Guys, hindi po aalis si Arvin. Si Louise po ang aalis."..Siguro nga kailangan kong tanggapin na kailangan niya talagang umalis.." <- ito po yung sinabi niya sa huling part. :D
-----
Chapter 40 : Hiling
- Arvin's POV -
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ni Louise habang hawak hawak ang mainit niyang kamay. Maputla ang kanyang mga labi dahil sa kakulangan niya sa dugo pero parang ang sarap sarap pa rin ng tulog niya. Parang wala siyang iniindang sakit.
Dalawang araw na siyang hindi nagkakamalay dito sa loob ng ospital. Nasalinan na siya ng dugo mula sa malalayong mga kamaganak niya at ang sabi ng doctor ay baka ngayong araw ay magigising na siya.
Inayos ko ang bonnet sa ulo niya at gusto ko na lang maiyak nang maramdaman ang madulas na ulo niya. Wala na ang maganda at mahabang buhok ni Louise. Shinave ang buhok niya dahil sa pagchechemo niya. Nalulungkot ako dahil ang buhok pa lang niya ay nagpapaalala na sa akin na may cancer siya. Na may taling na ang buhay niya.
Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sumakit ang mga ito. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog dahil sa pagiisip sa kalagayan ni Louise o baka dahil gusto ko lang talaga umiyak pero hindi ko inilalabas ang mga luha ko.
Gusto kong gumaling siya. Sa totoo ay ayokong isiping may sakit siya. Ayokong isiping may cancer siya. Pero sa nakikita ko, hindi ko maiwasang magisip ng kung anu ano.
Kung pwede ko lang hilingin sa Diyos na sana ay ako na lang ang nagkasakit. Na sana ay ako na lang ang nasa kalagyan niya. Mas gugustuhin ko pang ako ang inaalagaan niya kaysa ako itong nagaalaga sa kanya.
Maya maya ay nagvibrate ang phone ko. Chineck ko agad ito at nakitang nagtext si Lily.
"Arvin, nasan ka ngayon?" tanong niya sa text.
Hindi ko yun pinansin at ibinulsa ko na lang ang cellphone ko. Ilang linggo na rin kaming walang communication ni Lily. Sa totoo ay ayoko talaga munang makita o makausap siya. Ang gusto ko lang ngayon ay ang manatili sa tabi ni Louise para siya ang mapagtuunan ko ng pansin.
"Arvin.." tawag sa akin ni Tristan na kakapasok lang ng pinto. "Kami na dito ni Monique. Umuwi ka na muna. Wala ka pa atang tulog."
Binaling ko sa kanila ang aking tingin pero hindi ako nagsalita. Umiling lang ako.
"Arvin, hindi pwedeng palagin ganito. Nagaalala na si Ate Tin." dagdag pa ng pinsan ko.
"Hindi, okay lang ako, Tristan." sagot ko.
"Ganito na lang. Kumain na lang muna kayo ni Tristan tapos bumalik kayo mamaya. Ako na lang muna ang magbabantay dito." ani Monique. "Sa loob pa lang ng dalawang araw ay halatang hindi ka nakakakain ng ayos. Arvin, kailangan mo ring kumain kung gusto mong alagaan si Louise." dagdag pa niya.
Tama siya. Kailangan ko ring kumain kung gusto kong alagain si Louise. Hindi na ko nagmatigas at pumayag na kumain sa labas. Tumayo ako para makaupo si Monique sa silya. Muli akong sumulyap kay Louise bago umalis.
Hinihiling ko na sana pagbalik ko ay gising na siya.
- Lily's POV -
Nabalitaan kong nasa ospital si Louise kaya minabuti kong magpunta para dalawin siya. Alam kong hindi naging maganda ang naging relasyon naming dalawa pero gusto ko pa rin siyang makita kahit papaano.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".