Hidden Chapter 4 // The Diary (2)

1.6K 67 19
                                    

Dear Diary,

Ako pa rin ito, si Louise.

4th year na ko pero wala pa rin akong nagiging kaclose sa school namin.

4th year na ko pero patuloy pa rin ang pangaasar ni Arvin sa akin na para bang mga bata pa rin kami.

4th year na ko kaya hindi na ko magpapatalo sa kanya at hindi na rin ako iiyak.

Hindi ko na siya uurungan. Kaya ko ng lumaban... pangako.

July 11, 2011

Nasuntok ko si Arvin sa mukha dahil nakita niya ang picture ni Tristan sa cellphone ko! Crush ko kasi si Tristan at gusto ko sanang lagi siyang makikita. Nakakainis lang dahil siya pa ang nakakita. Pwede naman si Tristan na lang.

Pero parang okay na rin. At least, napadugo ko ang labi niya. Parang lahat ng galit ko ay nabawi ng suntok na yun. Masaya na sana ako kaso binantaan niya ako na sasabihin daw niya kay Tristan na may gusto ako sa kanya kapag hindi ako pumayag na maging chimay niya.

- Loko ka talaga, Arvin!! Mukha ba kong katulong sayo??

August 25, 2011

Inaya ako ni Arvin na magaral sa coffee shop. Pero hindi rin kami nakapagaral dahil ang kulit kulit niya. Pangasar lang! Nasayang ang oras ko. Tapos noong inihatid niya ko, tinanong niya ako kung kailan ko daw siya sasagutin. Aniya'y nanliligaw daw siya. Sinabi ko na lang na hindi ko siya pinapayagang manligaw at hindi ko siya sasagutin. Sabi niya pa na kami na daw.

Gusto kong kumontra pero hindi ako nakapagsalita. Bigla kasing nagsikip ang dibdib ko. Bumilis ang kabog ng puso ko. Parang maha heart attack ata ako. May sakit kaya ako sa puso?

- Sa totoo lang, Arvin, bakit gusto mong maging tayo? Dahil ba may balak ka ring saktan ang puso ko? Please naman, maawa ka dahil mahina ito.

September 28, 2011

Nawalan ako ng malay kaya dinala ako ni Arvin sa clinic.

Gusto ko siyang iwasan kaya sinabi ko kay Ate Tin na magsinungaling at sabihing maaga akong umalis. Akala ko magtatanggumpay ang plano ko na hindi siya makita pero mapagbiro talaga ang tadhana.

Muling bumalik sa clinic si Arvin kaya nakita niya ko. Niyakap agad niya ko aniya'y natakot siya ng hindi niya ako nakita. Pero ang sama ko rin dahil itinulak ko lang siya palayo.

Tatlong araw na kasi ang nakalipas noong magpunta ako sa ospital. Sabi ng doktor, nasa early stage ako ng leukemia. Ang alam ko lang ay cancer yun at may taling na ang buhay ko. Natakot ako kaya wala akong pinagsabihan. Kahit kay mommy ay hindi ko sinabi. Natatakot akong mamatay.

- Arvin, gusto kong sabihin sayo pero natatakot akong baka magbago ang tingin mo sa akin. 

November 16, 2011

Nakita ko sina Arvin at Lily na magkasama. Kasama ko si AJ noon. Ang kulit rin kasi niya. Hindi niya ako titigilan kapag hindi ko siya hinayaang ihatid ako sa bahay. 

Niyakap niya ako bigla. Alam kong kayo ang dahilan kung bakit niya yun ginawa. Ayaw niyang makita ko kayong magkasama. Pero nahuli siya kasi nakita ko kayo. Binali wala ko lang na magkasama kayo. Ayokong magisip ng malisya pero.. nakita ko ring magkahawak ang mga kamay niyo. Hindi ko na alam kung anong iisipin.

- Arvin.. bakit? Kulang pa ba ko? Hindi pa ba ko sapat para sayo?.. kasi ang sakit sakit. Siguro nga mas magandang maglaho na lang ako sa mundo.

November 18, 2011

Nagpunta si Arvin sa bahay namin noong isang araw. Kakagaling ko lang sa ospital noon pero masaya ko pa rin siyang sinalubong sa may pinto. Pero nalungkot ako noong makita ko ang mukha niya pero hindi ko iyon ipinahalata. Parang may gumugulo sa isip niya. Doon pa lang alam ko na, na may sasabihin siyang hindi maganda sa akin.

Nagflash back agad sa akin yung pangyayaring nakita ko silang magkaholding hands ni Lily. Sabi ko sa sarili ko, kapag feeling ko na makikipagbreak siya sa akin ay uunahan ko na siya. Alam kong ako rin ang masasaktan sa huli. Gusto ko lang malaman kung masasaktan rin siya sa gagawin ko. 

- Pero Arvin.. umiyak ka at nagmakaawang makipagbalikan ako sayo. Ano ba talaga? Naguguluhan na ko. 

[A/N : Ito po ang second part ng nabasa ni Arvin.]

 --------------

Salamat sa pagbabasa.

Don't forget to vote and leave a comment. Thank you! :**

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon