Chapter 37 : Pass out
- Arvin's POV -
Kumaripas ako ng takbo papunta sa bahay nina Louise. Gusto ko siyang makita ngayon. Gusto kong bawiin lahat ng masasakit na salitang bitiwan ko sa kaniya. Napakabobo ko naman kasi. Hindi ako nagiisip. Nagpadalos dalos ako.
"Tita Cassy!" sigaw ko sa labas ng pinto nila habang kumakatok. "Tita, please. Buksan niyo ito!"
Agad akong nakarinig ng mga yapak papunta sa pinto at hindi nagtagal ay binuksan din ito ni Tita.
"Arvin! Panginoon ko! Pumasok ka dito. Ang lakas lakas ng ulan oh." aniya at hinawakan niya pa ang braso ko para maipasok ako sa loob ng bahay.
Hindi naman ako nagpaligoy ligoy at tinatanong ko agad kung nasaan si Louise. Hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag ko at hindi rin siya nagrereply sa mga text ko. Nagaalala ako.
"Andito ba si Louise, Tita? Asan na po siya?" nagaalalang tanong ko.
"Hindi pa siya bumabalik. Nagpunta pa ata siya kina AJ para magpatila ng ula-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Tita Cassy at tumakbo na ulit ako palabas ng bahay. "Arvin! Malakas ang ulan!" sigaw niya sa akin. "Ang batang to talaga."
Kinuha ko ang bisikleta ko. Kahit malakas ang ulan ay pinilit kong pumidal ng mabilis. Gusto kong makarating sa bahay nina AJ ngayon din. Ayokong magsayang pa ng anu mang oras.
Mabilis ang pagpapatakbo ko ng bisikleta ko at hindi ko na pinapansin ang mga sasakyan sa may kalye at mga taong naglalakad sa may gilid.
Pagliko ko sa may kanto ay nakarinig na lang ako ng malakas na busina na nanggagaling sa sasakyan sa may gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang sa direksyon ko pala ito papunta. Hindi ako nakagalaw at naistatwa na lang sa tayo ko habang hinihintay ang pagtama ng sasakyan sa bisikleta ko.
Mabilis ang mga pangyayari at hindi ko na napansin ang lahat. Iniisip ko na lang ngayon kung buhay pa ako.
Bahagya kong minulat ang mga mata ko at tiningnan ang sasakyan na muntik ng makabunggo sa akin.
Lumabas ang isang lalaki sa may driver's seat at nilapitan ako.
"Hoy bata! Magingat ka nga! Dilekado ang panahon ngayon! Umuwi ka na. Baka madisgrasya ka pa diyan o baka ikaw pa ang makadisgrasya! Diyos ko!" aniya.
Bumalik siya sa sasakyan niya at nagpatuloy na ko sa papedal ko ng aking bisikleta na para bang walang nangyari. Ang nasa isip ko lang ay si Louise.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa malaking bahay nina AJ. Itinapon ko ang bisikleta ko sa may gilid at dumiretso sa may gate para magdoorbell. Sunod sunod kong pinindot ang doorbell na parang gigil na gigil.
"AJ! Buksan mo to!" paulit ulit kong sigaw.
Maya maya ay nagbukas na ang pinto nila. Nakita ko ang isang kasama nila sa bahay na tarantang tarantang tinatawag si AJ.
"AJ! Lumabas ka! Ilabas mo dito si Louise!"
Hindi nagtagal ay nakita ko siyang gulat na gulat ng makita ako. Nagpakuha siya sa kasama nila sa bahay ng payong bago niya ako nilapitan.
"Arvin, anong gulo ito. Malakas ang ulan. Umuwi ka na!" sigaw niya sa akin dahil sa lakas ng ulan ay hindi talaga kami magkakarinigan.
"Asan si Louise? Gusto ko siyang makita, AJ." ani ko pero hindi niya binuksan ang kanilang gate.
"Arvin, umuwi ka na. Wala dito si Louise!"
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".