng pagkain dahil sa haba ng pili sa bawat tindahan.

Sa kabaliktaran ng lahat, si Arvin Yago, ang tinaguriang bully ng eskwelahan nila, at ang grupo niya ay nageenjoy lang sa paglalakad na parang hindi alintana sa magiging haba ng pila sa mga tindahan.

Tulad ng ordinaryong pangyayari, sumingit ulit ang grupo niya sa pila ng napili nilang tindihan.

"Teka! Akong nauna dito ah!" ang sigaw ng isang ordinaryong estudyante na mukhang gutom na gutom na dahil kanina pa siyang nakapila sa mahabang linyang iyon. Hindi niya agad napansin na si Arvin pala iyon.

Lahat ng tao sa canteen ay napalingon sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Dahan dahan namang lumingon si Arvin sa kanya at nagbigay ng nakakatakot na tingin. Dahan dahan siyang nilapitan nito kaya dahan dahan naman din siyang umuurong.

Dahil sa patuloy na pagurong niya, napilitan si Arvin na hawakan siya sa kanyang polo. 

"Hoy, ikaw pandak. Sinisigawan mo ba ko?!" ang tanong nito habang nagtataas pa ng kilay.

Hindi na nakaimik ang lalaki dahil na rin siguro sa takot. Umiling iling lang ito habang nakatingin sa baba.

"Tama na yan, Yago. Bili na lang tayo ng pagkain. Gutom na rin ako eh." ang sabi ng katropa niyang si AJ dahil siguro naaawa na ito sa walang imik na lalaki. Ang apelyidong, Yago ang naging tawag sa kanya ng lahat ng mga estudyante simula ng tumuntong sila sa highschool.

"Teka lang, pare. Naiinis kasi ako dahil sinigawan ako ng mokong na to." Sinimulan niyang batok batukan ang lalaki. "Ano?! Sumagot ka! Di ba kanina sinigawan mo ko. Asan na ang malakas mong boses!" ang mga salitang yan ang nagpalamig ng hangin sa paligid. Walang sino man ang nag nasang makialam.

"Uy, pare, si Betty oh!" sabay turo naman ng isa pa niyang katropang si Michael nung makita niya si Louise na kakalapag lang ng kanyang pagkain sa lamesa.

Agad niyang binitawan ang pagkakahawak sa polo ng lalaki at dali daling niyakag ang kanyang mga tropa palapit sa lamesa ni Louise. Gustong gusto kasi niyang pinagtritripan ito. Wala siyang araw na pinapalampas para hindi inisin ang dalaga.

Nang malapit na sila, inunahan niya pa si Louise sa pagupo ng silya. Sa lakas ng pagkakasagi ni Arvin, napasubsob ang dalaga sa kabilang bahagi.

Nalaglag ang salamin nito kaya kinapa kapa niya pa ito. Nang mahawakan na niya ito, agad niya itong isinuot bago tumayo.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon